901 Parang nasa impyerno na tayo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Swish swish swish!" Lumipad na parang ulan ang halos sampung kutsilyo papunta sa kanyang balat at binaon siya ng nga ito sa lapag. Muntikan nang mahiwa ng mga kutsilyong ito ang kanyang arteries.

"Ano sa tingin mo? Cute ba ang paraan ng pagpatay ko sayo?" Lumiit at mayabang na tiningnan ni Little Lolita ang mersenaryo.

"Ah—" nabigla ang mersenaryo sa malubhang sakit na naramdaman niya sa bawat bahagi ng katawan niya. Ang buong katawan niya ay nakasaksak sa lapag at sumigaw siya sa sobrang sakit.

Bumuhos ang dugo niya sa sampung kutsliyong nakasaksak sa kanya. Maamoy sa paligid ang amoy ng kanyang dugo…

Gulat na gulat ang dalawang mersenaryo nang makita nila ang malalang kinalagyan ng kanilang kasamahan lalao na at bumubuhos ang dugo sa kanyang katawan.

Napalunok ang mataba. "Jiao Jiao, huwag ka nang gumawa ng eksena - pinaghirapan kong gawin ang hapunan, pero hindi pa rin ito kinakain ni master!"

Tiningnan ng old housekeeper ang lapag na may mga kutsilyong nakasaksak dito at bigla siyang kumunot. "Hindi ba't nagkasundo tayo na walang maninira ng furniture?"

"Sinira niya ang little bunny ko - binigay ito sa akin ni master!" Pinadyak ni Little Lolita ang kanyang mga paa dahil sa sobrang galit.

"Sino ang nagpadala sa tatlong ito… napilitan tuloy tayong lumaban sa kanila…"

Pinalibutan nilang lahat ang tatlong sugatan na mga mersenaryo na para bang mga hayop ang mga tinitingnan nila.

Parang mga kawawang sisiw ang tatlong mersenaryo. Sila ay nanginginig sa takot habang nakatameme sila...

Saan nanggaling ang mga taong ito?

Kumibo ang buong katawan ng mersenaryo dahil sa sobrang sakit ng mga sugat na natamo niya, ngunit hindi siya makagalaw dahil nakasaksak ang buong katawan niya sa lapag, ang magagawa niya lamang ay walang tigil na umungol. Biglang natandaan ng mersenaryong ito kung saan niya nakita ang mga taong nakapalibot sa kanya…

"Kayo… kayo ay ang…"

Unti-unti namuo ang pagkagimbal sa mga mata ng mersenaryo habang tinitingnan niya ang limang tao na nakapalibot sa kanya...

Mukha man silang magulong grupo ng mga tao na parang matanda at mahinang uugod-ugod na grupo ng mga katulong, pero napagtanto niya kung sino ang mga ito habang tinitingnan niya sila.

"Kayo ang… mga tauhan na nanggaling sa Kirin mercenary army…" sinabi ito ng mersenaryo sa huling hininga niya.

Biglang nag-iba ang itsura ng dalawang mersenaryo. "Paano nangyari iyon? Hindi tatanggap ng maliit na misyon ang Kirin mercenary na po-protektahan lamang ang isang master!"

Humalukipkip ang lalaking balbas sarado. "Tsk, pinapalala nila ang wala namang kwentang bagay!"

Anong pakialam nila sa Kirin mercenary army? Kung alam lamang nipa ang organisasyon natin ngayon, mababaliw siguro sila sa sobrang takot!

"Master, anong gagawin namin sa mga ito?" Tinanong ng mataba si Ye Wan Wan.

Saglit...

Bakit ang tawag nila sa babaeng ito ay...

Mmm-master…

Kasapi ng mga mersenaryo ang isang mercenary army na may relasyon lamang sa kliyente at customer na may kasamang boss, kaya hindi pwede nilang tawaging master ang employer nila!

Kontrolado ng babaeng ito ang limang mataas na eksperto ng Kirin mercenary army...

Paano naging posible ito?!

Nakita ng tatlong mersenaryo ang takot sa kani-kanilang mga mata.

Hindi… hindi ito isang hamak na pinabang apoy lamang… ito ay impyerno na!!!

"Master, master, ibigay mo sila kay Jiao Jiao, okay?" Kaakit-akit ang pananalita ni Little Lolita.

Nasulyapan ni Ye Wan Wan ang perpektong little crayfish na nakalagay sa plato na hawak ng matabang chef at walang nahulog na soup habang nagkakagulo sila kanina. Kinaway niya ang kanyang kamay at sinabi, "Sige na."

"'Wag… 'wag…" binalot ng takot ang buong pagkatao ng tatlong mersenaryo.

Akala nila na ang lalaking may mahabang buhok at ang lalaking balbas sarado ang pinaka-mahusay sa martial arts sa grupo ng lima, dahil sabay silang makipaglaban. Pero ang totoo, ang pinaka nakakatakot para sa lahat ay ang batang babae na mukhang maamo kaya hindi nila naisip na malupit pala ito.

Mas malala pa sa kamatayan ang sino man na mapupunta sa kamay niya at ang ginawa lamang nila ang pikunin siya!

"Nandito lang kami dahil nabayaran kami; may nag-hire sa amin at wala kaming alam sa mga nangyayari!"

"Sikreto lang dapat ang pagkakakilanlan ng employer at kayo ay ang mga seniora namin. Alam niyo naman kung paano ang pamamalakad ng mga ito, kaya hindi talaga kami nagsisinungaling sa inyo!"

"Maawa kayo sa amin, senior! Huwag niyo kaming patayin, senior! Hindi namin napansin na kayo pala ay mas nakatataas sa amin!"

Habang hinihila ni Little Lolita ang tatlong mersenaryo, ang natirang mga tauhan ni Ye Wan Wan ay nagsimula nang maglinis ng mga kalat.

Naging normal at ordinaryo lamang ang araw sa House of Rose na para bang walang nangyari.

avataravatar
Next chapter