82 Pinakita niya ang kanyang tunay na anyo!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Itatanggi palang ni Shen Meng Qi ang sinabi ni Ye Wan Wan, hindi sinasadyang tumingin si Ye Wan Wan kay Jiang Yan Ran at napaisip nalang ng malalim at pinaalala kay Shen Meng Qi, "Nung katapusan ng buwan. Hindi ba kasama mo si Song Zi Hang sa perya? Baka masyadong maingay kaya hindi mo 'ko narinig ng maayos?"

Sa sandaling narinig iyon ni Shen Meng Qi, namutla ang kanyang mukha at takot niyang tinignan si Jiang Yan Ran.

Damn it! Pumunta nga siya sa perya kasama si Song Zi Hang noong nakaraang buwan, at sa oras na 'yon tinawag siya ni Ye Wan Wan sa di malamang dahilan. Habang siya'y nasisiyahan sa atensyon ni Song Zi Hang, wala siyang lakas para aliwin si Wan Wan kaya naman nagsalita lang siya ng kaunti at ibinababa na telepono.

Pero paano nalaman ni Ye Wan Wan kung nasaan ako? Aksidente ko bang sinabi sa kanya 'yon?

Damn, at kailangan pa talaga magsalita nitong bobong babaeng ito sa harap ni Jiang Yan Ran!

Maya-maya, nagbago bigla ang mukha ni Jiang Yan Ran, "Anong sabi mo? Noong nakaraang buwan, magkasama si Shen Men Qi at Song Zi Han sa perya?"

Gulat din si Fang Qin, "Birthday ni Yan Ran nung araw na 'yon! Espesyal na inimbita ni Yan Ran si Song Zi Hang at handa na siyang aminin 'yung nararamdaman niya sa kanya. Sa huli, hindi sumipot si Song ZI Hang at sabi mo rin na hindi ka makakapunta dahil may sakit ka. Ikaw… Bakit kasama mo si Song Zi Hang nung araw na 'yon…?"

Ang mga babae na nakapaligid sa kanila ay nalilito rin. Gusto ni Jiang Yan Ran si Song Zi Hang?

Kaunting tao lang ang nakakaalam nito pero roommate ni Shen Meng Qi si Jiang Yan Ran at malapit silang dalawa; imposibleng hindi niya alam ito.

Dahil alam ni Shen Meng Qi na gusto ni Jiang Yan Ran si Song Zi Hang at handa na siyang umamin ng nararamdaman niya noong birthday niya, bakit magsisinungaling si Shen Meng Qi kay Jiang Yan Ran na may sakit at lalabas kasama si Song Zi Hang?

Biglang nagbago ang paningin ng mga manunuod kay Shen Meng Qi.

Inakit ang taong gusto sa likod ng mabuting niyang kaibigan… sobrang nakakahiya.

Nang maring ni Ye Wan Wan ang sinabi ni Fang Qin, bigla nabalisa ito na para bang may nasabing mali pero kumikislap ang mga mata nito, "May sinabi ba akong mali?"

Sa pagkakasabi ng mga salitang iyon ay umangat ang kanyang kredibilidad.

Alam ng lahat ng maayos ang relasyon nila Shen Meng Qi at Ye Wan Wan, pinagkatiwalaan ni Jiang Yan Rang ang tsismis na sinabi ni Shen Meng Qi tungkol kay Ye Wan Wan. Kasalungat nito, naniniwala din siya sa aksidenteng ibinunyag ni Ye Wan Wan sa lahat.

Ganunpaman, hindi tanga si Jiang Yan Ran; mayroon din siyang mga hinala pero hindi ganoon kasigurado.

Maya-maya, inilabas agad ni Jiang Yan Ran ang kanyang phone ng may kasamang panginginig at binuksan ang huling mensahe ni Song Zi Hang na pinost niya sa Moments niya noong nakaraang buwan.

May inilagay na mood si Song Zi Hang: [Aking mahal, aantayin kitang maka-graduate]

Kasama n'on ay isang litarto na kinuhanan sa perya. Walang tao doon sa litrato kundi mga mahabang anino lang ng isang babae at lalaki.

Halata naman ang ibig sabihin n'on ay umamin na si Song Zi Hang sa babae, pero sinabi ng babae sa kanya na magkakasama lang sila pagkatapos ng graduation.

Pagkatapos ng birthday niya, nakita ni Jiang Yan Ran ang mensahe at alam na kaya hindi pumunta si Song Zi Hang sa kanyang birthday party ay dahil gusto niya aminin ang nararamdaman niya sa isang babae na matagal na panahon niya ng gusto.

Pero hindi niya aakalain na itatago ni Song Zi Hang ang true love niya, ang taong gustong-gusto niyang makilala, ay ang taong itunring niyang matalik na kaibigan, si Shen Meng Qi!

Kaya pala… kaya pala hindi sinabi ni Song Zi Hang kung sino ito!

Ang taong matindi niyang pino-protektahan ay nasa tabi ko lang pala!

Sa sandaling iyon, hindi makapaniwalang tinitigan ni Jiang Yan Ran si Shen Meng Qi, "Shen Meng Qi, sabihin mo, anong nangyayari? Yung taong gusto ni Song Zi Hang… Ay ikaw?"

avataravatar
Next chapter