53 Pakasalan ang babaeng mabuti ang kalooban

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sabado ng hapon.

Sa isang tagong eskinita sa north gate ng Qing He High School, isang magara at kahanga-hangang sasakyan na Bentley ang nakaparada sa eskwelahan at litaw-litaw ang hitsura nito nang nakapwesto sa tabi ng mga luma at may mga lamat na sementadong daan.

Ang kulay itim na labas na anyo ng sasakyan ay simple lang pero kapag tiningnan na ang loob, magara pa sa perpekto ang hitsura na may kasama pang mga tunay na pabalat na mga upuan, mamahalin at mataas na kalidad na mga kumot na yari sa pelus at awtomatikong aircon system na nagbubuga ng mahalimuyak na amoy na animo'y nasa ilalim ka ng hipnotismo. Nakaayos ang buong sasakyan.

Mula sa sasakyan, nakasuot ang isang lalaki ng itim na suit, nakaupo sa mala-nyebeng kulay ng pelus na upuan. May gwapong mukha at naroon pa rin ang karaniwang walang pakialam na reaksyon niya. Halata sa mga mata niya ang nangingilid na itim sa kanyang mga mata dahil sa sunud-sunod na gabing hindi makatulog, na nagpamukha sa kanya na nakakatakot.

Sa sandaling iyon, nakasilip ang binata sa binatana, may iniisp na kung ano.

Sa driver's seat naman, naroon si Xu Yi na may dalawa ring naglalakihan at maiitim na bilog sa ilalim ng mga mata at mapanglaw na mukha. Makikita sa kanya na hindi rin siya nakakatulog ng maayos sa gabi.

Hindi man sumagi sa isip niya na gugustuhin talaga ng kanyang master ang dalhin si Ye Wan Wan sa bahay para ipakilala sa kanyang lola. Mula nang malaman niya ito, hindi na siya mapakali pa.

Hindi ba natatakot si master na baka matakot ng hitsura ng babaeng iyon si Madam?

Maliban pa sa gulong dala ng babaeng iyon.

Sino bang matanda ang sinasabi mo? Siya lang naman ang pinakamalaking suporta ni master na naniniwala sa kanya na siyang magmamana ng kanilang negosyo. Anuman ang hindi magandang mangyari sa bahay, siguradong hindi maganda ang kalalabasan nito.

Sa umpisa, naniniwala pa siya sa pag-asa, hinihiling na baka ng nagbibiro lang ang kanyang master at pinipilit na mapasakanya ang hindi naman niya makuha-kuha. Sinong magaakalang gugustuhing ipakilala ni master ang babaeng iyon kay old madam?

Tulad nga ng kasabihan, pakasalan mo ang babaeng may magandang asal. Kapag ipinilit pa ni master ang siraulong babaeng iyon, siguradong pagbabayaran niya ang lahay ng ito balang-araw.

Sa layo ng iniisip ni Xu Yi, lalo pa siyang nakakaramdam ng takot. Hindi niya mapigilan ang sarili ng magprotesta, "Master, may ilang mga bagay na alam kong ayaw mong marinig pero naisi ko pa ring sabihin at ipaalala sa'yo kahit maging kabayaran pa nito ang buhay ko. Pagisipan mo muna ito ng mabuti bago mo ito gawin--si old madam ang pinakamalapit na kadugo mo at ang lahat ng mga salita ang pinakamahalaga sa pamilyang Si. Kapag nasaktan si old madam, siguradong labis ang hindi magandang kahihinatnan nito.

Kung itinatago mo lang siya sa Jin garden mas lalo na iyon, ngayon siya na ang babae na gusto mong makilala ni old madam, ibigsabihin na isa na siya sa mga kandidata para maging parte ng pamilyang Si sa hinaharao at sa personalidad pa lang ni Miss Ye, posibleng…"

Bago pa man magpatuloy si Xu Yi, isang seryoso at malamig na boses ang nagsalita mula sa backseat at sumabat na may malaking pagtutol, "Sinong may sabi sa'yo na may posibilidad?"

Napalumod na lamang si Xu Yi sa biglang lamig na naramdaman at saka nabalot ng katahimikan.

Nang sumunod na segunda pa'y, lalong lumamig ang naging tono ng binata at saka nagsabi lamang ng dalawang maiikling mga salita, "Tanging isa lang."

Isang kandidata lang.

Nang sandaling marinig sa binata ang mga salitang iyon, nanginig sa kaba si Xu Yi.

Sinubukan niyang buksan ang bibig para magsalita pero sa huli, napigilan na siyang ng mga nagngangalit na pandidilat ng kanyang master kaya hindi na siya nagsalita pa. Matigas na nakaupo lamang siya sa pagkadismaya habang hawak ang manubela.

Tila isang malamig na nyebe ang agad na bumalot sa loob ng kotse.

Habang naghahanda na si Xu Yi sa masamang mangyayari mamaya, narinig na niya ang mga yabag na patungo sa kanila mula sa malayo.

Inangat ni Xu Yi ang kanyang mga mata at hinanap kung saan nanggagaling ang tunog at mula roon nakita niya ang isang babae na nakasuot ng uniporme ng Qing He High School at naglalakad patungo mula sa likod na pintuan.

Walang suot na makeup ang babae habang dala-dala ng kulay asul na backpack niya. Ang kanyang mahaba at kulay itim na buhok ay maayos na nakatali. Suot-suot ang kulay asul at puting long sleeves na shirt at pantalon ng Qing He, kahit na nagmukhang luma na at gusut-gusot. Pero dahil sa magandang kumpleksyon ng babae at masigla niyang hitsura, lalong lumitaw ang maganda at nakakabata niyang hitsura.

Hindi tulad ng mga magagandang sosyal na anak-mayaman na kung nasaan na nasanay siya, nagawa ng babae na lumiwanag ang mga mata ng mga tao.

Nang makilala niya kung sino ang babae, nagulantang si Xu Yi at hindi makapaniwala sa nakita.

Siya...Siya si...Ye Wan Wan!

avataravatar
Next chapter