232 Pera, para pagyamanin ang buong bansa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumimangot si Liang Jia Hao, "Bakit napaka bastos mong sumagot sa tita mo Han Han? At 'wag kang magbunganga ng walang kwenta Xiu Min!"

"Totoo ang sinasabi ko! Pinagagalitan ako ni daddy kahit na wala akong sinabing mali…" hindi makapaniwala si Liang Shi Han na pinagsabihan siya ng masasakit na salita kaya umiiyak siyang tumakbo papalayo.

Nagsisi si Liang Jia Hao na pinagalitan niya ang kanyang minamahal na anak, pero napalingon siya sa nakakaawa niyang kapatid, "Jie, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Nabibigatan ako sa responsibilidad na inaasa sa akin ng pamilya ko kaya ito lang ang magagawa ko…"

Mabilis ang tibok sa puso ni Ye Wan Wan ang galit habang sila ay pinapanood niya.

Napakagaling mo Liang Jia Hao! Ikaw rin Fang Xiu Min, napakahusay!

Malaki ang naitulong ng magulang ni Liang Jia Hao sa kanilamg yaman. Mahal nng magulang niya na parang anak si Liang Shi Han at kanyang tatay ang nagbigay ng funds at nag-ayos ng koneksyon para sa kanyang munting kumpanya. Kahit ang bahay na tinitirhan nila ngayon ay pagmamay ari ng kanyang tatay, kaya lahat ng meron ang Liang family ay galing sa kaniyang mga magulang.

Binabastos na siya ng pamilya niya dahil wala na ang yaman ni papa.

Pinanood lang ni Liang Jia Hao na pahiyain ng kanyang asawa't anak ang aking nanay, hindi man lang siya dumepensa.

Pumasok na sa loob ng bahay si Liang Jia Hao at mag-isang nakatayo ang kanyang nanay sa bakuran.

Sa pagka-kakilala ni Ye Wan Wan sa kanyang nanay; hindi manlalaban at hindi ito magsusumbong kahit pa paulit-ulit siyang sinasaktan siya ng Ye family.

Masyadong magastos kapag titira ang kanyang nanay sa ibang bahay kaya patuloy na lang niyang ang pangaabuso sa kanya.

Humigpit ang kamao ni Ye Wan Wan dahil sa kanyang nakita, habang nasa likod siya ng puno. Lumipas ang matagal na oras, yumuko ang kanyang nanay para kunin ang damit at magpatuloy sa pananampay, isa-isang niyang sinasampay ang mga ito...

Gustong tumakbo ni Ye Wan Wan sa kanyang ina na ubod ng payat at mapipinta ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

Ngunit, anong magagawa ko kung tatakbo ako sa tabi niya?

Kaysa umiyak ako at manghingi ng tawad sa kanya, kaysa ipaalam ko sa kanya na nahihirapan na ko sa aking buhay, alam kong mag-aalala siya. Kaya wala akong maitutulong sa kanya!

Kailangan ko nang tanggalin si mama at papa sa lugar na ito! Ihihinto ko ang paghihirap nila!

Noon, inalipusta niya sa maganda pero walang kwentang mga bagay ang pera na binigay ng tatay niya at pinatuloy niya ang ganoong imahe sa harap ni Gu Yue Ze.

Pero ngayon, kailangan ko ng pera--maraming-maraming pera!

Hindi lang pera pambili ng bahay para kay mama at papa o pera para mabigyan ko sila ng magandang buhay. Ang kailangan kong pera ay ang magpapayaman sa buong nasyon!

Ang yaman na magpapakawala sa akin sa kamay ni Si Ye Han...

Kapag dumami na ang yaman na makukuha ko, ako na ang pinaka makapangyarihan at dadami na ang mga koneksyon ko...makukuha ko ang lahat...

Kasing hirap ng paghawak sa langit ang pagbalik niya sa kanyang pamilya, lalo na sa sitwasyon niya ngayon; gagawin ng lahat ni Ye Yiyi ang lahat para pigilan rin siya.

Kailangan ko ng partner na sasama sa akin makipaglaban sa Emperor Sky.

Ayon nga sa kasabihan, kaibigan mo ang kaaway ng iyong kaaway. Sa ngayon ang pinakamagandang choice maging kalaban ng Emperor Sky, Worldwide Entertainment.

Pero, bakit makikipag trabaho sa tulad kong walang kwenta ang malaking kumpanya na tulad ng Worldwide…?

Wala akong pera para piliin ako ng Worldwide bilang trabahador nila.

Buti na lang alam kong malapit nang dumating ang chance ko...

Tinago ni Ye Wan Wan ang kanyang nararamdaman at nilabas na lamang siya ang kanyang phone para basahin sa kanyang radar ang latest news ng sikat na mga artista ng Worldwide.

avataravatar
Next chapter