551 Pamantayan ng grandmaster

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Tinatakot mo lang siya?" tanong ni Han Xian Yu.

Umangat ang mga kilay ni Ye Wan Wan, "Ano ba sa tingin mo?"

Kahit na wala nang sinabi pa si Han Xian Yu, inisip niya na lang na tinatakot ni Ye Wan Wan Si Qi Mei Lin.

Matapos ang palabas ng kanta at sayaw sa gitna ng seremonya, oras na din sa wakas para sa Best Actress award.

Ilang mga kandidatong pelikula ang nakita sa malaking screen.

Fang Min, "A Letter from Paris."

Qi Mei Lin, "My Mother."

Shen Rou, "Deep in the Palace."

Qiao Ke Xin, "Legend of the Quiet Girl."

...

Nag-uusap ang babae at lalaking host.

Lalaki: "Ay diyos ko po! Nakakasabik talaga 'to! Sino kaya ang magiging best actress ngayon?"

Babae: "'Wag ka nang magsabi pa ng kung ano-ano at sabihin mo na! Hindi na kami makapag-antay!"

Lalaki: "Bakit hindi mo hulaan?"

Babae: "Mahirap hulaan 'yan eh. Hindi ko kayang hulaan - bigyan mo naman ako ng hint?"

Nagpatuloy ang dalawang host at hindi binunyag kung sino ang nanalo, kaya naman binanat ng mga tao ang mga leeg nila sa pananabik at kabadong nag-antay, pero malinaw na ito ang epektong gusto ng mga organizer.

Nahati sa apat na seksyon ang malaking screen sa entablado at kita ng lahat ang reaksyon ng apat na kandidato.

Habang patapos na sila ayusin ang entablado, naawa na din ang lalaking host: "Sige, tutal humiling naman ang ganda dito, bibigyan kita ng hint - ang pangalan ng nanalo ay may… tatlong pantig!"

Agad namang sumigaw ang babaeng host, "Wow, malaking hint 'yon ! - ibig sabihin ba n'on ang panalo ay si Qi Mei Lin o si Qiao Ke Xin, huh?"

Sunod ng mga sinabi ng host, may hiyawan sa madla at lahat ay lumingon kila Qiao Ke Xin at Qi Mei Lin.

Hindi lang malaki 'yung hint - parang direktang sinasabi na yung panalo, 'di ba?

Nagdilim ang itsura ni Qiao Ke Xin. Kahit na sino pa ang panalo, ayaw niya lang na si Qi Mei Lin, ang kalaban niya, na manalo.

Pero kumpirmado na ang kalalabasan, alam niya na agad na pagtatawanan siya ni Qi Mei Lin kapag naanunsyo na ang nanalo.

Para kay Qi Mei Li, Ye Yiyi, Gu Yue Ze at ibang mga artista mula sa Emperor Sky Entertainment na nakaupo sa harap, ay may malalaking mga ngiti sa kanilang mga mukha at halos hindi na maitago ni Qi Mei Lin ang kasiyahan sa loob niya.

Nag-umpisa na ding batiin siya ng artista na katabi niya.

Ngumiti si Lin Jia Yin at sabing, "Lin-jie, congratulations!"

Sadyang sumulyap si Qi Mei Lin sa likod niya at sinabi, "'Wag mo muna akong batiin - hindi pa naman lumalabas ang resulta. Malay mo yung best actress si Qiao Ke Xin, huh!"

Dahil sa nasa kanila ang mga kamera ngayon, hindi na nag-abala pang makipag-away si Qiao Ke Xin sa at pinigilan na lang ang galit sa kanyang puso.

Mula nang nag-debu siya, hindi nila pinahalagahan ang pagsisikap at trabaho na ginawa niya. Alam lang ng mga tao kung paano siya insultuhin at nag-umpisa na din siyang mapa-isip kung sulit nga ba ang lahat ng pagsisikap niya.

Para bang nahihiya si Han Xian Yu at mapait na ngumiti. "Hindi ko inakalang makukuha ng Emperor Sky Entertainment ang dalawang award…"

Nainis si Ye Wan Wan, "Hoy, wala ba kayong tiwala sa kakayahan ng grandmaster (ko)?"

Alam ni Qiao Ke Xin na inaaliw lang siya ni Ye Wan Wan pero hindi pa din nawawala ang nararamdaman niyang pagkabigo ngayon.

Siguro dapat hindi na lang siya nagkaroon ng katawa-tawang pangarap na maging matagumpay na aktres at gumawa ng career sa umpisa pa lang, siguro dapat nagpatuloy na lang siyang maging saro ng bulaklak at magsumikap na magkaroon ng pera...

"Sige, sige, tama na ang pananabik. Kapag nagpatuloy pa kami, baka mag-umpisa na kayong batuhin kami ng itlog. Ngayon, salubungin natin ang nakaraang Best Actress, si Qiu Yue, ang napakagandang si Qui, para ibunyag ang pangalan ng nanalo."

Sa totoo lang, katumbas lang ng pag-anunsyo ng resulta ang sinabing hint ng host, kaya naman hindi na kabado ang lahat.

Nakatayo si Qin Yue sa harap ng mikropono at binuksan ang sobre na hawak niya. Sa susunod na segundo, may bakas na pagkagulat ang kumislap sa mata niya. Napatigil siya saglit bago magpatuloy, "Ang 46th Golden Orchids, Best Actress award goes to…"

Kasunod ng anunsyo ni Qiu Yue, tumugon si Qi Mei Len sa mga pagbati sa kanya habang hinawi niya ang buhok sa kanyang noo at dahan-dahang tumayo.

——"Best Actress Award goes to... 'Legend of the Quiet Girl,' Qiao Ke Xin!!!"

avataravatar
Next chapter