webnovel

Pagsisisihan mo pag hindi ka tumigil sa pangaasar!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Maya-maya, inihanda na ang kanilang umagahan. Umupo silang apat at nagsimula nang kumain.

Tinignan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han na nakaupo sa tabi niya at lumingon na kina Lin Que at Xie Zhe Zhi na nakaupo sa kabilang dulo.

Pakiramdam niya'y parang panaginip lang ang lahat, ang makasabay na kumain sa hapagkainan ang tatlong mga kilalang taong ito.

Sa kabila nito, silang tatlo ay kikilalaning mga maiimpluwensiyang tao sa hinaharap.

Sa madaling salita, Si Ye Han ang susunod na mamamahala sa pamilyang Si.

Samantalang si Lin Que naman, mukha man siyang mahina pero ang totoo, ipinanganak siya mula sa kilalang at makapangyarihang pamilya. Ang lolo niya na si Lin Zheng Rong ay ang kilalang si General Lin. Ang Lin Que naman na kilala sa nakaraang pitong taon ay kilala sa pagiging makapangyarihan at malupit na pulitiko.

Kahit na ang pamilyang Ye ay nasa entertainment business, ang atensyon ni Ye Wan Wan ay nakatuon lamang sa artistang si Xie Zhe Zhi.

Ramdam niyang tumitingin sa kanya si Ye Wan Wan. Iniangat ni si Xie Zhe Zhi ang kanyang tingin, nakita niya ang nakakaakit na mga mata ni Ye Wa Wan at nagtanong, "Little Ye, gusto mo ba ng autograph?"

Damn! Nahuli niya ako sa unang tingin pa lang!

Para siyang lalaking soro--sabagay hindi naman nakakapagtaka na nakuha niya agad ang kiliti ng lahat ng mga babae sa bansang Z.

Autograph?! Oo naman, gusto ko!

Si Xie Zhe Zhi ang susunod na makakakuha ng Oscar award-winning actor! Siya ang magiging kauna-unahang male actor na may Oscar award! Magiging sulit ang autograph na 'to lalo na kapag ibinenta ko 'to!

Hanggang ngayon, nakakatanggap pa rin si Xie Zhe Zhi ng hindi mabilang na malalaking award at naging pinakakilalang actor pa sa buong entertainment scene--ang sikat na male actor na kinababaliwan ng bawat babae sa bansang Z.

Bukod sa autograph niya, maging kahit saang telephone booth na may litrato ay nagiging kilala at dinadayo ng marami niyang fangirls, makakuha lang ng mga litrato niya.

Pero dahil sa makasarili at mapagmalisyang si1 Si Ye Han, napailing na lamang si Ye Wan Wan.

Anong lakas ng loob ko para humingi ng autograph niya? Malabong makakuha ako maliban na lang kung pagod na akong mabuhay!

Halatang makikita kay Ye Wan Wan na gustung-gusto niyang makakuha ng autograph pero hindi niya magawa dahil nakatingin sa kanya si Si Ye Han. Kaya natawa na lang si Xie Zhe Zhi, "Ang cute talaga ni Little Ye."

Nanahimik na lamang si Ye Wan Wan: "..."

Tama na, Movie god Xie! Huwag mo na akong tuksuhin o baka mafall ako lalo sa'yo! Hindi mo ba napapansin 'yung kanina pang umuusok na galit ng kaibigan mo?

Tumitig si Lin Que kay Xie Zhe Zhi at sumenyas ng pagiling, "Xie the third, nasaan ang standards mo? Tinutukso pa pati katulad ni Ye Wan Wan…"

Marahang hinawi ni Xie Zhe Zhi ang mga rosas sa vase at malambing na nagsalita, "Lahat ng mga babae sa mundo ay tulad ng mga bulaklak, dapat na inaalagan at minamahal."

Natamaan ang puso ni Ye Wan Wan sa mga salita niya. Mabilis na dinilatan ni Ye Wan Wan si Lin Que at sinabing, "Narinig mo 'yun? Dapat mong matutunan 'yun, ikaw na aso ka!"

Nagpanting ang tenga ni Lin Que at mabilis na nagsabing, "Damn! Sinong tinatawag mong aso? Ang sabihin mo, ikaw 'yung aso!"

Lumingon si Ye Wan Wan kay Si Ye Han na nasa tabi niya, "Darling, si Lin tinawag akong aso! Anong ibigsabihin niya nun, gusto niya ba tayong maghiwalay?"

Ang marinig si Ye Wan Wan na tawagin siyang "Darling" ay parang malambing at nakakapagpakalma sa magulo niyang utak pero nang marinig niya ang huling sinabi, agad na tinitigan niya ng malalim si Lin Que.

Mabilis na tumiklop sa takot si Lin Que, "9th brother, mali ako…"

Ye Wan Wan, ang sama mo talaga!

Tinitigan ni Xie Zhe Zhi si Si Ye Han, na siyang titig na titig sa babaeng nakaupo sa harapan niya at may suot na makapal na makeup at berdeng peluka, "Hey buddy, ang ilang araw din kitang hindi nakita at ang babae mo para naging ibang tao na?"

Tumingin si Si Ye Han kay Ye Wan Wan.

Naging ibang tao?

Ang nagbago lang sa kanya ay naging mas matalino siya at iniba ang paraan niya para makatakas sa akin.

Nang makita niyang masama na ang tingin ni Si Ye Han, tumaas ang kilay ni Xie Zhe Zhi na itinuloy ang pangaasar, "Tsk, kung alam mo na palang masama ang motibo niya, eh bakit bumibigay ka pa rin? Sobrang hindi ikaw 'to!"

"Busog na ako! Papasok na ako sa school!"

Sa oras na'yun, natapos na ring kumain si Ye Wan Wan, kinuha ang kanyang school bag, at nagpaalam kay Si Ye Han.

Bago umalis, lumapit siya kay Si Ye Han. Dala-dala ang kanyang school bag, niyakap niya ang leeg ni Si Ye Han at humalik sa labi, "Huwag mong kalimutang mamiss ako!"

Matapos marinig ang sinabi niya, naiwan ang tatlong lalaki na natulala at maya'y masayang lumakad.

Makalipas ang ilang oras, humilata si Ye Han sa kinauupuan niya at tiningnan ang mga kaibigan, "Nalaman kong, mas gusto ko pala ang matatamis na melon."

Next chapter