5 Panibagong taste

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagtatago si Xu Yi: "!!!"

Peo… Peony Flower!!!

Damn! Sobrang iba ng babaeng ito ngayon, nasa impluwensiya ba siya ng mahika?

Paano niya nagawang ikumpara si boss sa isanh peony?!

Gwapo si boss, kahit na sinasabi ko pa ito bilang isang lalaki.

Maingat na nagnakaw ng mga sulyap sa kanyang boss si Xu Yi, ngunit sa kasamaang palad, hindi niya maisip ang emosyon mula sa mga madidilim nitong mga mata.

Galit ba si boss… o hindi?

Sa pagkakataong ito, tinignan ni Gu Yue Ze ang babaeng nakatayo sa harap niya. Siya ay isang babaeng puno ng galit at masama magsalita. Binalaan niya ito nang halong natitira noyang hulong pasensya, "Fine… fine! Since ayaw mong tumino, sa susunod na magsisi ka, 'wag mo kong sisisihin na hindi kita pinuntahan ngayon! Ye Wan Wan, ginawa ko ang makakaya ko para tulungan ka!"

Nag-relax si Ye Wan Wan nung natapos na ang galit ni Gu Yue Ze.

Kung ito ang kanyang previous life, kakailanganin niyang harapin ang galit ni Si Ye Han. Ngunit nagawa niyang baguhin ang takbo nf kanyang buhay dahil ngayon, umalis na si Gu Yue Ze habang si Si Ye Han...

Hmm, hindi siya sigurado noong nawala ang presence ng lalaki.

Pumasa na ba ako sa pagsusulit?

Ang init ng ulo ni Si Ye Han ay treacherous at napaka-unpredictable kaya hindi tinangka ni Ye Wan Wan na ibaba ang kanyang depensa sa sarili. Pagkatapos niyang kumalma, bumalik siya sa bahay.

Pagkapasok niya sa living room, isang pamilyar na boses ang pumasok sa bawat pores ng kanyang katawan.

"Halika dito."

Sa sofa, ang mga titig ng lalaki ay parang isang net na nakakalat sa paligid niya.

Tumayo si Ye Wan Wan mula sa sahig.

Kahit na siya'y nabuhay ulit, ang kanyang takot sa lalaking ito ay tagos hanggang kanyang buto at kailanman ay 'di na mawawala.

Pero, kung gusto niyang baguhin ang kanyang tadhana, kailangan niyang malampasan ang takot na ito.

Ibinaon ni Ye Wan Wan ang kanyang kuko sa kanyang palad upang mapanatiling kalma ang kanyang sarili at dahan dahang naglakad papunta sa lalaki...

Habang papalapit siya, mabilis siyang napunta siya sa kandungan ng lalaki, kasunod ng biglaang sakit sa kantang mga labi——

Ang manipis at malamig na labi ng lalaki ay nilapat sa kanyang mga labi at kinain, nang walang pinapalampas na kahit ano...

Hindi gumagalaw si Ye Wan Wan. Pinilit niya ang kanyang sarili na huwag nang pumalag para maiwasang magalit pa ito.

Hindi niya lubos maisip na ang lipstick na inilagay niya ngayon ay wilder kaysa dati; nagmukha siyang tila ba ay nalason. Hindi ba siya nasaktan ang kanyang mata ng kulay nito? Paano niya nagawang halikan siya passionately?

Nakilala niya si Si Ye Han noong siya ay 18 taong gulang. Sa loob ng dalawang taon, itinago niya ang kanyang sarili sa iba't ibang pagkatao, iniisip niya na siguro merong isang magpapainis sa kanya.

Hindi niya ito-torture ang kanyang sarili na maging ganito ang itsura kung alam niya lang sana.

Pagkatapos niyang isipin 'yon, biglang dumating si Ye Wan Wan.

Ang totoo, nananaginip pala siya sa bisig ni Si Ye Han?

Noong minsang dumating siya, nagulat siya sa naramdaman niyang bigat sa kanyang leeg. Yapos siya ni Si Ye Han na parang isang unan at nakadantay ang ulo sa kanyang leeg. Mainit ang kanyang hininga na tumatama sa kanyang leeg ng mahaba at pirming ritmo.

Nakatulog siya...

Paano nangyari ito!?

Hindi magawang subukan ni Ye Wan Wan na gumalaw ng may tunog hanggang sa lumipas ang kalahating oras nang si Si Ye Han as wala pa ring kahit anong paggalaw. Binulong niya, "Si Ye Han… ?"

Walang reaksyon ang lalaki.

Tunay ngang tulog siya!

Sa hindi kalayuan, ang nag-aalalang si Xu Yi ay nakatayo sa may gate. Nasaksihan niya kung anong nangyari at nagulat din. Nanlaki ang kanyang mga mata na parang may nakitang hindi kapani-paniwala.

Namangha rin si Ye Wan Wan.

Naalala ni Ye Wan Wan na mayroong seryosong case ng insomia si Si Ye Han. Ang kanyang katawan ay mas resistant sa drugs 'di tulad ng mga ordinaryong tao, kaya hindi epektibo ang mga gamot sa kanya. Tuwing gusto na niyang matulog, kailangan niya ng isang propesyunal na psychologist para mag-perform ng hipnotismo.

Ang pinakamalala, bukod sa pagiging abnormal, nagkaroon din siya ng malakas na psychological barrier. Kaya sobrang hirap para sa kanya na ma-hypnotize. Noong siya ay nasa bad mood, ang hypnotism ay walang kwenta.

Ang Si Family ay nag-hire ng hindi mabilang bilang na numero ng mga kilalang doktor para kay Si Ye Han, ngunit walang naging gamot.

avataravatar
Next chapter