860 Pinaka-gwapong tao!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumilip si Gong Xu at nakita ni Han Xian Yu ang pangyayari sa pagitan ng kanyabg mga daliri at kanyang sinabi, "Sa tingin mo ba na dahil sinabi mo yan, sasang-ayon ako na sasama ka sa amin…"

Naunang maka-trabaho ni Ye Wan Wan si Luo Chen at kahit sino pa ang pinapaboran niya, hindi dapat espesyal ang trato ng lalaking ito na ngayon lang sumama sa kumpanya nila!

Halos lumabas ang mga ugat sa noo ni Ye Wan Wan. Kailangan munang upakan ang mokong na ito para bumait, huh!

Ni-rolyo pataas ni Ye Wan Wan ang kanyang manggas at uupakan na sana niya si Gong Xu, ngunit pinigilan siya ni Han Xian Yu. Bigla siyang humarap kay Gong Xu, "Wala ka kailangang alalahanin pa, Gong Xu. Ang ugali mo ang mas prominente sa lahat ng nandito at walang tao ang kayang hindi pansinin ang presensya mo. At tsaka, kung paguusapan lang natin ang itsura, sayo ang pinaka-magandang mukha sa grupong ito kaya ligtas ka. Walang sino man ang papalit sayo."

Pinaka-magandang mukha sa buong grupo!!!

Umupo ng maayos si Gong Xu at hinablot niya ang kamay ni Han Xian Yu. "Welcome sa team, Xian Yu-ge! Isang karangalan na makatrabaho ka na magaling ang taste at pananaw."

Han Xianyu: *Cough cough…"

Ye Wanwan: "…"

Luo Chen: "…"

Ye Mu Fan: "..." Mokong na ito...

Dahil walang tumutol sa kanilang apat, naging parte na ng team nila sila Han Xian Yu at Fei Yang. Nakapag desisyon si Han Xian Yu na mag-invest sa pagiging partner ng kumpanya nila.

Noong gabing iyon, nag-book ng private dining room si Ye Wan Wan upang i-welcome sa kumpanya nila sila Han Xian Yu at Fei Yang.

Tumayo si Ye Wan Wan at inangat niya ang kanyang glass. "I-welcome natin silang dalawa sa team! Cheers!"

Dali-daling pinigilan ni Han Xian Yu si Ye Wan Wan nang makita niya ito at tinanong niya ito, "Bawal kang uminom 'di ba?"

Ye Wan Wan: "Pwede naman, basta't kaunti lang."

Alam niyang mahalaga siya kay Han Xian Yu nang bigla niyang matandaan ang isang bagay at sinabi niya ito habang tunatawa. "Huwag na, uminom ka na lang ng juice. Hindi natin kailangang gawin ito…"

Ang pagkakasabi ni Han Xian Yu ay parang natatakot siya at hindi siya nag-aalala...

Bumulong si Ye Wan Wan, "Masahol ba talaga ako kapag nalalasing?"

Kinamot ni Han Xian Yu ang ilong niya. "Sakto lang naman…"

Paulit-ulit niyang naisip ang nangyari noong nalasing si Ye Wan Wan...

Nakaupo siya sa passenger seat. Nakatitig ang maluha-luha niyang mga mata kay Han Xian Yu at bigla siyang napangiti; nawala ang liwanag sa kanyang mga mata at parang namumukadkad ang libo-libong puting bulaklak. "Bakit naman ako masusuka kung ang tinititigan ko ay isang napaka gandang mukha?"...

Sa malamang, ayaw pa-inumin ni Ye Mu Fan ang kapatid niyang babae kaya agad niyang sinabi, "Anong inuman? Fruit juice lang ang iinumin mo!"

Bumalik sa katinuan ang isip ni Han Xian Yu at mabilis niyang pinalitan ng fruit juice ang inumin ni Ye Wan Wan at sinabi, "Cheers!"

"Cheers! I-welcome natin si senior Xian Yu sa ating team!"

"Welcome sa team, Xian Yu-ge!"

Mataas na mataas ang EQ ni Han Xian Yu. May pakialam siya sa pakiramdam ng mga tao kaya hindi nagtagal at naging kaibigan na rin niya sila Gong Xu at Luo Chen.

Pagkatapos ng pagtitipon nila, nagkahiwa-hiwalay na sila habang sabay na naglakad si Ye Wan Wan at Ye Mu Fan.

Nagsalita si Ye Wan Wan habang nasa kotse sila, "Sa nakuha nating injection funds kay Han Xian Yu at sa natanggap nating mga endorsements sa ngayon, sapat na ito upang makagawa tayo ng sarili nating movie!"

Tumango si Ye Mu Fan. "Sana maging maayos ang lahat…"

Biglang nag-aalala niyang tiningnan si Ye Wan Wan, "Alam mo na ba ang nangyari sa Ye family?"

Ye Wan Wan: "Anong nangyari?"

Naging abala siya sa kanyang trabaho kaya hindi niya na masyadong napansin ang nangyari doon.

Nagdalawang isip muna si Ye Mu Fan bago niya sabihin, "Si Ye Yiyi at Gu Yue Ze ay… magiging engaged na… sinabi sa akin ni lola noong nakaraang mga araw…"

Inobserbahan ni Ye Mu Fan ang reaksyon ni Ye Wan Wan dahil natatakot siyang maapektuhan ito sa balitang sinabi niya.

Walang pakialam ang itsura ni Ye Wan Wan at hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. "Ganoon ba?"

avataravatar
Next chapter