278 Patibong ng mapanlinlang na matanda

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagbasa-basa sa internet si Ye Wan Wan ng lahat ng balita patungkol kay Han Xian Yu, bago matulog.

Nagsasaya at kinakalat ang magandang balita ng mga fans ni Han Xian Yu, habang ang mga netizens at media ay humihingi ng tawad kay Han Xian Yu at pinahayag ang maraming kabutihang ginawa ni Han Xian Yu noon.

Sa huli naging maayos ang lahat at sa tuktok ng lahat ng ito, mas lalong umangat ang kasikatan ni Han Xian Yu at pati na si Jiang Yan Ran, na nagsalita para kay Han Xian Yu bago tuligsain ng mga netizens, na naka kamit ng onting kasikatan at binigyan ng titulo bilang "The Most Beautiful Fan".

Ngayon, ang kailangan na lang gawin ay ang pagbisita kay Chairman Chu upang tuparin ang kanyang pangako.

Sumunod na araw sa Worldwide Entertainment.

Kumpara sa nakaraan nang siya ay halos kaladkarin palabas ng mga guwardiya, tinatrato na ngayon na VIP si Ye Wan Wan at hinatid pa ni Chu Hong Guang mismo sa opisina.

Nang makita niya si Ye Wan Wan, agad na tumayo at biglang napasigaw, halata ang pagkatuwa, "Nangunguna ang bagong henerasyon kumpara sa nakaraang! Brother Ye, napaka bata mo at mahusay! Hindi magtatagal malalampasan tayo agad ng mga kabatan! Hindi magtatagal malalampasan tayo agad ng kabataan

Magalang na sumagot si Ye Wan Wan, "Chairman Chu, binobola mo ako."

"Upo! Upo, upo!" inalok ni Chu Hong Guang ang teenager na umupo at inutusan ang kaniyang assistant na maghanda ng tsaa.

Sinindihan ni Chu Hong Guang ang tabako at maayos na nagsalita, "Brother Ye, naisakatuparan ng maayos ang PR ngayon! Sobrang husay! Hindi lang namin napanatili si Xian Yu, ang kaniyang kasikatan ay umangat din, nakikilala din ang pangalan ng Worldwide sa maraming lugar!

"Ang paraan mo kung paano panghawakan ang sitwasyon ay masyadong tuso at malupit kaysa sa mga matatandang iyon. Brother Ye, meron kang pambihirang kakayahan! Magaling, magaling…"

Tahimik na nakaupo si Ye Wan Wan, humihigop ng tsaa, pinipigil ang init ng ulo at nakikinig. Matapos mag hintay ng ilang oras pa at napansin na walang balak na pagusapan ni Chu Hong Guang ang tungkol sa pinagusapan, pinaglaruan niya ang dahon ng tsaa sa kaniyang tasa at ipinaalala sa kanya, "Nakagagalak na nasiyahan ka, Chairman Chu. Kung gayon, asan na ang dalawang bagay na ipinangako mo sa akin?

"Oh, ang aking memorya!" Umarte si Chu Hong Guang na parang naalala niya lang nang tapikin niya ang kaniyang tabako. Inilabas niya ang nakasalansan na dokumento at inabot papunta sa kanya, "Brother Ye, wag mong alalahanin iyon, na handa ko na ang lahat ng hinihiling mo."

Inangat ni Ye Wan Wan ang kaniyang tingin at tinignan ang ibabaw ng nakasalansan na mga dokumento at ito ang dokumento para sa paglipat ng ari-arian ng Golden Seas.

Nang makita ang tatlong pamilyar na salita, nagliwanag ang mga mata ni Ye Wan Wan ng abutin niya iyon ng kaniyang kamay...

Gayon pa man, nang sandaling dumampi ang mga daliri ni Ye Wan Wan sa dokumento, biglang nagsalita si Chu Hong Guang, "Brother Ye, para sabihin ko sayo ang totoo, ang ari-arian na ito ay may napaka espesyal na kahulugan sa akin. Sobrang gusto ko ito, ngunit simula ng humiling si brother Ye ng napaka laking pabor sa akin, kahit na sobrang mahirap para sa akin na hatiin ito, tutuparin ko pa din ang pangako ko…"

Sumandal si Chu Hong Guang sa kaniyang leather na upuan at dinagdag, "Brother Ye, alam mo na ang ari-arian na ito ay talagang hindi mabibili ng salapi. Gayon pa man, malapit ka ng maging isa sa amin. Tutal magiging pamilya na din tayo wag na tayong maging tuso. Hindi ko hahayaan na malugi ka, saka… hangga't bibigyan mo ako ng 70% ng halaga ng ari-arian, mapapasayo ang bahay!"

Nagsalita ng may pagkasabik si Chu Hong Guang.

Matapos marinig ang sinabi ni Chu Hong Guang, nag liyab ang mga mata ni Ye Wan Wan sa galit.

Sikat at mapanlinglang na matanda talaga si Chu Hong Guang.

Nong una, habang siya ay nakikipag negosasyon, ang kaniyang intensyon ay akinin ang ari-ariang ito ngunit ngayon, nag bago ang isip ni Chu Hong Guang at gusto na itong ibenta sa kanya.

Itong mapanlinglang na matanda na si Chu Hong Guang. Imposibleng hindi niya alam na ang 70% ng presyo ay hindi kayang abutin ng isang ordinaryong tao.

avataravatar
Next chapter