1187 Para mang-akit ng lalaki?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"OK!" Tumingin si Ye Mufan kay Gong Xu at Luo Chen. "Alin sa dalawang show na ito ang gusto mo puntahan?"

Parehas na lumilipad ang isip nina Gong Xu at Luo Chen.

Napasimangot si Ye Mufan at iniwagayway ang kanyang mga kamay sa harapan nila, "Hoy, kinakausap ko kayo!"

Nabigla si Gong Xu at sumagot ng, "Ma… Makikinig ako kay Brother Ye… Ah, nasaan nga pala si Brother Ye?"

Tumaas ang mga kilay ni Ye Mufan. "Siya ay…"

Napatahimik si Ye Mufan ng makita ang taong lumalakad papalapit sa kanila, at agad siyang napasimangot.

"Ye Wanwan! Anong ginagawa mo dito?" Malakas na sigaw ni Liang Shihan habang nakatitig ng masama kay Ye Wanwan.

Agad tumayo si Ye Mufan sa harap ni Ye Wanwan. "Pagmamay-ari ba ng pamilya mo 'to Liang Shihan? Ikaw lang ba ang pwede dito?"

Kahit gaano kalakas ang kanyang kapatid, pakiramdam niya na parang parin siyang isang inosenteng batang babae na kinakailangan ng protekston niya.

Napangisi si Liang Shihan. "Hindi naman kung sino ang nagmamay-ari ang problema dito. Ngayon ang Golden Orchid Award's banquet, at lahat ng pumunta dito ay nasa guest list. Sino siya? Hindi ba't isa lang siyang assistant sa opisina mo? Anong karapatan niya na mapunta dito?"

Hindi na hinintay ni Gong Xu na sumagot si Ye Mufan at agad na sumagot. "At ano naman ang karapatan mo na magsalita ng ganyan tungkol sa kanya?"

Nagdalawang isip si Liang Shihan tungkol Gong Xu dahil nasa limelight siya ngayon.

Sa puntong ito biglang lumitaw si Ye Yiyi sa likod ni Liang Shihan para tapusin ang lahat. "Pasensya na. Bata pa kasi si Shihan, kaya pagpasensyahan niyo na."

Nagmukhang pumunta si Ye Yiyi para mamagitan sa isang pagtatalo, pero nagpunta siya para suportahan si Liang Shihan.

Tumingin si Ye Yiyi kay Ye Wanwan at malugod siyang binati, "Wanwan, nandito ka din!"

Sa sandaling makita ni Liang Shihan na lumapit si Ye Yiyi, agad na lumakas ang kanyang loob. Pinalupot niya ang kanyang mga kamay sa mga braso ni Ye Yiyi at sinabing, "Best Actor Gong, kahit na baguhan ako, alam ko parin ang mga patakaran. Lahat ng pupunta sa Golden Orchid Awards banquet ngayong gabi ay isang bigating mga pangalan, kaya exclusive ang guest list."

"Wala naman talagang karapatan na makapunta dito ang babaeng yan, kaya malay ba natin kung sino niloko niyan para makapasok dito? Kung makakapunta dito ang kung sino nalang, ibig-sabihin ba 'nun maari ng pumunta dito ang assistant, chauffer, at katulong ko?"

Pinaparating ni Liang Shihan na isang hamak na tagapag-silbi lamang si Ye Wanwan.

Agad na nanlisik ang mga mata ni Gong Xu. "T*ngna! Anong sabi mo?!"

Lumipat ang tingin ni Liang Shihan sa pagitan nina Gong Xu at Ye Wanwan. "Ye Wanwan, hindi ka pala pumasok sa kumpanya para magtrabaho, pumasok ka pala para mang-akit ng lalaki?"

Pagkatapos ay tila nalinawagan siya bigla. "Sabihin mo nga, hindi lang si Gong Xu ang inakot mo diba? Pinagtataka ko kung paano magagawa ng isang napakagaling na tao na katulad ni Ye Bai na magtrabaho sa ilalim ng isang kilalang suwail na katulad ni Ye Mufan ng napaka-loyal! Nagawa niya pala yun sa papamagitan ng pagbenta ng kanyang kapatid para lang sa karangalan!"

"Shihan, tumigil ka na," Agad na tahimik na pinagalitan siya Ye Yiyi, nyunit walang makikitang pagtanggi sa kanyang mga mata.

Matagal niya na pinagiisipan kung paano niya papahirapan si Ye Mufan. Sinong mag-aakala na ilalantad ni Ye Wanwan ang kanyang sarili?

Agad na nanggalaiti si Gong Xu ng banggitin ni Liang Shihan ang pangalang "Ye Bai,"

Agad siyang sumigaw, "Ikaw, t*ngina ka! Anong sinabi mo?!"

Kumislap ang mga mata ni Ye Yiyi ng makita niyang galit si Gong Xu at malapit ng gumawa ng eksena. Natural na masiya siyang makita ang lahat ng ito mangyari.

avataravatar
Next chapter