1113 Parang magkaparehas

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinabukasan, pinuntahan ni Ye Wan Wan ang bahay ng Jiang family upang bisitahin ang magulang ni Jiang Yan Ran.

Masyadong mabait sa kanya si Mr. at Mrs. Jiang dahil hinihikayat siya ng mga ito na kumain ng marami. Ngunit huminto siya nang matandaan niya ang pangyayari noong nakaraang gabi na hinayaan siyang kumain ng marami.

Kapag binusog niya na naman ang sarili niya ngayon, bubungangaan siya ng mag-ama niya kapag nakauwi na siya.

"Ah, Wan Wan, mabuti na lang at ilang taon kang nanatili sa tabi ni Yan Ran. Kung hindi, ano na lang kaya ang mapapala ni Yan Ran…" Lalong nananaig ang takot sa puso ng magulang ni Jiang Yan Ran sa tuwing natatandaan nila noong hindi pa nila nakikita ang tunay na kulay ni Song Zi Hang at noong muntikan na nilang pinakasal ang anak nila sa Song family. Para sa kanila, ito ay katumbas sa pagtapon ng anak nipa sa apoy.

"Tito, Tita, masyado po kaming mabait. Kaibigan ko po si Yan Ran," sagot ni Ye Wan Wan.

"Salamat rin sa tulong mo sa casting call para sa pelikulang Jasmine. Sobrang swerte ni Yan Ran na naging kaibigan ka niya dahil magkakaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho si Director Peng sa una niyang pelikula. Pagpapala ka sa amin!" Hindi naiwasang maging emosyonal ni Mrs. Jiang. Ipapakasal sana niya ang anak niya kay Ye Wan Wan kung lalaki lang ito.

Dumagdag pa sa usapan si Jiang Yan Ran," Dad, mom, ang galing talaga ni Wan Wan. Tumpak siya sa kanyang mga sinasabi at tinulungan niya akong malaman ang detalye ng istorya!"

"Sa oras na iyon, maraming talentadong babae rin ang gumamit ng napili kong eksena at narinig ko pa nga na mas magagaling raw sila sa performance ko, sabi ng producer. Mas maganda ang sayaw nila kaysa sa akin, pero sa huli, ako pa rin ang pinili ni Director Peng…"

"Talaga? Paano nangyari iyon?" Interesadong tinanong ni Mrs. Jiang.

Sumagot si Jiang Yan Ran, "Si Ye Wan Wan ang nagsabi sa akin na kapag ginawa ko ang eksenang ito, kailangan kong magpigil noong sumayaw ako. Enjoyin ko lang daw ang sayaw nang hindi nagmamayabang."

"Dahil sa eksenang iyon, nagkaroon ng sakit ang bida nang mawalan siya ng memorya. Magaling siyang sumayaw kahit na nawalan na siya ng memorya, ngunit ang pag-sayaw ay kailangan ng matagalan na pagsasanay upang makuha mo ang angkop na mga indak. Para sa taong biglang sumayaw matapos ang ilang taon na hindi na siya sumasayaw, hindi na kayang ibalik ng katawan ang kalidad ng indak na noo'y nagagawa ng mananayaw, kahit na mahal pa nila ang pagsasayaw."

"Kaya pala! Ganoon pala iyon. Hindi mapapansin ng karamihan ang maliit na detalyeng ito." Tumango si Mr Jiang.

"Kaya sinadya kong sumayaw ng may mga pagkakamali para mukhang normal na pamamaraan ko iyon ng pagsayaw. Pagkatapos kong sumayaw, tinanong ako ni Director Peng kung bakit ganoon ako sumayaw at sinabi ko ang totoo. Pagkatapos ng lahat, ako ang pinili ni Director Peng." Nasabik si Jiang Yan Ran nang ikwento niya ang istorya 

Ngumiti si Ye Wan Wan. "Nagpapaliwanag lang ako ng kaunting impormasyon tungkol sa bidang babae."

Mukhang na-blanko si Ye Wan Wan at parang may naisip siya kaya bigla siyang napa-tahimik.

Napagtanto niya na noong nabuhay siya muli, nagkaroon siya ng malaking potensyal at talento sa martial arts. Hindi nga lang siya pinapakinggan ng sarili niyang katawan at parati itong nawawala sa kontrol.

Hindi ba't magkaparehas ang nararamdaman niya sa nararamdaman ng karakter ni Jiang Yan Ran?

Hindi naman sa agad siyang nagkaroon ng talento kahit na hindi niya natutunan ang martial arts. Sa halip, siya ay parang makina na hindi na ginagamit ng ilang taon.

Mas lalong nalinang ang kanyang mga galaw at ang abilidad niyang makipaglaban simula noong nagsasanay na siya...

Mabilis siyang nagising sa mapangarap niyang pag-iisip nang mapagtanto niya na lumalim na siya sa sarili niyang utak, "Nandito ako dahil sa isang tungkulin."

May nilabas na kontrata si Ye Wan Wan pagkatapos niyang sinabi iyon.

Masayang tinanggap ni Jiang Yan Ran ang kontrata pagkakita niya dito. "Ito ba ang kontrata natin? Wan Wan, handa ka nang bigyan ako ng titulo! Mom, kuhanan mo ako ng pen!"

avataravatar
Next chapter