163 Pinagmukha kitang t*nga

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkaharap sa kanya ng katotohanan, naramdaman ni Mrs Song na parang bumagsak ang langit at lupa. Habang iniisip niya ang pagsampal niya kay Jiang Yan Ran at alam niyang hindi niya ito maibabalik, halos sumakit ang kanyang kalamnan sa sobra niyang pagsisisi sa kanyang ginawa.

Kumukulo sa sobrang galit at kahihiyan si Mrs Song kaya naibaling niya ang kanyang emosyon sa babaeng iyon. Sinugod niya si Shen Meng Qi at hinablot ang kanyang buhok sa sobrang galit, "Walang hiyang pokpok ka! Ikaw ang naglandi sa anak ko 'di ba?! Bubugbugin kita hanggang sa mamatay kang g*go ka! Nanlalandi ka nang bata ka ng may fiancé! Paano ka pinalaki ng mga magulang mo?"

Hindi inaasahan ni Shen Meng Qi na ang simpleng komento ni Ye Wan Wan ay magiging malaki ang epekto. Kaunti na lang at mapupunit na ang kanyang anit habang siya ay kaawa-awang nagsisisigaw sa sobrang sakit, "Ah---- hindi ako… hindi ko… hindi ko alam… wala akong alam diyan…"

"Hindi mo alam?! Nagkukunwari ka pa rin hanggang ngayon?! Nakita mo na magagamit mo si Zi Hang para sa kinabukasan mo; alam ko na ang mga tipong tao na tulad mo!"

Hindi alam ni Song Zi Hang ang kanyang gagawin ng makitang pinapagalitan at binubugbog ng kanyang nanay ang kanyabg sweetheart, "Mom! Anong ginagawa mo?! Pakawalan mo si Meng Qi! Sabi ko naman sa iyo walang kinalaman si Meng Qi dito-- kasalanan ko ang lahat ng ito! Anong mali kung gusto ko si Meng Qi? Simple siya at mas mabait, isang libong beses na mas maayos kesa kay Jiang Yan Ran!"

"Manahimik ka! Lumapit ka dito at manghingi ka ng tawad kay Yan Ran! Puno ng kababoyan ang puso mo! Anong pinakain mo sa anak ko g*ga ka! Dalhin mo ang mga magulang mo! Gusto kong makita ang pamilyang nagpalaki sa walang kwentang anak nila!"

Nasira ang puso ni Song Zi Hang habang tinitingnan niya ang umiiyak na si Shen Meng Qi, "Hindi ako manghihingi ng tawad; bakit ko gagawin iyon?! Kung hindi ko man ginawa ang mga bagay na iyon, intensyon na talagang tanggalin sa atin ang lahat ng Jiang family. Sa tingin mo maa matapat si Jiang Yan Ran? Dumeretso siya sa gigolo na si Chu Feng pagkatapos naming mag-away!"

Naghihinagpis sa kakaiyak si Shen Meng Qi, "Tita, sorry po, patawarin ninyo ako. Hindi ko alam na engaged na si Zi Hang pero mahal na mahal ko po siya. Napakagaling na lalaki ni Zi Hang kaya naman maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Noong una, tinago ko pa ang nararamdaman ko kay Zi Hang dahil kay Yan Ran. Pero si Zi Hang ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob… kung alam ko lang noon pa na engaged na sila ni Yan Ran, hindi ako mamamagitan sa kanila…"

Parang ambon sa namumukadkad na bulaklak ang iyak ni Shen Meng Qi, nailihis niya ang lahat ng pagsisisi sa kanya sa kakaunting mga salita. Pinakita niya pa na siya ang biktima sa eksenang ito.

Ang kaawa-awa at nakakaiyak na itsura niya ang nagbasag sa puso ni Song Zi Hang, natunaw din ang puso ni Mrs Song nang marinig ang pagpupuri na sinabi ni Shen Meng Qi. Nanlambot ang kanyang puso at ang lahat ng nakikinig kay Shen Meng Qi.

"Kung huhusgahan natin ang itsura ni Shen Meng Qi, imposibleng malalaman niya ang tungkol dun, 'di ba?"

"Nagsinungaling siguro sa kanya ang mokong na Song Zi Hang!"

"Ay, napaka-inosente ni Shen Meng Qi; yari ka ngayon mokong ka!"

Nagtago si Ye Wan Wan sa maraming tao at unti-unti siyang napangiti.

Kahit ngayon, sinusubukan niya pa ring kaawaan siya para makawala sa mahirap na sitwasyon...

Hinihintay ko ang pagkakataon na malaman ni Song Zi Hang na niloko lang siya at tinrato na parang ekstrang gulong na nagpapakabobo noong una palang.

Tahimik na naglakad si Ye Wan Wan sa wala masyadong tao na gilid ng hall para may tawagan.

"Hello, Zheng Bin, kaibigan ako ni Meng Qi. May kaguluhang nagaganap kay Shen Meng Qi at kinakaya-kaya siya ni Song Zi Hang; dalian mo at tulungan mo siya! Nasa school hall kami, oo. Urgent ito at alam kong ikaw lang ang makakatulong na makawala si Shen Meng Qi sa gulo na ito…"

avataravatar
Next chapter