154 Panunumbalik ng mga nawala

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa sumunod na linggo, ginawa si Song Zi Hang ang gusto niya at patuloy na nakipagtalik ka Shen meng Qi.

Inobserbahan at nangongolekta ng impormasyon sina Ye Wan Wan at ang Jiang family ng patago habang nag-aabang ng oportunidad na isiwalat sila.

Ang ultimate move ni Ye Wan Wan ay naging mabisa kay Si Xia. Naging mabait siya at hindi na kinakaya pa si Ye Wan Wan, naging masunurin din sya sa mga ensayo nila.

Lumipas ang ilang araw na naghihintay si Ye Wan Wan, at dumating na ang panahong kinahihintay niya.

Ngayon ang araw ng open bid ng gobyerno.

Tumawag si Mr Jiang sa kanilang dormitoryo noong gabing iyon.

Sabik na sinenyasan gamit ang kumikislap na mata ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran, "Dalian mo, sagutin mo ang tawag!"

Tumango si Jiang Yan Ran at inilagay sa loudspeaker ang phone, "Hello, daddy?"

Ang malambing na boses ni Mr Jiang ang sumagot, "Hello, Yan Ran, may good news si daddy. Matagumpay ang biding ngayong araw-- nasa atin na nag project!"

Tulad ng inaasahan, naging emosyonal si Ye Wan Wan.

Habang nagdidiwang sila sa sobrang saya, nagpatuloy magsalita si Mr Jiang, "At saka, inanunsyo na sa publiko na tinigil na ang iyong engagement sa mga Song. Salamat sa babala ni Ye Wan Wan, mabilis nating na aktohan si Song Zi Hang bago pa nila ito malaman. Binawi ko na din ang mga funds at iba pang proyekto, kinansela ko na din ang ibang kolaborasyon at mga dealings. Kinaya ko ding maibalik ang mga nawala nating pera!"

Importante sa lahat na ang malaking proyekto ay nasa kamay na ng mga Jiang.

At madami din silang natamo sa proyekto na ito!

"Oo nga pala, andyan ba ang kaibigan mo?"

"Andito po siya," pinasa ni Jiang Yan Ran ang phone kay Ye Wan Wan.

"Andito po ako tito Jiang!"

"Wan Wan, mag-dinner ka sa amin kapag may libreng oras ka. Malaki ang utang na loob ko sa iyo. Sabihin mo sakin kung may kailangan ka para sa future mo!"

"Salamat po tito!"

"Ay tito, ako nga po dapat ang magpasalamat sa inyo!"

...

Sa mga oras na iyon sa school canteen:

Kumakain si Song Zi Hang ng masarap na hapunan kasama si Shen Meng Qi at wala siyang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Ilang araw na silang magkasama parati at kitang kita sa kanila na mahal na mahal nila ang isat-isa.

Normal na nilang pinapakita sa lahat ang pagmamahalan nila sa isat-isa.

"Zi Hang, 'di ba ngayon ang araw na sasama ang pamilya mo sa bidding ng gobyerno? Ano kayang magiging resulta…?" dahan-dahan at mausisang tinanong ni Shen Meng Qi.

Noong nabanggit niya iyon, kampanteng sinagot siya ng mabilis ni Song Zi Hang, "Kinausap ko si dad kagabi--maayos na ang lahat at malapit na ding dumating ang pera sa amin. Wala na talagang problema!"

Maluwag nang nakahinga si Shen Meng Qi at sinabi "Good yun, nagaalala pa ko noong una baka kasi magkagulo ka dahil sa akin. Paano kung may nasabi si Yan Ran sa ma magulang niya…"

Walang katakot-takot na sumagot si Song Zi Hang, "Paano mangyayari yon? Masyadong mababaw ang iniisip mo. Sa sobrang tagal nang nagtatrabo ng magkasama ang pamilya namin ay hindi na sila mapaghihiwalay pa. Ang partnership namin ay hindi masisira dahil lang sinabi ng masamang prinsesa na si Jiang Yan Ran.

Kahanga-hanga na nag ang mga Jiang ngayon dahil sa aming pag-alalay sa kanila at kung hindi kami umalalay noon pa man, siguradong babagsak sila. Galing sa entertainment industry ang magulang ni Jiang Yan Ran at biglang lumipat sa business. Ano naman ang alam nila sa pagpapatakbo ng business?"

"Totoo naman, pasalamat na lang sila sa pamilya niyo. Napaka-inggrata ni Yan Ran at ginagamit pa niya si Chu Feng. Sinasadya niya bang papangitin ang imahe mo?" depensa ni Shen Meng Qi habang tinitingnan siya ng may paghanga.

avataravatar
Next chapter