512 Pasensya na, nadala ako ng emosyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ano sa tingin mo? Nakakapanabik na ba ito? Naakit ka ba sa ginawa ko?"

Ang kaswal at malambing na boses ng babae ay parang nagtatanong lang siya ng "kamusta naman ang panahon ngayon," pero naramdaman ni Chen Shi Jie na parang nakarinig siya ng boses galing impiyerno.

Gusto sanang sumugod ni Song Jing para tulungan si Ye Wan Wan kanina pero ngayon, ang mga paa niya ay hindi makahakbang at ang mga mata niya ay halos lumabas sa mga butas nito.

"Tama… tama…"

Ang galing!!!

Madali lang niyang binugbog ang mga lalaking iyon at ang mga galaw niya ay natural lamang; halos uminit ang katawan ko sa sobrang galit sa mga lalaking nananakit sa kanya.

Pero… anong nangyayari?!

Bakit biglang naging dakilang mamamatay tao ang malambing at magandang chicks na ito?

Lumingon si Song Jing sa kanyang kapitan na si Liu Ying at napansin niya na mas gulat ito kaysa sa kanya - si kapitan ay lubhang nagulat sa natunghayan niya.

Ang nararamdamang takot at sakit ni Chen Shi Jie ang nag-udyok sa lalaki na yakapin ang kanyang braso at umungol siya ng parang animal, "AH! Tama na… tama na, tama na…"

Hinagis-hagis ni Ye Wan Wan ang baril sa kanyang kamay na parang wala siyang pakialam sa hawak niya at atubilo niyang kinuha ang isang bote ng wine na katabi niya. Hinampas niya ang bote sa lapag kaya may malakas na "crash" ang narinig. Kumuha siya ng isang pirasong matalim na kristal at iniharap niya ito sa dibdib ng lalaki na malapit sa kanyang puso at maingat niyang sinabi, "Edi… gusto mong mas kapanapanabik… ang mga mangyayari?"

Ang kapirasong kristal ay madiin na nakatusok sa puso ni Chen Shi Jie at ang harang lang ay ang damit niya. Dumausdos ito sa kanyang balat. Balot ng malamig na pawis ang noo ni Chen Shi Jie at walang pigil na nanginig ang kanyang katawan. "Tama na… tama na po… maawa ka sa akin! 'Wag mo akong patayin… mali ako… natuto na ako sa pagkakamali ko… nabulag ako at hindi ko nakita ang kadakilaan mo…"

Akala niya na nakakuha siya ng isang katangi-tangi na magandang babae pero hindi niya alam na binastos niya pala ang isang demonyong babae. Mabilis na pinagsisihan ni Chen Shi Jie ang ginawa niya.

Nagmakaawa siya sa babae ngunit bigla niyang tiningnan si blondie at ang mga tauhan niya para manghingi ng tulong ngunit, nagtago lang ang mga ito sa malayo na para bang hinihiling nila na mawala sila sa sitwasyon na iyon.

"Natuto ka na sa pagkakamali mo?" Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan.

Mabilis na sumagot si Chen Shi Jie, "Opo opo opo! Natuto na ako! 1000 beses na akong natuto sa pagkakamali ko! Ay, 10000 libong beses pa pala!"

"Kung totoo ang sinasabi mo… hayaan na lang natin ang nagawa mong pagkakamali..." mabait ang tono ni Ye Wan Wan nang sinabi niya ito.

Nakahinga na ng maluwag si Chen Shi Jie nang marining niya iyon.

Ngunit, nang sinabi iyon ni Ye Wan Wan, umungol ng lubhang katakot-takot na sigaw si Chen Shi Jie, "Ah ah ah ah——"

Madiin na sinaksak ni Ye Wan Wan ang kapirasong basag na kristal sa dibdib ng lalaki habang nakatingin sa kanila ang maraming tao.

"Ay, sorry… nadala ako ng emosyon ko… nadulas lang ito sa kamay ko…" ang babaeng mukhang mabait at mahina ay kumuha ng ilang tisyu galing sa kanyang gilis at dahan dahan niyang pinunasan ang dugo na tumalsik sa kanyang kamay nang walang kaawaan na makikita sa kanyang tamad na mga mata.

Napahiga si Chen Shi Jie sa lapag habang naghahabol siya ng hininga.

Si Song Jing at Liu Ying lang ang nakakita ng saktong pagkasaksak ng kristal sa dibdib ni Chen Shi Jie - masikip ang pagitan ng kristal sa mga ugat ni Chen Shi Jie at mamamatay sana siya kubg naisaksak ito ng kaunti sa gilid.

Binalot ng sigawan ang buong bar.

Kasama ang kanina'y aroganteng si blondie sa mga nakahigang mga bodyguards sa lapag. Lalong lumayo ang mga takot na tao na parang nakakita sila ng isang baliw; natatakot silang huminga ng malakas dahil baka makuha nila ang atensyon ng babae.

Ang mga sigaw ng tao ay nakakagulo at nakakairita.

Dahan-dahang hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo na para bang sasabog sa sobrang sakit. Ang init na inilabas ng katawan niya ay hindi na gaanong mainit, ngunit sa oras na iyon, ang sama ng loob sa kanyang dibdib ay biglang sumanib sa mabahong amoy ng dugo.

Nahilo siya sa sobrang sakit ng kanyang ulo at unti-unti umikot ang kanyang paningin.

Sa isang sandali, hinawakan ni Ye Wan Wan ang kanyang noo dahil nahihilo na siya. Tiningnan ni Ye Wan Wan ang kanyang paligid.

Ang mga mata niya ay bumaling sa iisang direksyon.

Gulat pa rin si Song Jing pero ngayon, humarap siya sa isang nakakatakot na mukha na may malamig at nakakasindak na mga mata. Mabilis na nanigas ang buong katawan niya at halos hindi na huminto ang kanyang utak nang mapalunok siya. Biglang nanginig ang kanyang tuhod...

Le… leche...

Ba-ba-bakit… niya ako tinitingnan...

avataravatar
Next chapter