259 Para sa kanyang boyfriend

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ha… tama ba ang narinig ko?

Boyfriend!

Nabigla ang nakatayong shop assistant habang binabalot niya ang mga bulaklak, tila kinidlatan siya sa kanyang narinig.

Halos sampung segundo ang lumipas nang bumalik ang malay tao ng shop assistant.

Ang kaakit-akit na lalaking nasa harap ko… ay hindi pala babae ang gusto?

Nabasag ang dalagitang puso ng shop assistant...

Napansin niya na hindi angkop ang kanyang reaksyon sa sinabi ng lalaki, kaya mabilis niyang inayos ang sarili at nang hingi siya ng pagpapatawad, "Sor… sorry… pasensya na sa reaksyon ko…"

"Okay lang," hindi ito dinibdib ni Ye Wan Wan at natawa na lamang siya.

Kumalabog ang kanyang puso at muli itong nabasag nang makita ng shop assistant ang nakangiting mukha ng lalaki.

Bakit lahat ng gwapo ay may boyfriend na ngayon...

Umalis si Ye Wan Wan sa flower shop sabay tinawagan niya si Xu Yi.

"Hello, housekeeper Xu, ang 9th master ba ay nasa Jin garden ba o nasa opisina?"

"Nasa opisina siya dahil may meeting sila."

"May gagawin ba siya mamayang gabi?"

"Walang naka-schedule sa itineraryo mamayang gabi."

"Okay lang ba na puntahan ko siya ngayon?" Tanong ni Ye Wan Wan.

"Ay… Ms Ye, saglit lamang po, tatanungin ko muna si 9th master," Nabigla si Xu Yi sa sinabi ni Ye Wan Wan dahil ito ang unang pagkakataon na yayayain niya ang 9th master.

Ayaw niya kasing makita sa publiko ang relasyon nila ng 9th master, kaya hindi karaniwan na lumalabas sila.

Ilang saglit lang, bumalik si Xu Yi sa tawagan nila, "Ms. Ye, pwede ka nang pumunta dito, basta sabihin mo sa sekretarya ang pangalan mo."

"Osige, salamat."

Sa Si Corporation:

"Hello, ano po ang pangalan niyo? Meron po ba kayong appointment dito?"

Hindi maiwasang mabighani ang mga mata ng sekretarya nang makita niya ang binatang may hawak ng malaking bouquet ng roses. Sanay siya na puro businessman ang bumibisita sa kumpanya.

"Ang apelyido ko ay Ye, hinahanap ko si chairman Si. May appointment ako sa kanya, galing kay Mr Xu." Sagot ni Ye Wan Wan.

"Ikaw pala si Mr Ye…" sinabihan ni Xu Yi ang sekretarya tungkol sa appointment nila ni Si Ye Han, ngunit nangangamba siya-- hindi ba sabi ni assistant Xu na babae ang bibisita?

Masyado siguro siyang busy kaya nagkamali siya!

Wala sa itsura ng lalaki na napadayo siya para sa business. Mukhang susunduin niya ang kanyang girlfriend na galing trabaho...

Kung meron lang sana na gwapong lalaking tulad niya ang maghihintay sakin na may dalang bouquet broses...

Sa mga oras na iyon, merong nag "ding" at biglang bumukas ang elevator.

Nilayo ng sekretarya ang kanyang tingin sa magandang mukha ng lalaki at mabilis na bumalik ang pagiging propesyonal niya, "Mr Ye, may meeting pa sa ngayon si Mr Si. Inaanyayahan ko kayong maghintay muna sa guest room."

Tumango si Ye Wan Wan. "Sige."

Ihahatid na sana siya ng sekretarya sa may guest room.

Ilang hakbang lamang sila at sa wakas, nakita nila ay isang grupo ng mga taong papalabas ng meeting room.

Matigas ang pagmumukha at malamig ang awra habang nakasuot ng itim na western suit ang kanilang boss na papalapit kay Ye Wan Wan. Sa likod ng boss ay ang senior manager--- lahat sila ay may kalmadong ekspresyon sa kanilang mukha.

Patagilid na hinarap ni Si Ye Han si Xu Yi upang malaman ang kanyang report, napansin niya na biglang napahinto si Xu Yi habang kausap niya.

Napakunot si Si Ye Han nang makita niya si Xu Yi. Napansin niyang may tinitingnan ito sa harap, para bang kinukuha ang kaluluwa nito sa kanyang nakita.

Sinundan ni Si Ye Han ang direksyon kung saan nakatingin si Xu Yi. Nakita niya ang babaeng sekretarya at sa tabi nito ay… ang...

Ang isang binata na hawak ang bouquet ng roses habang katabi ang sekretarya. Nanlaki ang mga mata ni Si Ye Han sa nakita niya

Napahinto ang senior management at ang kanilang BOSS sa nakita nila. Sinusulat ng mga senior management ang eksena sa kanilang harapan.

Habang binabalot siya ng mga tingin ng tao, dahan-dahang naglakad ang nagliliwanag na binatang naka puting polo shirt habang hawak niya ang bouquet ng roses, papalapit ng papalapit kay Si Ye Han...

Huminto ang binata sa harap ni Si Ye Han. Mga labi niya ay mas malambot at mas maganda pa kesa sa bulaklak; tinatago ng kulay flax niyang buhok ang kanyang kumikislap na mata, habang malambing at maamo niyang sinabi, "Chairman Si, pwede ba kitang yayain na kumain dinner?"

avataravatar
Next chapter