265 Pinakabagong tsismis

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang makita na isinusumpa din ni Gao Feng si Han Xian Yu tulad ng ibang mga reporter, may kasiyahan na kumislap sa mata ni Zhao Da Yong habang may hinanakit sa kanyang pagsasalita, "Mr. Reporter, sige lang po!"

Tumango si Gao Feng, "Salamat po. Bago po ako magtanong, may gusto po akong ipanood sa inyong lahat kasama na din si Mr. Zhao."

Matapos magsalita, lumapit si Gao Feng sa projector sa gilid at pinalagay sa mga tauhan ang maliit na drive na hawak niya.

Nang marinig naman ni Zhao Da Yong at ng mga tao, agad naman nilang pinagtuonan ng pansin ang malaking screen sa multi-functional hall.

Isang masayang tugtog ang una nilang narinig, maya-maya may isang batang babae na limang taong gulang ang lumabas sa screen. Nakasuot na itim at maikling kwerong damit at maliit na palda. Ginagaya niya ang sayaw ng isang sikat na superstar mula sa country H.

Pang-matanda ang mga galaw sa sayaw pero kakaiba ang naramdaman nila sa maliit na lolita--- nakakatuwa ito at moe. Sabay na sabay ang mga galaw niya sa superstar.

Matapos ang ipinalabas sa kanila, lumingon si Gao Feng kay Zhao Da Yong at tinanong, "Mr. Zhao, matapos ang napanood niyo, ano po sa tingin niyo?"

Hindi sigurado si Zhao Da Yong kung bakit pinakitaan sila ni Gao Feng ng isang batang babae na sumasayaw, kaya buong tapat itong sumagot, "Sobrang nakakatuwa."

"Paano naman po ang iba? Ano po sa tingin niyo?" tumingin si Gao Feng sa mga tao at tinanong ulit sila.

Pinag-usapan ng mga tao ang napanood at nakita na sobrang moe ito.

"Ay diyos ko, sobrang moe at ang cute!"

"Kuhang-kuha niya yung mga galaw! Sa pagsasayaw niya ng ganyan sa ganyang edad--sobrang talentado niya!"

"Nakita ko na na yan. Sumikat ang pagsayaw ng batang babae noong nakaraang mga taon; ang galing niya! Mga sampung taong gulang na siguro siya ngayon!"

...

Nagpahayag din ang mga taong nanonood ng live telecast sa nakita at nabighani sa cuteness ng munting lolita.

Habang pinag-usapan ng mga tao ang video, kahina-hinala din nilang tinignan si Gao Feng, hindi sigurado kung ano ang intensyon niya sa pagpapakita ng video habang nasa press conference.

Nang malaman ang naisip ng mga tao tungkol sa nakita, tumango si Gao Feng at may pinindot na buton sa projector. "Sige, pwede po bang tumingin ang lahat sa mga screenshots?"

Sa sumunod na segundo, ilang mga screenshot mula sa Weibo ang lumabas mula sa screen.

Kita sa petsa ng mga screenshots na ito ay pitong taon na ang lumipas. Isang sikat na blogger ang nagpost ulit ng video ng pagsayaw ng batang babae, at parehas lang ang reaksyon ng blogger sa mga reporter. Kita sa mga kumento kung paano nila pinag-uusapan kung gaano nakakatuwa ang batang babae.

Ngunit, ng makarating na sa panghuling slide ng screenshot, isang dugyot na kumento ang lumitaw:

[Sobrang landi, gusto ko siyang i-f***! Magkano ang isang gabi lang?]

Nang lumabas ang kumentong ito sa malaking screen, may isang segundo na natahimik ang mga tao at isang kaguluhan ang sumabog sa lahat.

"P*ta! Sinong 'tong taong 'to? Manyak? Paano niya nasasabi yan sa isang limang taong gulang na babae?"

"Kahit na online lang yan, hindi siya dapat nagsasalita ng ganya, 'di ba?"

"Kadiri! Siguro paedophile din 'tong manyak na 'to, 'di ba?"

...

Sa screenshots, tinago ni Gao Feng ang mga Weibo ID na nasa mga screenshot, kasama na din ang ID na ito.

Nagalit ang lahat sa taong 'to at unti-unti ay nag-umpisa na silang magsuspetsa sa pagkakilanlan ng manyak...

"Tang*na! Yang manyak na netizen na yan si Han Xian Yu, 'no?"

"Baka siya nga! Baka nakuha ng Mars Weekly yang dummy account!"

"Kakasabi ko lang hindi naging maganda ang kondisyon ng Mars Weekly sa mga nakaraang taon pero may potensyal pa sila! Unang beses pa lang na may naglabas ng dummy account ni Han Xian Yu!"anda ang mga galaw sa sayaw pero kakaiba ang naramdaman nila sa maliit na lolita--- nakakatuwa ito at moe. Sabay na sabay ang mga galaw

...

avataravatar
Next chapter