788 Pinagtaksilan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pinahirapan ni Xu Yi ang kanya utank para sa isang pagdadahilan. "Uh… dahil… dahil ang sunflower sa garden ay tumutubo ng maayos. Nagsimula na silang maglabas ng buto! Maari kang humigop ng tsaa habang pinag-mamasdan ang pamumulaklak!"

"Uh, pero miss ko ang iyong master. Maghihintay nalang ako dito. Gaano ba siya katagal?" tanong ni Ye Wan Wan.

Halos mangiyak-ngiyak na si Xu Yi. "Hindi ako sigurado. Baka matagalan siya, kaya Miss Wan Wan, maupo ka muna at magpahinga!"

Sa una, hindi kahinahinala ang mga sinasabi ni Xu Yi, pero bilang naalala ni Ye Wan Wan ang text message mula kay Si Xia.

"Xu Yi, may tinatago ka ba sa akino?" tanong ni Ye Wan Wan.

Xu Yi: "Wala!"

Nang makita kong gaano kabilis itanggi ito ni Xu Yi, nanliit ang mata ni Ye Wan Wan. "Ano ang nasa loob?"

Ang tingin ni Ye Wan Wan ay matindi; Pakiramdam ni Xu Yi na hindi na niya ito kaya pa. "Wala iyon. Wala talaga!"

Tumawa si Ye Wan Wan. "Tsk, wag mong sabihin na may babae sa loob, eh?"

Bumilis ang tibok ng puso ni Xu Yi at agad niya itong sinabi, "Paano magkakaroon ng babae?! Hindi… ang ibig kong sabihin ay taong nagrereport ng proposal sa loob, ay sa totoo lang, pero hindi ito tulad ng iniisip mo!"

Ye Wan Wan: "Oh? Bakit hindi mo sabihin sa akin kong ang naiisip ko?"

Xu Yi: "…"

Patay ako. Bakit lalong hindi ko kayang panghawakan ang ito…

Kaya ba, sinabi ni Si Xia na berde ako - ibig sabihin ba nito ay pinagtataksilan ako?

Inalis ni Ye Wan Wan ang kayang tingin kay Xu Yi. "Tabi."

Dali-daling nagpaliwanag si Xu Yi, "Miss Wan Wan, pakiusap wag mong masamain. Ang babaeng na sa loob ay may problema, ngunit natatakotako na hindi mo maiintindihan pag nakita mo siya, kaya sinubukan kitang pigilan. Ngunit kailangan mong pagkatiwalaan na hindi gagawa ng ganong bagay…"

Kaswal na sinabi ni Ye Wan Wan, "hindi ko mamasamain ang kahit na ano gusto ko lang na tumabi ka - bakit kabadong-kabado ka?"

Talaga?

Nang makita na hindi galit si Ye Wan Wan, walang pagaalinlangang tumabi si Xu Yi.

Sa sumunod na sandali.

"BANG—"

Ang pintuan ng opisina ay pasipang binuksan Ye Wan Wan…

Xu Yi: "…!!!"

Hindi ba't sinabi niya na hindi niya mamasamain?!

Nagulat si Xu Yi habang pinapanood niya si Ye Wan Wan na pasipang binuksan ang pintuan sa bulaklakin niyang damit at takong. Bumagsak ang pintuan na may malakas na tunog saka siya naglakad sa may ibabaw ng pintuan at dahan-dahang punasok.

Matapos bumagsak ang pintuan, kaagad na nakita ni Ye Wan Wan ang nangyayari sa loob ng opisina.

Nasa likod ng lamesa si Si Ye Han nakatingin sa makapal na nakasalansang mga dokumento. Kung titignan mo ng malapitan, tila sila'y makikitang gulong-gulo at oras oras na tumitingin sa pader.

Ang malambing at kabighabighaning babae na nakatayo malapit sa harapan ng lamesa at nagrereport kay Si Ye Han sa isang mahinang boses...

Ang istilo ng damit at makeup napakapareho sa kanya; ang kanyang tankad at pag uugali ay halos parehas sa kanya.

Nag iba ang itsura na Ye Wan Wan ng makita niya ang babae.

Matapos marinig ang malakas na pagbagsak, napasigaw sa takot. "Ah--"

"Labas." Hindi na tumingin si Ye Wan Wan sa babae. Matapos niyang ibato ang dalawang salitang iyon, direktang tumingin ang mata niya kay Si Ye Han.

"Chairman Si… ito…" Tumingin ang takot na babae kay Si Ye Han, galit.

Mula sa pintuan, kaagad na nagpahiwatig si Xu Yi. "Secretary Lin, bakit nakatayo kapa diyan? Dalian mo at lumabas kana! May kailangan sabihin si assistant Ye kay 9th master!"

Walang pag pipilian ang babae at nag atubiling umalis.

Sa sandaling makita ni Si Ye Han si Ye Wan Wan, ang kanyang nanlalamig na mata ay mabilis na nagliwanag na parang isang bituin na nahulog mula sa kalawakan at siya ay natulala kay Ye Wan Wan. "Nakabalik kana."

Ye Wanwan: "…"

May mali sa reaksyon ng lalaking ito, diba?

avataravatar
Next chapter