211 Papa na may capital P

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nag-effort talaga si Shen Meng Qi sa pagpapanggap niya para kay Si Ye Han. Makikita ang poot o galit dahil sa hindi makatarungan ang nangyari, parang isang tunay na artista.

Tumaas ang kilay ni Si Xia sa sinabi ni Shen Meng Qi.

Nagpalaki sa akin?

Tsk, si Si Ye Han ang nagpalaki sa akin!

Kalmado naman si Si Xia pero makikitang nakapinta ang yabang sa mukha niya. Mabilis niyang tiningnan si Si Ye Han bago siya magpatuloy sa sasabihin niya, "Anong meron sa akin? Kung gusto ni Ye Wan Wan na tanggalin ko yung pantalon ko, masaya 'kong gagawin ito! May problema ka ba doon?"

Ye Wanwan: "...!!!"

Ganoon ba ako kabaliw sa tingin mo at uutusan kitang magtanggal ng pantalon?! Mokong! Magkaroon ka ng kahit katiting na integridad!

Nagulat ang lahat nang marinig nila iyon at hinadhad nila ang kanilang mga kamay dahil hinihintay nila ang sagot ni Si Ye Han.

Nagmukha siyang tanga sa harap ng lahat; mukhang dito na sila makikipaghiwalay!

Habang tinitingnan sila ng maraming mga mata, hinarap na ni Si Ye Han ang nakakagalit na pambabastos ni Si Xia at kailanman hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. Hinintay ni Si Ye Han na matapos paypayin ni Si Xia ang galit niya, tiningnan niya at normal siyang nagtanong, "Tapos ka na?"

Tiningnan niya si Si Xia na parang problemadong bata at dahil dito sumabog si Si Xia sa sobrang galit, makikita ang pagbalot ng apoy sa kanyang mga mata!

Nakita ni Si Ye Han na hindi sumagot si Si Xia. Ang mapag-isa niyang tingin ay nagpaulan ng dagsa-dagsang pagpapahirap at puno ng lagim ang malalim niyang boses, "Ano? Hindi mo ko babatiin 'pag nakita mo ako?"

Binuhat ni Si Xia ang pagpapahirap na iyon; parang ang buong katawan niya pinipipi ng isang malaking bundok at ang dugo niya ay nararamdaman niyang naninigas sa sobrang lamig.

Bumabagal ang oras. Kahit malamig ang panahon makikita ang pa rin pawis sa kanyang noo.

Ilang segundo ang nakalipas, sa wakas, kinaskas ni Si Xia ang kanyang ngipin at binigkas ng maayos ang bawat letra ng sasabihin niya, "9th uncle!"

9th... 9th uncle!?

Mapatigil ang mga naghihintay ng magandang palabas sa pagitan ng dalawa pagkatapos nilang marinig ang pagbati ni Si Xia sa boyfriend ni Ye Wan Wan.

Nagimbal at nagulat si Sheng Meng Qi, na kanina ay pasikretong natutuwa na sa nangyayari.

Gayunpaman, hindi pa dito nagtatapos ito. Gumapang ang tingin ni Si Ye Han papunta kay Ye Wan Wan at patuloy na sinabi, "Anong tawag mo sa kanya?"

Hinigpitan ni Si Xia ang kanyang kamao, ang mga salita niya ay parang pinilit lang na lumabas sa mga butas ng kanyang ngipin, "9th...Au… Aunt…"

Damnnnnnn! Anong… anong nangyayari dito?!

Halos atakihin sa puso ang mga taong naguguluhan na sa nangyayari nang marinig nila si Si Xia na tawaging 9th aunt si Ye Wan Wan.

Ano?! Anong tinawag mo kay Ye Wan Wan? Aunti?!

Hindi nila inakala na ganoon pala ang relasyon ni Si Xia at Ye Wan Wan sa isat-isa.

Ang rason kaya pala mabait si Si Xia kay Ye Wan Wan simula pa nung una at lagi niyang prinoprotektahan ang babaeng ito; dahil pala aunt o tita niya si Ye Wa Wan? Girlfriend ng uncle niya?

Nakakagulat talaga!

Pero ang pinaka nagulat sa lahat ay walang iba kundi si Ye Wan Wan.

Napakahusay ni papa, siya na talaga ang tunay na papa na may capital P-- kinaya niyang tawagin ako ni Si Xia na "aunt" gamit ang isang tingin lang!

At mabilis niyang tinanggal ang tsismis at maling intindi ng tao tungkol kay Ye Wan Wan, nang ganoon kabilis.

At pagkatapos na sinabi ni Si Xia ang "aunt", nilipat niya ang kanyang nagbababalang tingin at humarap siya kay Xu Yi.

Blangko ang isip ni Xu Yi habang siya ay nakatayo, sinusubukan niya ibalik ang katinuan niya pagkatapos magtaasan ang kanyang buhok. Muntik pang manghina ang tuhod niya.

Mabilis niyang hinila ang men's coat galing sa bag at inabot niya ito kay Si Xia. Tiningnan ni si Si Xia, halata namang masama ang mood ni Si Xia kaya dahan-dahan niyang sinabi, "Young mater Si Xia, kakagaling mo lang sa sakit--dali, at suotin mo ang damit mo para hindi ka magka sipon!"

Nandilim sa galit ang mukha ni Si Xia pero sumunod pa rin siya at sinuot ang kanyang damit. Pagtapos ay kinuha niya ang coat kay Xu Yi at sinuot ito para makita ng lahat.

Magkasipon, mukha mo! Malapit nang sumabog ang buong katawan ko!

avataravatar
Next chapter