818 Pilitin ako na makipagtalik sa kanya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Natapos ng walang abala ng shooting dahil nakipag tulungan sa kanila si Gong Xu.

Habang nag-shooting, nag-suggest ng mga maselan na poses si Cau Yong Sheng. Mabuti na lang at nanonood si Ye Wan Wan at maalalahanin si Liang Chong, kaya hindi over the top ang mga litrato at maayos na natapos ang shooting.

Agad na sumugod si Gong Xu sa nanny van nang matapos na ang shooting.

"Nasaan ang candied plums ko?!" Sumugod na parang gutom na lobo si Gong Xu kay Dong Zai nang pagkasakay niya.

Pinunasan ni Dong Zai ang pawis niya at mabilis nitong nilabas ang mga candied plums. "Xu-ge, nabili ko na ang mga ito - nanggaling sila sa tindahan na pinagbibilhan mo."

Nainis si Gong Xu nang makita niya ang laman ng bag na kinuha niya. "Hindi ka na bumili ng iba? Sinabihan ka niya na bumili ka ng dalawang box ng candied plums at ito lang talaga ang mga binili mo! Hindi ka man lang dumagdag ng cake para sa akin!"

Kumakain nang patago si Gong Xu, kaya lalo siyang tumataba, sinabihan siya ni Ye Wan Wan na magpapayat at bawal na rin siyang kumajn ng snacks. Para ito sa mga matatamis na pagkain, kaya kakaiba talaga na pinayagan siya ng isang beses ni Ye Wan Wan na kumain ng mga matatamis.

Maliliit ang mga kagat ni Gong Xu sa mga candied plums, natatakot siya na baka wala nang matira. Halos mangiyak siya nang lumapit siya ng sobra kay Ye Wan Wan na nakaupo sa tabi niya. "Ye-ge, Ye-ge, may sasabihin ako sayo~"

Kumibo ang labi ni Ye Wan Wan. "Magsalita ka ng maayos."

Gong Xu: "Ye-ge, may kailangan tayong pag-usapan!"

Ye Wan Wan: "Sabihin mo na."

Kuminang ang mga mata ni Gong Xu, "Uh, ito kasi iyon - kailan mo ako papayagan na… makita ang tunay na Little Candied Plum?"

Sinunod niya lamang noong una si Ye Bai upang makilala at makita si Little Candied Plum, ngunit nang makilala niya ito ng ilang panahon, napagtanto niya na naging sentro ng atensyon niya si Ye Bai kaya muntikan na niya makalimutan ang pinaka-goal niya.

Natandaan niya ang kanyang main goal dahil napansin niya na magkahawig si Ye Bai at Little Candied Plum.

Tiningnan siya ng patagilid ni Ye Wan Wan. "Hindi ka pa rin sumusuko?"

Seryosong sumagot si Gong Xu, "Anong sinasabi mo, Ye-ge? Oo, Madalas akong playboy, pero iba pa rin ang nararamdaman ko kay Little Candied Plum, okay?"

Ye Wan Wan: "Paano ito naging kakaiba? Eh, isang beses mo pa lang naman siyang nakikita."

Binalot ng peach blossoms ang mukha ni Gong Xu. Namula ang kanyang mga pisngi nang sinabi niya, "Ye-ge, narinig mo na ba ang phrase na laging sinasabi nv mga babae na 'Hindi komplikado ang pag-ibig; malay mo na ang lalaking makakasama ko ay nakasuot lamang ng puting t-shirt na gusto ko, sa ordinaryong ordinaryong araw.' Para sa akin, ang pag-ibig ay binibigyan ako ni Little Candied Plum ng isang box ng candied plum, sa oras na ito…"

Nabigla si Ye Wan Wan at bigla niyang tiningnan si Gong Xu na biglang sinakop ng puso ng isang dalaga...

Malinaw sa lahat na isa siyang playboy, ngunit umaarte siya na parang isang binata na umibig sa unang pagkakataon.

Sinabi ni Ye Wan Wan, "Hindi pwede si Little Candied Plum, papayagan na lang kita na kumain ng isang tsokolate kada-araw."

Kahit paano ay kailangan kong paamuhin ang lalaking ito. Gayunpaman, kinatatakot ko na baka maghirap si Gong Xu sa panahon na ito.

Nagalak si Gong Xu nang marinig niya iyon. Tinitigan niyang maigi si Ye Wan Wan habang nakadepensa siya sa kanyang sarili. "Ye-ge, bakit bigla ka na lang bumait sa akin? Natatakot ako na baka… baka… ibebenta mo ako sa isang mayaman na babaeng boss at pipilitin mo akong makipagtalik sa kanya, tama ba?!"

Ye Wanwan: "…"

Ipagpatuloy mo lang ang pag jo-jowa mo ng mga mas nakababatang babae...

Pagkatapos ng trabaho ni Ye Wan Wan, bumalik na siya ng Jin garden at naghapunan sila ni Si Ye Han.

Ilang araw na siyang nakabalik sa kanyang tahanan, ngunit wala pa rin si Nameless Nie. Hindi niya ito kinontak kaya hindi siya sigurado kung kailangan nito ng tulong o hindi, kaya hindi niya ito binanggit kay Si Ye Han.

Hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking ito kaya kailangan niya munang hintayin ang kompirmasyon ni Nameless Nie, bago niya pa ito sabihin kay Si Ye Han. Gayunpaman, napakabaliw naman kung sasabihan niya si Si Ye Han na maging isang ama na lamang bigla...

avataravatar
Next chapter