175 Pakiusap, pakainin mo ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matalas ang pandinig ng mga taong nag-eensayo sa martial arts at kasama na si Liu Ying doon. Kahit na nakikipag-spar siya kay Qin Rou Xu, dinig na dinig niya ang mga sinabi ni Ye Wan Wan.

Bigla na lang naging magulo ang mga galaw ni Liu Ying, at lumabas na ang kanyang galit na kanina niya pa pinipigilan, "Ang kapal naman ng mukha niya?! Gusto niya talagang gawin ni master ang ganong klaseng bagay?!"

Dali-dali naman siyang pinigilan ni Qin Ruo Xi, "Liu Ying, 'wag kang magpadalus-dalos!"

Galit na sabi ni Liu Ying, "Ms. Ruo Xi, pati ikaw pipigilan ako?! Punong-puno na ako! Bakit hindi ka man lang nagagalit?"

Malayo ang tingin ni Qin Ruo Xi at kalmadong sumagot, "Sa estado pa ni Si Ye Han, Normal na lang sa kanya magkaroon ng mga babae sa paligid niya."

"Pe… Pero iba 'tong babaeng 'to!" balisa na sagot naman ni Liu Ying.

Naging malamig ang itsura ni Qin Ruo Xi sa narinig, pero agad namang bumalik ang pagiging kalamado nito, "Paano siya naging iba? Liu Ying, tandaan mo, hindi siya kakaiba; wala ka dapat ikasama ng loob."

Gusto pa sanang sumagot ni Liu Ying pero nanahimik na lang sa huli, kahit na hindi payapa ang kanyang puso

Paano siya naging normal?!

Talagang binalatan ni master si Ye Wan Wan ng mga buto ng melon; binalatan niya ang 78 na buto ng melon!!!

Bakit ginagamit ang maiinam na kamay niya para lang magbalat ng buto ng melon?!

Ang mahalaga pa, wala ibang babae ang nasa tabi ni master kung hindi itong babae na walang kwenta, amoral at tagadala ng gulo ang nanatili sa tabi ni master sa loob ng dalawang taon.

Sa una, walang paki ang master sa babaeng ito at umakto na para bang nakahanap siya ng kalaro.

Sinong mag-aakala na dadalhin ng master si Ye Wan Wan para makilala ang old madam?

Tanging ang future headmistress lang ng bahay ang angkop na taong dadalhin ng master para makilala ang old madam

Bakit dadalhin ni master ang gantong klaseng babae para makilala ang old madam?

Konti na lang ay sasabog na Liu Ying pero sa kabilang banda, Pinanood ni Ye Wan Wa si Si Ye Han habang isa-isa nitong pinagbabalatan ng buto ng melon.

Matulin na binuksan ng mga payat na daliri ni Si Ye Han ang mga buto at nahulog ang mga laman sa maganda at maliit na puting porselanang mangkok; habang balat siya ng balat, mas lalo siyang nagmukhang… kahali-halina.

Wala namang magagawa; minsan madaya na ang langit--na may mga taong nakakamanghang tignan sa pagbabalat lang ng buto ng melon.

Kahit na wala nang magawa si Ye Wan Wan kundi gamitin si Si Ye Han para mabuhay, naramdaman niya na nasisiyahan siya sa sarili.

Sa naisip, mukhang balanse na ang lahat.

Napatigil si Si Ye Han sa ginagawa nang naramdaman niya ang titig ni Ye Wan Wan. Tumingala siya at nakita ang mga mapasong tingin ng babae.

Kumikislap ang mga mata nito na tila bang nagsasabing "Pakiusap, pakainin mo 'ko!"

Noon, ang makikita mo lang sa itsura ni Ye Wan Wan ay nakakatakot, mapoot at kawalang bahala nito, kasama na ang matagal niyang pag-iwas kay Si Ye Han...

Pero ang itsura niya ngayon makabagbag-puso at nag-uudyok ito kay Si Ye Han.

Tinititigan ni Ye Wan Wan ang mga kamay na nagbabalat ng mga buto ng melon, pero maya maya napansin niya na tumigil ang mga ito, tumingala siya, at hindi nasiyahan.

Bakit siya tumigil? Kulang pa ang mga 'to.

Nang hindi na inantay si Ye Wan Wan na magsalita, isang anino ang dumaan sa kanyang ulo at ang mga payat na labi ni Ye Wan Wan ay dahan-dahang lumapat sa kanya.

Napamulat ng husto si Ye Wan Wan. Kurap siya ng kurap, at hindi sigurado sa nangyari.

Sa sandaling iyon, ng magkalapit pa din ang labi ng dalawa, sinabi ni Si Ye Han sa kanyang mababang boses, "Sinong may sabi… na tignan mo ako ng ganyan…"

Anong ginawa ko...

May mali ba sa itsura ko...

Gusto ko lang naman ng buto ng melon, 'yun lang!

avataravatar
Next chapter