720 Paranoya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Madiin na napalunok si He Jun Cheng at nagulat.

Ito… paano 'to nangyari?!

Si Ye Mu Fan si Felix?

Imposible ito! May mali dito!

Litong nagkatinginan ang lahat, at biglang dumating is direktor Zheng. "Ayun! Ang aking magaling na vice-chairperson, nakita din kita. Bakit hindi kita nakita sa pasukan ngayon lang? Hinanda ko na ang damit mo, kaya dalian mo at magpalit ka na!"

Nakaramdam na may kakaiba sa atmospera si direktor Zheng kaya tinanong niya, "Ano? Anong nangyari? Oh, oo nga pala, head stylist He, hindi ba hinahanap mo ang ating vice-chairperson? Ito na siya!"

Lumingon siya kay Ye Mu Fan at sabing, "Felix, ito si head stylist He mula sa Assembly of Stars Entertainment at si Miss Shen Meng Qi na nasa entablado na galing din sa Assembly of Stars. Gusto ka nilang kausapin tungkol sa pagtrabaho kasama sila sa Lorraine Fashion Week…"

Kaswal na nagpagpag ng damo si Ye Mu Fan mula sa kanyang manggas. "Oh, ganoon ba?"

Sa sandaling ito, gustong mamatay nila He Jun Cheng at Shen Meng Qi. Nang marinig nila ang sinabi ni direktor Zheng, gusto nilang ibaon ang kanilang mga ulo sa lupa.

Nilinaw na ni direktor Zheng - kailangan nila itong paniwalaan kahit na ayaw pa nila!

Ngayon lang, nabanggit ni direktor Zheng na naaksidente si Felix papunta dito, kaya siguro ganyan ang lagay ni Ye Mu Fan...

Ang malakas na gold medal expert stylist, na si Felix, na hirap silang gawan ng paraan kung paano siya makukuha ay ang basura na si Ye Mu Fan pala!

T*ngina, ano ang nangyayari dito?

Pinaalis si Ye Mu Fan sa Emperor Sky. Paano niya naabot ang ganitong lebe sa maikling panahon?

Nakatayo si Shen Meng Qi sa entablado at tinitignan ng masama si He Jun Cheng.

Si Ye Mu Fan si Felix - paano niya hindi nalaman ang ganitong kaimportanteng impormasyon?!

Nalugi si He Jun Cheng. Paano niya naman malalaman na iisang tao lang sina Felix at Ye Mu Fan?

Gayunpaman, may mas malala pang dadating...

Sa harapan, ang chairperson ng Fashion Association, na si Mu Wen Qing, ay lumapit na maigting ang itsura. "Mu Fan, sabi mo ninakaw ni He Jun Cheng ang gawa mo ngayon lang - anong ibig mong sabihin?"

Sumulyap si Ye Mu Fan kay Mu Wen Qing. "Teacher, hindi naman malaki, pero kamakailan lang, may nawala akong manuscript at sa gulat ko, nakuha siya ng head stylist He."

Nang marinig iyon, halos tumulo na ang malamig na pawis na namumuo sa noo ni He Jun Cheng. "Ito… nagkakamali kayo… nagkakamali kayo…"

Kung nakumpirmang totoo ito, tapos na ang lahat sa kanya.

Nataranta si He Jun Cheng. Napagdesisyunan niyang hindi sabihin ang totoo at agad na pumakli, "Anong manuscript ang sinasabi mo?! Wala ganoon - disenyo ko ito mismo! Chairperson, maniwala ka sa akin!"

Lumakas ang loob ni He Jun Cheng nang mapagtantong walang ebidensya si Ye Mu Fan. "Young master Ye, sabi mo na disenyo mo ito, pwede bang magpakita ka ng ebidensya, huh?! Kailan mo nawala ang manuscript? At saan mo ito nawala?"

Ano ngayon? Walang mailalabas na pruweba, 'di ba!

Tumawa si Ye Mu Fan. "Haha, ebidensya? Hindi maganda ang memorya ko. Hindi ko talaga maalala ang mga maliliit na bagay… head stylist He, sinasabi mo ba na pinagbibintangan kita, na naiinggit ako sa talento at abilidad mo kaya sinusubukan kong dumihin ang pangalan mo at angkinin ang gawa mo?"

Nagulat si He Jun Cheng sa sinabi ni Ye Mu Fan. Naging malinaw ang sitwasyon, at mapagdudang tinignan ng mga tao si He Jun Cheng.

"Nagbibiro ba siya - isang vice-chairperson ng Fashion Association-cum-award winner ng Hundred Flowers award ay naiinggit sa kanya?"

"Paranoyd ba si He Jun Cheng?"

Natataranta si He Jun Cheng at nag-umpisang magsalita ng kung ano-ano, "Ye Mu Fan, ikaw at ang paninirang-puri mo! Lahat ng gawa ko ay sa akin! Disenyo ko iyon lahat! Inaakusahan mo ako ng walang ebidensya, kaya masasabi ko din na ninanakaw mo ang gawa ko!"

avataravatar
Next chapter