49 Para bang siya ang maabuso

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos ng klase, sinimulan na ang pageensayo sa isang maliit na auditoryum ng eskwelahan.

Bukod sa mga gaganap, may mga panatiko ni Si Xia at mga gwardiya na naroon din. Pinamunuan ni Cheng Xue ang mga kinikilig na babae na nakapaligid kay Si Xia. Nagpakita sila ng pagaalala sa binata at maging ang pagpapahinahon sa kanya matapos na magulantang nang malamang makakapareha niya si Ye Wan Wan.

Sobra na talaga ang titser na 'yun, paano niya nagawa na maging draw lots na lang ang pagdedesisyon?"

"Oo nga! Hinayaan pa niya si Ye Wan Wan na gumanap nun...isang malaking insulto 'to kay Si Xia!"

"Si Xia, 'wag ka nang madismaya, bakit hindi na lang natin puntahan si titser at magkasama tayong magprotesta sa kanya?"

Si Ye Wan Wan naman ay patuloy lang na sinisipsip ang hawak na lollipop habang nasa may pintuan, nakikinig sa lahat ng mga sinasabi ng mga babae at unti-unting ngumingiwi sa mga naririnig.

Bakit ba pinamumukha pa ng mga babaeng ito na si Si Xia ang tanging dehado lang dito?

Napuno ng mga puro panay satsat na mga babae ang tenga, unti-unti nang nayayamot si Si Xia sa naririnig. Nang magsisimula na siyang magsalita, dagling kumalat ang katahimikan sa silid nila.

Mula sa pintuan, sigurado ngang nakita niya si Ye Wan Wan na nakatyo mula roon.

Nang lumitaw na si Ye Wan Wan, lalong sumiklab ang galit ng mga babae at ang ilan sa kanila ay sumugod sa kanya.

"Ye Wan Wan, wala ka na talagang hiya sa sarili mo?! Dumating ka pa talaga!"

"May kailangan pa tayong pagusapan tungkol sa score mo na nangyari kaninang umaga lang!"

"Inagaw mo ang role ni Little Xuea and nagawa mo pang umarte na parang busabos; iniisip mo ba talaga na hindi ka namin kaya?"

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang tatlong mga babae na sumugod sa kanya.

Sila 'yung tatlo na nagplano ng kalokohan sa kanya pero hindi nila kasama ang isa pang kasabwat na lalaki ngayon, malamang may kailangan pa siyang ayusin sa nagawang kasalanan kay Zhao Xing Zhou.

Ang tatlong mga babaeng ito ay mga kasama ni Cheng Xue at 'yung lalaki na kasama nila ay itinuturing na kiya ni Cheng Xue sa eskwelahan. Kapwa mga malalakas ang impluwensiya sa Qing He and wala man ni isa ang sumubok na apihin silang mga mapang-api sa eskwelahan.

Ngayon, kung hindi dahil sa kanya, pamilya man niya or koneksyon sa eskwelahan, may 80% lang na tsansa si Cheng Xue na makuha ang role.

Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit kinamumuhian siya ng sobra ni Cheng Xue.

Nakasuot si Cheng Xue ng maganda, mamahalin, at laced na bestida and makikitang nakatayo lamang siya sa likod ng mga babaeng pumuprotekta sa kanya. Ang maputi at makinis niyang balat, mapupungay at kulay almond na mga mata, at ang hindi pangkaraniwan pero magandang mukha ay lalo pang nagpatingkad sa kanyang hitsura. Kapag tumabi siya kay Si Xia, mukha na talaga silang magkasintahan na parang mga prinsipe at prinsesa sa isang fairytale.

Sa mga oras na iyon, nabalot ng kalungkutan ang maliit na mukha ni Cheng Xue. Maging ang lungkot at selos na kita sa mga mata ay lalo pang nagpamukha sa kanya ng nagngangalit na pakiramdam. Lalo siyang nagmukhang kaawa-awa sa kabila ng maganda niyang hitsura.

Hindi lang sa klase itinuturing na pinakamaganda si Cheng Xue kundi maging sa buong eskwelahan, siya ang pinakamganda sa Qing He High School.

Naalala ni Ye Wan Wan na may kumplikadong pamilya si Cheng Xue at matagal nang kilala si Si Xia simula nang bata pa sila. Sa nakaraan niyang buhay, naalala niyang sila ang nagkatuluyan sa huli.

Ang totoong edad ni Ye Wan Wan ay dalawampu't-pitong taon. Nang makita niya ang grupo ng mga babaeing ito, pakiramdam niyang nakikipag-away siya sa mga bata. Ngumiwi lang siya at saka nagsalita, "Tsk, sa ilang segundo lang ng interaksyon, mahalaga ba 'to?"

Ilang seguno lang ng interaskyon?!

Wala naman masyadong naging interaksyon ang prinsipe at si Snow White na magkasama hanggang sa kinain na ni Snow White ang mansanas na may lason at saka nahimatay, matapos nun saka lang lumitaw ang prinsipe sa harap niya.

Pero!

'Yung ilang segundo ng interaksyon na 'yun ay ang scene kung saan maghahalikan sila!

Habang iniisip 'yun, nagngitngit ang mga ngipin ni Cheng Xue sa inis. Nakakayamot ang pangungusap ni Ye Wan Wan. "Ye Wan Wan! Umayos ka! Si Xia, gusto mo ba talaga makatrabaho ang taong 'to?"

Puno na ng galit ang tono ng boses niya.

Nayamot na ang hitsura ni Si Xia, matapos ng lahat anong magagawa pa niya? Bilang lalaki, paano niya mababawi ang mga sinabi niya?

"Tama na, ako naman talaga ang nagpasimuno ng draw lot kaya tumahimik kayong lahat at simulan na natin ang pageensayo. 'Yung mga hindi naman kasali, umalis na ngayon!"

avataravatar
Next chapter