1015 Pinaka-importanteng tao

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi iya kayang mnakit ng babae, kaya galit na galit siyang tumingin kay Si Ye Han. " anong klaseng lalake ka upang magtago sa isang babae?"

Nagtamo si Han Xian Yu ng isang magandang hustisya at hindi pumayag makagawa ng kahit na anong mali. Nagpakita ito ng hindi niya pagsuko agad.

Walang magawang nanunuod si Fei Yang habang nagdudulot ng kaguluhan si Han Xian Yu at dali daling tumakbo papalapit. Siya ay nakipag agawan upang ilagay ang face mask ni Han Xian Yu at tahimik na sinuyo siya na parang kamag-anak. "P*ta! Xian Yu, baliw ka na ba? Dalian mo, suotin mo ito, suotin mo ito! Paano na lang kapag nakilala ka nila?!"

Pasalamat na lang at hindi masyadong abala ang pastry shop at walang nakapansin ng sitwasyon doon. Kung lumala ito, ang balita ay " Si Han Xian Yu ay nagalit at sinaktan ang kalaguyo ng kanyang minamahal" ay ang magiging headline bukas...

Ang kaguluhang ito at ay nakaakit na ng pansin ng store clerk. Kapag ito ay nagpatuloy, magwawala ang impiyerno! 

Sa ngayon, napagtanto ni Fei Yang kung ano ang nangyari sa pinakaimportanteng bahagi. 

Base sa pag-uusap ni Han Xian Yu at ng lalaki kanina, napansin niya na siya ay nagkamiali. Akala niya na gusto ni Han Xian Yu ang babaeng ito, pero ang kinalabasan ay ang totoong girlfriend ng lalaking ito at kaibigan ni Han Xian Yu.

Pinagtatanggol ni Xian Yu ang totoong girlfriend laban sa kasalanang ito...

Talagang napakakumplikado!

Pinaka gusto ng mga paparazzi ang uri ng mga bagay na ito. Hindi mahalaga kung ang totoong girlfriend ay mababaw na kaibigan ni Han Xian Yu. Matapos bigyan ng laman ng mga media ang mga bagay-bagay, siguradong gagawin ni itong love triangle o anu man!

Sa katotohanan, kahit na siya ay pinaghihinalaan ni Han Xian Yu...

Laging disiplinado si Han Xian Yu sa kanyang mga kilos, kaya ito ay hindi karaniwan para sa kanya na umasta ng basta-basta para sa isang regular na kaibigang babae...

"Tumabi ka, Brother Yang!"

Talagang galit na galit si Han Xian Yu sa mga oras na ito. Sadya siyang nakatitig kay Si Ye Han habang galit na sumigaw, "ikaw na manloloko sa kanyang nararamdaman! Hindi ba tinanong mo kung anong karapatan ko kanina?! Sige, para sabihin ko sayo! Siya ay aking best friend at ang pinaka importanteng tao sa aking buhay! Problema niya problema ko din! Ngayong nalaman ko ang tungkol dito, siguradong hindi lang ako tatayo at walang gagawin!"

Maingat pa din si Han Xian Yu tungkol sa pribadong bagay ni Ye Bai, kaya hindi na niya binanggit ang pangalan niya.

Nang matapos magsalita ni Han Xian Yu, nagulat si Fei Yang.

S*t! Pinaka-inportanteng tao? Talagang walang magagawa si Han Xian Yu sa totoong girlfriend, diba...

Pinatigil na ni Ye Wan Wan si Han Xian Yu at kumalma ng marinig ang mga salita ni Han Xian Yu. nadala siya sa una niyang reaksyon.

Talagang tinatrato siya ni Han Xian Yu bilang kanyang kapatid at kaibigan, Ngunit tinatago parin ang kanyang kilanlan mula sa kanya...

Yari na… ang sumunod na reaction ni Ye Wan Wan.

Tulad ng inaasahan, matapos marinig ang mga sinabi ni Han Xian Yu, ang kalmadong reaksyon ni Si Ye Han ay naging malamig ulit, at ang paos niyang boses at mapanganib habang sinasabi, "Heh, iyon na 'yun ? pinaka mapanganib na tao.. Kelan pa naging importante sayo ang akin?" 

Nang marinig yun, Mas lalong nagalit si Han Xian Yu. " Sayo?" Paano ka nakakuha ng lakas loob na sabihin iyon matapos mo ito gawin sa kanya?!"

Mukhang disente ang taong ito, ngunit ang kanyang ugali ay kasuklam-suklam

Halos magalit si Ye Wan Wan nang siya ay tumayo sa gilid. Ah, Kakaiba ang dalawang taong ito at magkaiba ang kanilang pinag sasabi, pero kaya parin nilang siraan ang isa't isa?!

Totoo ba ?!

"T*ngina, wag mo sabihan gusto mo magloko!" Hinamon ni Xian Yu ng Direkta si Si Ye Han dala ng kanyang galit.

Walang gana tumingin si Si Ye Han sa kanya. "Ano naman kung gagawin ko?"

"Ikaw!!!" talagang na sumiklab sa galit si Han Xian Yu at nagpalipad ng isa pang suntok sa kanya, sumabog ulit ang kaguluhan kahit saan. 

"P*ta! Kayong dalawa! Tama na!!!" Iyon na ang huling straw para kay Ye Wan Wan. Hinarangan niya muli ang atake ni Han Xian Yu bago tumitig kay Han Xian Yu. "Freaking Han Xian Yu, tumigil kana! Ako ito!!!"

avataravatar
Next chapter