1128 Pekeng alak ba ang na-inom niya?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sila?

Silang lahat?

Ang dami naman nila?

Pinalibutan ng nakamamatay na awra ang mukha ni Ye Wan Wan nang marinig niya ang sinabi ni Eleven...

Isa sa mga team leaders ang nagulat sa sobrang takot kaya napasigaw siya, "P*ta! Eleven! Ang sama mo naman?!"

Nakita ni Eleven na tumigil na sa pag-atake si Ye Wan Wan kaya lumuhod siya, hinahabol niya ang kanyang hininga habang nakaluhod siya. Wala siyang pakialam sa pag-akusa niya sa kanyang teammates kaya patuloy siyang sumigaw, "Talaga, sila nga iyon! Hindi ako nagsisinungaling sayo!"Magkasamang maghihirap ang magkakapatid, okay?! Bakit ako lang ang nabubugbog?

"Sige."

Pahihirapan ko kayong lahat.

Ang boses ni Ye Wan Wan ay parang nanggaling sa impyerno.

Sa isang saglit, sumugod si Ye Wan Wan patungo kay Feng Xuan Yi at sa lahat ng nakatagong guwardiya. Ang bawat isa sa kanila ay nagsi-takbuhan sa iba't ibang direksyon.

Ang kanilang boss na si Si Ye Han… katulad ng hula ni Feng Xuan Yi ang inakto niya… wala siyang pakialam habang pinapanood niyang mabugbog sarado ang mga guwardiya niya...

Ang isang bagay na nakasulat lamang sa mukha ni Ye Wan Wan ay "Patayin ang isa kung may isang nakita, patayin ang dalawa kung may dalawa pang nakita." Nakakatakot ang pagiging possessive niya.

At tsaka… imahinasyon lamang ba nila ito?

Bakit parang mas lalong lumakas ang nakakamatay na kapangyarihan ni Miss Wan Wan?

Hindi makapaniwala sila Gong Xu at ang grupo niya sa isang gilid.

Mas nakakatakot ang kalagayan nila ngayon kung ikukumpara sa kaninang suntok ni Ye Wan Wan sa kotse.

Tulala si Gong Xu habang bumubulong siya, "Uminom ba ng… pekeng alak si Brother Ye?"

Lalong naisip ni Ye Mu Fan na pekeng kapatid ang meron siya. Hindi niya inakala na nakakatakot kasi ang kapatid niya kahit na alam niyang talentado ito. Mag-isa siyang nakipaglaban sa napakaraming tao, ang mga ito ay mukhang mga malalakas at mahuhusay na mga bodyguards.

Maririnig ang "swish" sa paligid. Nag-round kick si Ye Wan Wan na kasing lakas ng isang libong toro na papunta sa mapayat na binatang bumili kanina ng sobering tea.

Nasulyapan ng mapayat na binata ang butas sa Land Rover at nangitim na parang putik ang kanyang mukha. Sasabog ang utak niya kung sinipa siya ng malakas ni Ye Wan Wan!

"Hindi! Hindi ako! Hindi ako iyon!!!" Mabilis na sumigaw ang mapayat na guwardiya. Bigla siyang dumuro sa ibang direksyon. "Siya iyon… siya…"

Sinundan ng nakakatakot na mga mata ni Ye Wan Wan ang direksyon kung saan nakaduro ang daliri ng mapayat na guwardiya.

Natameme si Gong Xu na dinuro ng guwardiya at naramdaman niya ang kilabot sa buong katawan niya.

"Sh*t!!!"

Kung alam lang ni Gong Xu na nakakatakot pala kapag nalasing si Brother Ye, hindi na sana niya ito niyayang uminom kahit ano pa ang mangyari!

Tiningnan muli ng masama ni Ye Wan Wan si Gong Xu.

Naramdaman ni Gong Xu na tumayo ang kanyang mga balahibo dahil sa nakakatakot na tingin ni Ye Wan Wan. Tatlong segundo siyang natameme bago niya niyakap ng mahigpit si Luo Chen. "Hindi! Hindi ako iyon! May asawa na ako! Siya ang asawa ko!"

Luo Chen: "…"

Naramdaman ni Luo Chen na nakakadiri ang yakap ni Gong Xu kaya gusto sana niya itong itaboy sa kanyang katawan.

Niyakap ni Gong Xu si Luo Chen na parang siya ay isang oasis sa gitna ng disyerto kaya ayaw niya itong pakawalan. "Sasabihin ko sa kanya na ikaw ang asawa kapag tinulak mo ako palayo!"

Hindi gumalaw si Luo Chen...

Sa pagkakataon na iyon, pilit na niligtas ni Gong Xu ang sarili niyang buhay.

Patuloy na inatake ni Ye Wan Wan ang mga nakatagong bodyguards habang pinapakita niya ang kanyang kapangyarihan. Wala siyang pakialam kung sila ba ang mga taong hinahanap niya. Mas gusto niyang patayin ang mga ito kaysa pakawalan sila.

"Hindi ako! Hindi ako iyon!"

"Tama! Hindi ako iyon!"

Ikaw iyon, okay?!

Nag-aaway kayong mag-jowa, kaya bakit mo kami dinadamay sa away niyo?!

Ito ang tunay na pagkabuhay ng kasabihan na "Ang mga isda sa sapa ang tunay na naghihirap kapag nasunog ang buong siyudad"...

avataravatar
Next chapter