149 Panliligaw sa mga babae

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tinext si Ye Wan Wan si Chu Feng nang makita si Song Zi Hang na papalapit.

Nakadepende nalang sa talas ng kanyang pag-iisip kung gagamitin niya ang oportunidad na ito o hindi.

Habang hawak ang phone niya, umangat ang ulo niya at nagtatakang tiningnan si Song Zi Hang at pabulong niyang sinabi, "Captain Song, sinabi naman na sayo ni Jiang Yan Ran na ayaw niya. Bakit kailangan mo pang mamilit na pakainin siya? Hindi naman siya basurahan para tapunan mo ng pagkain…"

Nang marinig ito ni Song Zi Hang, nandilim ang itsura niya habang nakatitig kay Ye Wan Wan, "Ano? Basurahan? Ugly freak, huwag kang mangialam saming dalawa at ayaw ko lang naman masayang ang pagkain!"

Hindi na tinuloy ni Song Zi Hang ang usapan nila ni Ye Wan Wan at nagpatuloy lang na lambingin si Jiang Yan Ran para 'di halatang nagagalit na siya, "Yan Ran, alam ko namang sobrang sama ng ginawa ko sa iyo noon. Pero kung hindi mo naman kasi sinaktan si Meng Qi, hindi din ako magagalit sa iyo. Kung hindi ko dinepensahan si Meng Qi nung una palang, maraming magagalit at mangangaway sa kanya. Close kayo ni Meng Qi 'di ba? Hahayaan mo bang mangyari iyon?"

Naisip ni Jiang Yan Ran na baka nga nasaktan niya si Shen Meng Qi, pero nang marinig niya ang sumunod na sinabi ni Song Zi Hang, nanlamig ulit ang kanyang emosyon. Ngumiti siya habang sumasagot, "So, okay lang sa iyo nung hindi ako naintindihan at inatake ng mga tao?"

Walang pakialam si Song Zi Hang kay Jiang Yan Ran; naisip niya siguro na kapag naging mabait siya kay Jiang Yan Ran, manghihina ito at babalik siyang luhaan na nagpapasalamat. Sinong mag-aakala na naging matalino na si Jiang Yan Ran para saan kung pagbibigyan niya pa Song Zi Hang.

Kaya naman, nawalan na ng pasensya si Song Zi Hang. Nanlamig ang emosyon niya habang hawak ang plastik ng pagkain sa kanyang kamay, nagbago din ang kanyang boses na lalong bumaba at naiiritang tono, "Yan Ran, hindi ko inasahan ang mga reply mo sa post at hindi naman masyadong masakit ang sinabi ng mga tao sayo. Gusto mo bang matapos tayo dahil lang sa maliit na away? Nakalimutan ko lang naman kung anong gusto mong kainin eh! At nag-sorry na ako 'di ba?!"

Sabi niya seryoso siyang makipag-ayos pero ang tono ng boses niya ay parang nagmamalaki pa siya.

Habang abala siyang nagsasalita, bilglang may isang tao na nagmamadaling lumapit na kasing bilis ng hangin.

Ang nakita lamang nila ay isang matangkad at gwapong lalaki na basa ng pawis. Sa sobrang madali niya, napaluhod siya at sinabi, "Yan… Yan Ran…"

"Chu Feng…" Nagulat si Jiang Yan Ran na makita si Chu Feng na basang-basa ng pawis, "Anong nangyari sa iyo?"

"Okay, okay lang ako! Binilhan kita ng umagahan, kaso hindi ko alam kung anong gusto mo kaya bumili ako ng tig-iisa ng mga pagkain nakita ko!"

Hindi magamit ni Chu feng ang kanyang mga kamay para punasan ang pawis niya dahil punong puno ng ibat-ibang platic bags ang kanyang kamay hanggang sa kanyang braso. Sobra siyang nag-effort bumili ng pagkain aakalain mong delivery boy siya!

Kung makikita ang dalahin ni Chu Feng, bumili din siya ng pagkain sa Xiang Man restaurant pero binili niya halos lahat ng nasa menu.

Hindi hamak na puno ng puso kung ikukumpara ang paraan ng panliligaw ni Chu Feng kaysa sa isang basong soy milk at mainit na siopao ni Song Zi Hang!

Siguradong nagbago ang itsura ni Song Zi Hang nang makita si Chu Feng at mas nandilim ang kanyang emosyon nang makita ang napakaraming dalahin ni Chu Feng.

Napatigil dahil sa gulat si Jiang Yan Ran, "Pero...masyadong madami ito...Paano ko mauubos ang lahat ng ito…?"

Sumagot agad si Chu Feng, "Piliin mo lang kung anong gusto mo!"

"Hindi ba baka masayang lang ang iba?"

"Hindi, hindi, ibibigay ko na lang sa mga loko sa klase namin, sinwerte sila sa akin ngayon! Dali, at pumili ka ng gusto mo lang!"

Nakikita ni Jiang Yan Ran ang pawis at kaba sa kanyang mga mata, hindi na niya kakayanin na tanggihan pa si Chu Feng, "Sige, sige, Salamat."

avataravatar
Next chapter