120 Pangunguha ng may mga talento

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Bakit mo ako tinitignan?" napakurap si Ye Wan Wan.

Nalito si Jiang Yan Ran at napaubo, "Nagbago ka kasi ng sobra…"

Natawa si Ye Wan Wan, "Nagbago? Kilala mo ba ako nung una palang?"

Inisip ni Jiang Yan Ran; hindi siya malapit sa babaeng ito noong naging roommates sila at hindi sila magkasundo kahit na umalis na siya sa kanilang dormroom. Na-realize niya na di pala niya talaga killala Ye Wan Wan.

"Sorry, sa nangyari noon… Mali ako ng naisip sayo…" nahihiyang sinabi ni Jiang Yan Ran, "Bakit mo ako tinutulungan kahit di ako naging mabait sayo?"

"Sabi ko naman sayo, Team tayo! Kailangan ko rin ng tulong mo paminsan-minsan."

Naging diretyo at totoo si Ye Wan Wan, natuwa si Jiang Yan Ran sa ugaling pinakita niya at sinabi, "Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan mo at tutulungan kita basta nasa limitasyon ko lang."

"Wala pa sa ngayon pero sa nalalapit na mga panahon… Meron kang isang gagawin…" Tinitigan ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran, parang soro na nakatingin sa karne.

Hindi naging komportable si Jiang Yan Ran sa titig ni Ye Wan Wan, "Sa darating na panahon? Ano naman iyon?"

Kumislap ang mata ni Ye Wan Wan habang nakatingin sa kanya, "Kapag pumasok ka sa entertainment field, Kunin mo naman ako bilang manager."

Kung gusto niyang maalis si Ye Yi Yi sa kanyang buhay, di niya kakayaning pumasok sa entertainment field ng siya lang. Matapos ang lahat, andiyan si Si Ye Han, ang selosong lover.

Sa lahat ng backend jobs, ang pagiging manager ang bagay sa kaniya.

Ang pinagkaiba ng actress sa manager, ang pagiging manager niya ay nakatulong palawakin ang network ng mga makapangyarihang tao at nakatulong sila noong gumawa siya ng sarili niyang film.

Mas importante ngayon ang pagpasok niya ng propesyong media PR ng Imperial City para palakasin ang kanyang professional knowledge. Kahit hindi pa siya agresibong naghahanap ng talento, kapag nai-manage niya ang may mga potensyal na artists isa itong karangalan.

At si Jiang Yan Ran ay isang malakas na ready-made warrior.

Pagkarinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan at nagulat siya. "Dahil sa mga magulang ko, Iniisip ko talagang pumasok sa entertainment industry sa hinaharap. Pero sa itsura kong ito, mas mababagay ako sa mga back-end jobs diba? Pero kapag wala kang makeup, Mukha ka pala… ay napakaganda. Bakit hindi ka na lang mag artista kaysa maging manager?"

Sinuri ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran mula ulo hanggang paa at sinabi habang pumipitik ang kanyang dila, "My dear, masyado mong minamaliit ang sarili mo! Maniwala ka sa akin, sa itsura mong yan kaya mong talunin ang ganda ni Shen Meng Qi! Di mo lang dala minsan ang itsura mo kaya wag kang mag-alala--Tutulungan kita mag makeover sa sususnod!"

Para lang magustuhan siya ni Song Zi Hang, hindi niya binago ang maitim at mahabang buhok niya at nagsusuot pa siya ng mahabang palda.

Sa pananamit ni Jiang Yang Ran na ganto, naisip niya nagiging kamuka niya si Shen Meng Qi at maging goddess sa puso ng mga lalaki.Gayunpaman, hindi ito bagay kay Jian Yang Ran-- hindi lang ito pangit, mas lalo siya nagmumukang madre.

Sa una niyang buhay, pagkatapak niya sa entertainment industry, makabagbag-damdamin ang kanyang nakukuhang roles, umaarte siya bilang isang tao na pinapahirapan sa storya o di kaya pangit na itsurang roles.

Malinaw niyang natandaan sa una niyang buhay na habang prize presentation ceremonies na, umakyat si Jiang Yan Ran sa entablado na may sexy red gown para tanggapin ang parangal sa best lead actress award ng gabing iyon. Sa isang iglap, tinalo niya ang iba na mga babaeng aktor.

Gayundin, isang beses lang nagdamit ng ganun si Jiang Yan Ran, matapos iyon, di na siya nakitang mag-ayos ng tulad noon ayon sa entertainment news. Siguro dahil sa panlilinlang sa kaniya ni Shen Meng Qi.

Q"Uh…" Natandaan ni Jiang Yan Ran ang karaniwang parang aswang na makeup at aesthetic taste ni Ye Wan Wan, hindi siya kumbinsido sa mga salita ni Ye Wan Wan.

Alam ni Ye Wan Wan na di siya paniniwalaan nito at okay lang naman sa kanya. Kumuha si Ye Wan Wan ng damit sa kanyang aparador at binigay sa Jiang Yan Ran, "Magpalit ka sa pajamas na to at mahiga ka sa kama. Parating na ang mga magulang mo."

Tumango siya at sinabi, "Salamat."

avataravatar
Next chapter