727 Pakiusap isuot mo ang iyong damit!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Patuloy ang pagtango ni Shen Manzhu. "Alam ko, alam ko. Ang lahat sa industriya ay alam na hindi kapa na sasangkot sa artistang nasa pangangalaga mo. Ye-ge, huwag mo akong masamain - hindi iyon ang ibig kong sabihin. Hindi ko kailangang bigyan mo ako ng kahit anong mapagkukunan o kahit ano pa, at ayokong baliin ang kahit anong unspoken rules para sa akin. Napaka inosente ko, at napaka totoo…"

Kahit na hindi sabihin ni Shen Manzhu, naiinitindihan ni Ye Wan Wan ang sinabi ni Shen Manzhu.

Hindi niya gustong makipaglaro sa unspoken rule at gusto lamang makipag-talik sa kanya…

Talagang napaka totoo…

Matapos niyang magsalita, huminga ng malalim si Shen Manzhu at dahan-dahang tumayo. Saka niya nilagay ang kanyang kamay sa laso ng kanyang coat. "Direktor Ye…"

Nang makita ito ni Ye Wan Wan, kumunot ang kanyang kilay at biglang nagkaroon ng masamang… pakiramdam…

Ang lahat ng kanyang nakita sa sunod na mga sandali ay ng hilahin ni Shen Manzhu ang laso at binuksan ang kanyang coat.

Hindi naka suot ng kahit ano sa loob si Shen Manzhu, napaka sexy lang… nakakapukaw na damit-panloob…

Ye Wanwan: "…"

Ito ay parang nagkaroon ng isang tsunami sa utak ni Ye wan Wan ng biglaan.

Bwisit! Hindi ka naman masyadong nagmamadali, huh?

Sobrang mahinhin sa umaga pero sa gabi, siya ay biglang nagbabago. Bakit siya si masyadong agresibo at hindi mapigil ng biglaan?

Ano talagang nangyari?

Sa kabila ng pagiging kalmado at pigil si Ye Wan Wan, siya ay talagang nagulat at biglang umubo ng malakas.

Habang ang utak ni Ye Wan Wan ay umuugong sa gaulat, mayroong tumunog sa may pintuan-

Sa harapan ng pintuan, mayroong tumunog ng pinto na bumukas saka dumating isang pares na pamilyar na yapak.

Sh*t! Patay ako!!!

Mayroon lamang isang tao na darating sa ganitong oras na mayroong susi ng pintuan ng kanyang apartment…

Nang magbalik sa katinuan si Ye Wan Wan, huli na ang lahat.

Nakapasok na si Si Ye Han at nakita ang sitwasyon sa may sala.

Ye Wanwan: "…"

Ngunit sa sandaling makita ni Si Ye Han ang eksena, kaagad na nanliit ang kanyang mga mata at nagiba ang iba ang kanyang itsura…

At pinulot ni Ye Wan Wan ang kumot sa tabi niya at tinapon ito kay Shen Manzhu ng napaka bilis sa kanyang buhay. Matapos 'yon, matulin siyang pumunta kay Si Ye Han na parang isang pana at tinakpan ang mata nito gamit ang kanyang kamay. "TAKPAN MO ANG MATA MO!!!"

"Ah-" sa sandaling ito, napagtanto ni Shen Manzhu na may pumasok sa may bahay at napasigaw sa takot.

Ang sala ay talagang magulo…

Tang*na, anong nangyayari dito?!

Kabado si Ye Wan Wan. tumitig siya kay Si Ye Han at hindi pinayagan na buksan ang mata nito habang kinakausap si Shen Manzhu. "Manzhu, isuot mo ng maayos ang iyong damit at umalis kana ngayon din. Kaibigan ko ito at hindi siya magsasalita tungkol dito."

Nahihiya si Shen Manzhu at napahiya din pero naalala pa din niya ang payo ni Gong Xu. "direktor Ye… gustong-gusto kita…"

Hey, pakiusap tumigil ka, nakikiusap ako sayo…

Sa kabutihang palad, si Shen Manzhu ay nag-aalala dahil sa mayroong ibang tao sa may kwarto at hindi nagsalita. Nagdamit siya at matulin na umalis.

Naka-alis na sa wakas si Shen Manzhu…

Halos himatayin si Ye Wan Wan. mayroong patong patong na malamig na pawis sa kanyang likod.

Matapos ang ilang sandali, inangat ni Ye Wan Wan ang kanyang tingin at nakita si Si Ye Han na nakatayo malapit sa pintuan na mahigpit na nakasara ang kanyang mata.

Nang maisip ni Ye Wan Wan ang tungkol sa kung anong nakita ni Si Ye Han ngayon lang, hindi na siya natatakot sa kanya ngunit sa halip ay galit na galit.

Kaya naman, siya ay padabog na nagtungo kay Si Ye Han. "SI YE HAN! Paanong basta basta ka nalang pumapasok ng hindi kumakatok?! Kahit na mayroon kang susi, kailangan mo pa ding kumatok muna! Nakita mo, hindi ba? Nakita mo dapat 'yon! Hanggang saan ang nakita mo? Ugh, sobrang galit ako…"

avataravatar
Next chapter