326 Perpektong mag kasintahan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kadarating lang ng babaeng iyon, pero bilang nabighani ang mga reporters sa kanya at maraming ring nagulat dahil sa biglang pagdating niya.

"Sinong artista iyon? Parang nakita ko na siya noon?"

"Siya si Ye Yiyi, ang minamahal na apo ng dalawang nakakatanda sa Ye family--ang kaisa-isang anak ni Ye Shao An!" sumagot ang nakakaalam na reporter.

Dahil sa sinabing iyon, maraming reporters ang na-udyok na magkomento tungkol kay Ye Yiyi.

"Ang ganda ni Ye Yiyi noh? Sa itsura niyang yan, pwede siyang makipag kompitensya sa mga kaakit-akit na artista sa entertainment industry at sa ugali niyang iyan--malamang walang laban ang mga artista sa kanya."

Hindi gaanong nagpapakita s publiko si Ye Yiyi kaya sa bawat oras na makita siya ng mga reporters, tila namamangha sila sa taglay niyang kagandahan.

"Likas sa kanya ang magandang pag-aasal…"

"Kung nagkaroon ng debut sa isang palabas si Ye Yiyi, ang mukha niya at magandang ugali ay sapat para sumabog siya sa sobrang sikat."

"Sa kalagayan ni Ye Yiyi, bakit kailangan niya pang pumasok sa showbiz? Hindi siya hamak na flower vase na titingnan lang mga tao dahil maganda siya-- magaling siya at matalino pa! Mapapa-sakanya ang buong Ye Group sa hinaharap…"

Habang may sariling diskusyon sa pagitan ng mga reporters, biglang may lalaki na naglakad palabas ng kotse pagkalabas ni Ye Yiyi.

Matangkad ang lalaki at hindi maikukumpara ang kagwapuhan niya. Suot niya ay isang custom-made Brioni suit--ang bawat detalye ay halos walang bahid ng kamalian. Naglakad siya papunta sa tabi ni Ye Yiyi habang tamad na nakangiti.

"Sh*t, sino yung lalaking iyon? Siya ba ang… tigapamana ng Imperial City Gu Group na si, Gu Yue Ze?!"

"Ahhhhh! Napaka-gwapo niya!"

Biglang naghiyawan ang ilan sa mga babaeng reporters nang makita nila si Gu Yue Ze. Mas hinihintay pa nila ang pagdating niya kesa sa mga bago at sikat na artista.

Hindi hihigit ang itsura ng mga bagong artista ng showbiz kung ikukumpara sila sa lalaking ito, hindi rin nila kapantay sa kagwapuhan si Gu Yue Ze-- para bang nasa magkaka-iba-ibang dimensyon sila kapag sila'y nagsama-sama.

Limitado ang kagwapuhan ng mga bagong artista sa showbiz dahil pumasok sila noon sa pagsasanay para madala nila ang kanilang sarili--hindi natural ang kanilang kagwapuhang pinapakita. Gayunpaman, kaparehas ni Gu Yue Ze si Ye Yiyi. Ang disposisyon at vibe niya ay bagay sa kanya--ang kanyang persona ay taglay na sa kanyang katauhan at hindi ito maikukumpara sa mga idolo na sumailalim sa pagsasanay.

Sa mga oras na iyon, mabilis na nawala ang nakaka-akit na itsura ng ibang mga batang artista ng Emperor Sky nang tumayo sila sa tabi ni Gu Yue Ze at Ye Yiyi. Hindi sila maihahambing kay Gu Yue Ze at Ye Yiyi kahit tumabi pa sila sa kanila.

Habang gulat na nakatitig ang mga tao sa kanila, malumanay na ipinilantik ni Ye Yiyi ang kanyang buhok papunta sa balikat niya. Nakakapit ang manipis niyang braso sa braso ni Gu Yue Ze at biglang bumaba ang tingin ni Gu Yue Ze papunta sa mga mata ni Ye Yiyi, makikita ang napakagandang malambot na ngiti ni Ye Yiyi. Dahan-dahan na nilagay ni Gu Yue Ze ang kamay niya sa maliit na kamay sa nasa braso niya. Mabagal na naglakad ang pares patungo sa makalumang tirahan ng Ye family.

"Eh…" biglang bumulong ang isang nagtatakang reporter nang makita niyang masyadong malapit si Ye Yiyi at Gu Yue Ze sa isa't-isa, "Masyadong malapit si Gu Yue Ze at Yi Yiyi, bakit kaya…?"

"Hindi mo ba alam?" sabi ng isang senior na reporter, "Nag-de-date si Gu Yue Ze at Ye Yiyi. Hindi lang tigapamana ng Gu Group si Gu Yue Ze pero bilang manugang na lalaki, siya ang inaasahan na maging CEO ng Emperor Sky Entertainment dahil isa ito sa mga kumpanya sa ilalim ng Ye Group."

"Ha? Mag-jowa si Gu Yue Ze at Ye Yiyi? Pero sabi nila na may fiancee daw si Gu Yue Ze?"

"Fiancee? Uh… oo meron. Apo rin ni Old Ye ang fiancee ni Gu Yue Ze. Ang pangalan niya ay Ye Wan Wan, anak na babae ni Ye Shao Ting."

Naging makabuluhan ang reaksyon ng mga reporter nang marinig nila ang pangalan ni Ye Wan Wan.

"Anak na babae ni Ye Shao Ting…"

avataravatar
Next chapter