webnovel

Pasabog na balita

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Chen Yan Feng mismo ang nag-imbita sa babaeng ito?

Paano siya naging importante?

Tiningnan ni Chen Yan Feng si Ye Wan Wan at patawa niyang sinabi, "Inaalam ko kung anong problema noong katawagan kita kanina, ngayon alam ko na."

Galit na ang itsura ni Ye Wan Wan. "Pasensya na sa abala, President Chen."

Agad na sumagot si Chen Yan Feng, "Hindi ka naging abala. Hindi kasi kita binigyan ng konsiderasyon!"

Naguluhan ang isip ng lahat ng nandoon dahil sa pag-uusap sa pagitan nila Chen Yan Feng at Ye Wan Wan.

"Kayong lahat!"

Tinaas ni Chen Yan Feng ang kanyang kamay upang sabihan sila na manahimik. Tumingin siya sa lahat at sinabi, "Mukhang nagkaroon ng maling pagkakaintindi ang lahat sa pagdating ni Miss Ye Wan Wan, kaya nandito ako para muling ipakilala sa inyong lahat si Miss Ye."

Nagulahan at nagtinginan ang bawat isa sa kanila. Muling ipakilala?

Huminto muna si Chen Yan Feng bago siya magpatuloy, "Anak ng kaibigan ko si Miss Wan Wan. Noong nagtrabaho si Ye Wan Wan, hindi niya ginamit ang totoong pagkakakilanlan at pangalan niya para madalian siya at ginamit niya ang kanyang alias…"

Mas lalong naguluhan ang lahat noong narinig nila iyon.

Alias? May isa pa pagkatao ang babaeng ito?

Anong importanteng pagkatao ang mabibigyan ni Chen Yan Feng ng personal niyang imbitasyon? At tsaka, hindi siya nagdalawang isip para bigyan sila ng effort upang tulungan siyang makaalis sa kaguluhan?

Lahat ng mga mata nila ay nakay Chen Yan Feng.

Sumagot si Chen Yan Feng, "Ang alias ni Miss Wan Wan sa industriya ay si Ye Bai. Sa madaling salita, siya ang Direktor ng Talent Recruitment Department sa Age of the Immortals."

"…"

Ang ordinaryong paraan ng pananalita ni Chen Yan Feng at nagpatahimik sa lahat ng nakinig sa kanya.

Akala ng lahat sa hallucination lamang ang nakikita nila.

Handa nang sumugod si Gong Xu para protektahan si Little Candied Plum dahil naging malala na ang sitwasyon. Nagulat siya bago niya nilinis ang kanyang tenga dahil sa mga salita ni Chen Yan Feng. "A-anong sinabi ni Old Man Chen?"

Nagsalita si Luo Chen, "Sinabi niya na ang alias ni Miss Ye ay… Ye Bai…"

Sumabad si Tang Xing Huo, "P*ta, ano raw? Kapatid ni Ye Mu Fan si Brother Ye? Marami ba ang nainom ni President Chen?"

Pare-pareho ang reaksyon ng ibang mga bisita...

"Eh, a-ano daw yung sinabi ni President Chen?"

"Sa tingin ko… sinabi niya yata na ang alias ng babaeng 'yan ay si Ye Bai! Ye Bai? Sinong Ye Bai ang tinutukoy niya?"

"Ilan ba ang Ye Bai sa industriya? Sinabi ni President Chen na siya ang Direktor ng Talent Recruitment Department sa Age of the Immortals?! Siya ang manager ni Luo Chen at Gong Xu!"

"Niloloko mo ba ako?! Lalaki si Ye Bai, okay?!"

Matagal bago matauhan si Liang Shi Han. Natatawa siya nang magtanong siya, "President Chen, hindi ka ba nagkakamali? Sinabi mo kasi naang alias ni Ye Wan Wan ay… si Ye Bai? Ang Ye Bai ng 'Age of the Immortals'? Lalaki kaya si Ye Bai!"

Tiningnan ni Chen Yan Feng si Ye Wan Wan bago siya magpaliwanag. "Tama ang sinabi mo. Para mapadali ang trabaho niya, ang suot ni Ye Wan Wan ay pang lalaking mga damit. Si Ye Bai ang pagkatao ni Wan Wan habang nagtatrabaho siya. Kaya ang lahat ng hindi nakakakilala sa kanya ay inakalang lalaki siya."

Namangha muli ang lahat nang marinig nila ang mga paliwanag ni Chen Yan Feng.

"P*ta! Walang palabas ang kayang makagawa ng ganitong istorya! Babae pala talaga si Ye Bai? Parang malaking kalokohan ito!"

"Pero… si President Chen mismo ang nagsabi nito, kaya ito siguro ang katotohanan…"

"Kaya pala… noong kumalat yung tsismis na mahilig manamit ng pang-babae si Ye Bai… noong umpisa palang pala ay babae na siya?"

"Putek na 'yan! Unti-unting lumalabas ang maiinit na balita dito sa Golden Orchid Awards ng taong ito!"

Next chapter