695 Pakakasalan talaga kita

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Natapos na si Gong Xu sa kakaikot niya, umupo siya ng maayos at tinitigan niya ng maigi si Ye Wan Wan nang hindi kumukurap. "Ye-ge! Ang galing mo! Kung babae ako, pakakasalan talaga kita! Ay, hindi, hindi, kahit na lalaki ako, gusto pa rin kitang pakasalan, huhuhu…"

Kumibo ang mga gilid ng labi ni Ye Wan Wan. "..."

Pwede bang magkaroon ng klass ang lalaking ito? Pwede naman siyang maging tulad ni Luo Chen na iniisip muna ang sasabihin.

Patuloy na binabasa ni Ye Wan Wan ang online na diskusyon at may nakita siyang ikinagulat niya, may nakita siya na hindi niya inaasahan.

Ye Wanwan: "Eh?"

"Ano yun? Ano yun, Ye-ge?" Biglang sumilip si Gong Xu sa tinitingnan ni Ye Wan Wan na parang nagtatakang bata.

Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan at ilang beses niyang tiningnan sila Gong Xu at Luo Chen. "Ito ay… isang magandang ideya…"

"Anong magandang ideya? Ye-ge, anong pinagsasabi mo?" Bumulong si Gong Xu kay Ye Wan Wan. Napansin niya na kakaiba ang tingin sa kanya ni Ye Wan Wan sa oras na iyon.

Natawa si Ye Wan Wan. "Dahil sa insidenteng ito, nakakuha kayo ni Luo Chen ng napakaraming mga… um… CP fans!"

Nagulat si Gong Xu. "Ano? CP fans? Ye-ge, baka nagkamali ka lang?"

Bakit naman ako magkakaroon ng CP fans na ang kasama ko ay isang lalaki?

Naguguluhan rin si Luo Chen.

Ye Wan Wan: "Basahin mo na lang."

Tiningnan nila ang tinitingnan ni Ye Wan Wan sa kanyang phone. Bigla nilang nakita ang mga komento na nagpabagabag sa kanilang damdamin...

[Ah ah ah! diyos ko! Napanood ko na naman ang video nila! Ang gwapo talaga ni Gong na malupit!]

[LALAKING LALAKI! Fan niya na ako ngayon! Nanginginig ang tuhod ko habang tinitingnan ko ang napakayabang na lalaking ito!]

Wala namang masahol sa mga komentong nababasa nila kaya natutuwa si Gong Xu habang binabasa niya ito, pero nang mabasa nila ang nasa hulihan, parang may mali sa mga komentong ito…

[Akala ko nung una ay magkaaway sila Luo Chen at Gong Xu! Love-hate pala ang relasyon nila! Parang sinasangga niya ang kanyang asawa sa video na ito, tama ba?]

[Mahal na mahal ni Gong Xu si Luo Chen!]

[Masaya na ako kapag nakain ko ito!]

Unti-unting dumilim ang mukha ni Gong Xu. "Ano daw? Anong kalokohan ito? Anonv ibig sabihin ng pinagsasabi nila? Sinasangga ang asawa? Sinong kakainin niya?"

Ang mukha ni Luo Chen ay mas madalim pa kay Gong Xu. Naintindihan niya ang sinasabi ng mga netizens kahit hindi siya masyadong nag-o-online.

"Nyeta, bulag ba ang mga taong ito? Bakla ako sa paningin nila! At akala nila ay syota ko ang dork na ito!" Sumabog si Gong Xu sa sobrang galit kaya bigla siyang umangal, "Mukha ba akong isang tao na walang moralidad? Si Ye-ge lang ang jojowain ko kung bakla man ako, okay?"

Bakit hindi ka na lang manahimik...

Walang emosyon ang mukha ni Ye Wan Wan at tiningnan niya si Gong Xu. "Pasensya na pero, kung magkakagusto man ako sa lalaki, hindi ikaw ang tipo ko."

Nagulat si Gong Xu at mukha tuloy siyang sinapak sa tiyan. "Grabe! Bakit! Bakit hindi mo ako magugustuhan?! Ang gwapo gwapo ko eh - parehas na babae at lalaki ang napapatingin sa akin dahil sa kagwapuhan kong ito!"

"Ye-ge, kamusta na ang braso mo? Gusto mo bang pumunta tayo sa ospital para ipa-check up natin yan?" Sa oras na iyon, nag-aalala si Luo Chen habang tinititigan ang braso ni Ye Wan Wan.

Biglang naging seryoso na rin si Gong Xu nang makita niya ang braso ni Ye Wan Wan. "Ye-ge, unahin nating ipa-check up ang braso mo sa ospital! Yung mokong na yin - hindi siya palalampasin ni young master!"

"Oo na, huwag kang maabala. Isang maliit na sugat lang ito." Pinakalma siya ni Ye Wan Wan. 

Sa oras na ito, papalapit na ang kotse sa apartment pagkatapos magsalita ni Ye Wan Wan, nasulyapan niya ang isang matangkad at nakakakabang anino na nakatayo sa kadiliman noong mahangin na gabi….

Kinabahan si Ye Wan Wan nang makita niya ang taong iyon at hindi niya naiwasan na tingnan ang kanyang sugatan na braso. Naramdaman niya ang lamig na umakyat sa kanyang katawan...

Patay ako…

avataravatar
Next chapter