212 Pati ba ang boyfriend ko nanakawin mo?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Damn, ang galing talaga ng diyosa ko. Tita pala siya ni Si Xia! Napakataas niya pala! Ang galing!"

"Ngayon alam na natin kung bakit maaruga si Si Xia kay Ye Wan Wan!"

"Anong sinabi ni Shen Meng Qi? Sinabi niya na hindi maayos ang pagpapalaki kay Si Xia? Pfff! Tapos sinama niya pa yung uncle ni Si Xia sa usapan?"

At dahil doon, kakaiba na tingnan ng mga tao si Shen Meng Qi.

"Kalokohan talaga itong si Shen Meng Qi-- wala pang sinasabi yung boyfriend ni Ye Wan Wan pero bigla siyang umentra at nagpaliwanag sa kanya. Sa mata ng mga nakakaalam, matalik na magkaibigan si Ye Wan Wan at Shen Meng Qi kaya aakalain nila na nagaalala lang si Meng Qi sa kaibigan niya. Pero sa mga hindi nakakaalam, iniisip nila na sinisiraan ni Shen Meng Qi si Ye Wan Wan at sa harap pa ng boyfriend niya!"

"May isa pang ebidensyang makakahuli sa tunay na ugali ni Meng Qi! Mahilig sa gulo si Shen Meng Qi--- hindi ba ninakaw niya ang boyfriend ng isa sa mga best friend niya?"

"Ah, oo nga pala. Hindi niya pinakawalan si Song Zi Hang noon, paano pa kaya ang mataas na lalaking si Si Ye Han! Kaya siguro sinisiraan niya si Ye Wan Wan kay Si Ye Han para makuha niya rin ang lakaki!"

"Oh my god, ang dugyot talaga ni Shen Meng Qi! Pinagsasabi niya na pinilit at pinagbabantaan siya ni Song Zi Hang. Nagwala pa nga daw siya at sinabuyan siya ng maduming tubig… Muntikan ko na siyang paniwalaan at kaawaan! Pero sa huli, pinapahirapan niya lang pala si Jiang Yan Ran. Pagkatapos niyang pahirapan si Yan Ran, si Ye Wan Wan naman ngayon, tsk tsk tsk…"

"Nakakainis talaga siya! Tapos hanggang ngayon nakakapit pa din siya sa kuya ni Ye Wan Wan simula pa noon!"

...

Natanga si Shen Meng Qi nang marinig niyang 9th uncle ni Si Xia si Si Ye Han.

Habang siya'y nakikinig sa bawat panghuhusga sa kanya, unti-unting nawawalan ng kulay ang kanyang muka.

Ano… anong nangyayari...

Mag-tito pala si Si Xia at si Si Ye Han!

Hindi ako makapaniwala na sinabi ko sa harap ni Si Ye Han na pangit ang pagpapalaki kay Si Xia...

At saka, akala kaya ni Si Ye Han na sinisira ko ang relasyon nila ng kanyang pamangkin?

Narinig ko na malaking kasalanan kay Si Ye Han ang paninira sa kanyang pamilya!

Natawa si Cheng Xue nang matunghayan niya ang pangyayari, hindi na siya nagulat na ganito ang kahahantungan ng kapalaran ni Shen Meng Qi.

Buti na lang andiyan si Shen Meng Qi ngayon para guluhin si Si Ye Han. Kundi, si Cheng Xue ang mayayari sa 9th master.

Gayunpaman, kung isusumbong ako ni Ye Wan Wan kay Si Ye Han...

Sa kabila ng lahat, nababaliw na sa sobrang takot si Shen Meng Qi. Nabubulol siya nang umaharap siya kay Si Ye Han at sinusubukan niyang ipaliwanag ang ginawa niya, "Mr Si, Hin...Hindi ko alam… Hindi ko alam na pamangkin mo pala si Si Xia… patawarin mo ako… naguluhan ang isip ko… nag… nagaalala lang ako kay Ye Wan Wan kaya nasabi ko iyon…'wag mo na lang akong pansinin…"

Walang sinabi si Si Ye Han at hindi niya din tiningnan si Shen Meng Qi, pero ang mga mata niya ay nakatuon kay Ye Wan Wan lamang.

Parang malalaglag sa yela ang puso ni Shen Meng Qi dahil sa walang awang itsura ni Si Ye Han. Ang magagawa niya lamang ay magmakaawa kay Ye Wan Wan, "Wan Wan, hindi ko sinasadyang gawin iyon!"

Nakinig lamang si Ye Wan Wan habang sinusubukan ni Shen Meng Qi na kulamin siya sa kanyang pinagsasabi, lumamig ang tingin niya kay Meng Qi, "Talaga ba? Pero sabi nilang lahat sinisira mo kami ng boyfriend ko!"

"Ano ka ba, Wan Wan? Hindi ka na naniniwala sa akin ngayon?" hindi na mapakali si Shen Meng Qi.

Ang bobo talaga ni Ye Wan Wan; bakit mas pinapaniwalaan niya ang sinasabi ng iba?!

Si Xu Yi ay walang pakialam sa sinabi ni Shen Meng Qi at napatingin na lamang siya-- Bobong babae, siguro maniniwala na naman si Ye Wan Wan sa panloloko ni Meng Qi…

Nagdadalawang isip pa si Ye Wan Wan kung magsalita pa siya nang marinig niya ang nakakaawang eksplenasyon ni Shen Meng Qi, sumagot siya ng may pagpapatawad, "Sorry Meng Qi, dahil ninakaw mo ang boyfriend ni Yan Ran noon, mahirap nang magtiwala ulit ako sayo. Hindi na pwedeng mag-usap ulit tayo! Kasi, baka…. Baka nakawin mo din ang boyfriend ko? Ang gwapo niya pa naman…"

Nagsalita si Ye Wan Wan sa kanyang sarili habang niyayakap ang braso ni Si Ye Han na parang sakanya ito. Ang itsura niya ay puno ng proteksyon kay Si Ye Han.

Ang walang pakialam na emosyon ni Si Ye Han ay biglang nagulat dahil niyakap ni Ye Wan Wan ang braso niya.

At si Xu Yi naman ay binalot ng galak at saya--Sa wakas nakita na din ni Ye Wan Wan ang tunay na ugali ni Meng Qi, matagal kong hinintay na mangyari ito!

avataravatar
Next chapter