384 Pang-aakit

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang marinig siya ni Si Ye Han, inunnat niya ang malaki niyang palad at nilagay sa noo ni Ye Wan wan. Matapos ang sandali, naging kalmado ang kaniyang mukha. "Normal ang temperatura - wala kang lagnat."

Nalungkot ang itsura ni Ye Wan wan.

ANO!

Nagbabad ako sa nagyeyelong tubig para sa wala lang! Napagtanto ko na talaga kanina nang nagising ako, wala talaga akong lagnat at ramdam ko na lalo pa akong naging masigla at nakatalon at nakatakbo sa paligid!

Wala siyang pagpipilian at maaring ipakita na lang ang kaniyang galing sa pag arte...

Agad na tumutol si Ye Wan Wan, "kalokohan, bakit pala balisa ang pakiramdam ko? Wala sa tama ang kamay mo! Sinungaling! Gusto mo lang umalis! Gusto mo lang akong iwan dito mag-isa!"

Para maka sigurado, tinignan niya ito, hinawakan ang kaniyang pulso at inilagay ang daliri sa ibabaw.

Tumingin si Ye Wan Wan sa ginawa ni Si Ye Han at natuliro, talagang nakakagulat--tang*na, kailan pa siya natutong tumingin ng pulso ng iba?

Matulin na tinanggal ni Ye Wan Wan ang kaniyang kamay, ngunit halos na tignan na ni Si Ye Han ang pulso ni Ye Wan Wan at nalaman na ayos lang siya. Sinabi niya ng bahagyang may pagkainis, "walang ng panggugulo. Nasa backyard si Great White, maglaro kayo."

Oooh, Great White!!!

Bumalik na si Great White?

At nasa backyard siya?

Pinipilit na tanggihan ni Ye Wan Wan itong malaking temptasyon na ito at nangangalit ang kaniyang ipin saka kumapit sa bewang ni Si Ye Han, ayaw bitawan. "Ayaw ko! Ayaw ko! Ayoko si Great White! Gusto ko ikaw! Gusto ko ikaw ang sumama sa akin!"

Nagulat ng kaonti si Si Ye Han at nanlambot ang kaniyang puso ng hindi maipaliwanag. "Nagkaroon kaba ng masamang panaginip?"

Nakabaon ang maliit na ulo ni Ye Wan Wan sa dibdib ni Si Ye Han nang paulit-ulit siyang tumango. "En, nagkaroon ang ng masamang panaginip. Nagkaroon ako ng sobra, sobrang nakakatakot na panaginip: napaniginipan ko na nasa panganib ka habang nasa iyong byahe papunta sa country B, kaya hindi ka pwedeng umalis?

Hinaplos ni Si Ye Han ang buhok ni Ye Wan Wan. "Laging magkaiba ang ibig sabihin sa panaginip."

Balisang napabulalas si Ye Wan Wan, "ngunit sobrang totoo yun! Naalala ko bawat imahe at bawat detalye ng maigi! Naalala ko na lahat kayo ay pinagtangkaan dati, naalala ko na sobrang nasugatan ka at halos bawian ng buhay!"

Sa mga sandaling iyon, hindi na kayang magtiis pa ni Liu Ying, kaya humarap siya kay Ye Wan Wan at sinabing, "Miss Ye, ikinalulungkot ko na masyado ka lang nagiisip. Panaginip lang iyon - paano mo nagagawang seryosohin iyon? Nasa aming proteksyon ang master, kaya hinding hindi mangyayari iyon. Pakiusap wag kana mag-alala!"

Pinandilatan ni Ye Wan Wan si Liu Ying. "Alam ko na malakas kayong lahat, ngunit masisiguro niyo ba na walang mas lalakas sa inyong lahat? Paano ninyo masisigurado na walang magiging biglaang atake?"

Nahahalata ni Liu Ying na sinusubukan niyang baligtarin ang mga salita at pinipilit mangatwiran sa kanya. Labis ng galit ang kaniyang mata, Humarap siya kay Si Ye Han at magalang na pinaalala sa kanya, "master, wala na tayong oras."

Nataranta si Ye Wan Wan, kaya tinitigan niya si Si Ye Han at sinabing, "kapag tinangka mong umalis, pupunta ko agad sa bodega ng mga alak at iinumin ko lahat ng alak! Lalandiin ko ang lahat ng lalaki at babae sa Imperial City sa isang pagkakataon! Kapag balik mo, meron ka ng isang damuhan ng Siberia sa iyong bahay!"

Si Ye Han: "..."

Tumingkayad si Ye Wan Wan at hinalikan niya si Si Ye Han sa baba saka hinila patungo sa bahay. "Wag kang umalis, wag kang umalis~dito ka lang sakin~"

Matapos mag salita, lumapit siya sa tainga ni Si Ye Han at bumulong na si Si Ye Han lang ang makakarinig: "wag kana umalis~bumalik na tayo sa loob ng bahay~gagawa tayo ng masayang bagay~"

Agad na nalungkot ang malalim na mata ni Si Ye Han. Hinawakan niya ang kanyang kilay at tumitig sa babaeng naglalaro ng balahibo at nakikipaglaro sa kamatayan.

"Mahuhuli tayo ng kalahating oras sa pag-alis." sa wakas, naawa si Si Ye Han.

Sa sinabing iyon, binuhat niya ang nakayapak na si Ye Wan Wan at naglakad papunta sa bahay.

Umangal si Ye Wan Wan, hindi nasiyahan. "Ha? Kalahating oras lang? Hindi ba masyadong maikli iyon?"

Si Ye Han: "tumahimik ka!"

avataravatar
Next chapter