80 Pagsira ng kaakit-akit na tanawin

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagpumilit si Ling Dong na personal niyang samahan si Ye Wan Wan pabalik sa dormitoryo at pwede mong ma-imagine ang mga nangyari sa paglalakad nila pabalik.

Ang mga manunuod ay nakikita lang ang matangkad at gwapong naka pang basketball na damit, sinusundan ang mga yapak ng babaeng katabi niya na para bang ay guardian angel, na nagkapapanalo ng puso ng mga babae.

Ngunit, ang babaeng kasama niya ay tuluyang sinira ang kaakit-akit na tanawin sa kanyang nakakatakot, sabog na buhok, makapal na smokey makeup, at makapal na mapupulang labi. Isa itong kakila-kilabot tignan para mapag masdan.

"Oh my god! Yung ugly freak, na si Ye Wan Wan, may manliligaw!"

"Not to mention na ang manliligaw niya ay isang big boss ng Qing He!"

"Akala ko tsismis lang 'to! Hindi to kapani-paniwala!"

Sa mga manunuod, tinignan ni Shen Meng Qi ang dalawa sa malayo. Kita kung paano ang big shot ng Qing He ay sobrang maasikaso kay Ye Wan Wan, at panandaliang nanigas ang mukha niya sa nakita.

Akala niya ay makikita niya si Ye Wan Wan ngayon na wasak na wasak, pero sinong mag-aakala na magiging maayos lang siya, gumawa pa ng malaking pagsaboy sa eskwelahan?

Sa pasukan ng dormitoryo ng mga babae

Pagkaalis ni Ling Dong, dali-daling tumakbo si Shen Meng Qi kay Ye Wan Wan at tumingin sa direksyon kung saan si Ling Dong ay naglalakad na pabalik. Nag dalawang isip siyang magtanong ng may bahid na pag-alala, "Wan Wan, anong namamagitan sa inyo ni Ling Dong?"

Sa mga sandaling iyon, mayroong dalawang babae sa likod ni Shen Meng Qi. Ang babae sa kaliwa niya ay nakasuot puting palda na galing sa Chanel at pahambog siyang nakatayo, habang tinitigan ito ng hindi pagsasang-ayon kay Ye Wan Wan. May paglait niyang sinabi, "Sa isang kamay nagkakaroon ka ng mga ideya kay Si Xia at sa kabila naman, nakikipaglandian ka kay Ling Dong. Wala ka talagang hiya!"

Sa narinig na sinabi ni Jiang Yan Ran, natutuwa naman si Shen Meng Qi. Tinago niya ang kanyang kasiyahan at magiliw na pinagsabihan si Jiang Yan Ran. "Yan Ran, 'wag mong sabihin 'yan kay Wan Wan, hindi siya ganoong klaseng tao. Baka ordinaryo lang silang magkaibigan!"

Ang maselan na maliit na mukha ni Jiang Yan Ran ay naiinis at puno ng pagpapalibhasa, "Paano sila magiging ordinaryong magkaibigan? Umamin na siya sa publiko at para bang guardian angel niya 'to; paano 'to naging normal para sa isang ordinaryong magkaibigan?

Ang tila ba'y pangkaraniwang babae na naka uniporme sa kanan ni Shen Meng Qi ay nanunuyang sinabi, "Paano ba itong si ugly freak ay nakapaglandi sa isang lalaki kung sobrang nakakatakot ang itsura niya? Paano niya ginagawa 'yon?

Ang kaguluhan sa grupo nila Shen Meng Qi ang naging dahilan para palibutan ng ilang pang mga babae para sumama sa pagpintas.

Pagkarinig sa sinabi ni Fang Qin, nagkatinginan ang mga manunuod at nagbakasakali, "Tsk, baka magaling siya sa kama…"

Balisa na pinrotektahan siya ni Shen Meng Qi, "Nagkakamali kayo dyan!"

Itinuklip ni Jiang Yan Ran ang kanyang mga braso, kita niya ang pagpoprotekta ni Shen Meng Qi kay Ye Wan Wan at ito'y nagalit, " Meng Qi, bakit ba pinapakisamahan mo ang ganyang klaseng tao? Hindi ka ba nandidiri?"

Nagsasaya si Shen Meng Qi sa loob-loob niya pero sa labas, umakto siya na tila ba'y nasa isang mabigat na posisyon ito, na naiipit sa pagitan ni Ye Wan Wan at Jiang Yan Ran, "Yan Ran, 'wag mong sabihin 'yan, medyo nakakaawa si Wan Wan. Kung paano pa naman 'yung pamilya niya, hindi ko siya kayang iwan ngayo'y nasa rock bottom siya."

Umirap si Jiang Yan Ran, "Meng Qi, masyado kang mabait, at masyadong malambot ang puso mo. Sabi nga ng karamihan, 'yang miserableng lalaking 'yan ay mayroong kapintasan dahilan ng paghihirap. Sira ang pamilya niya dahil sa kasamaan ng tatay niya, sa sira niyang pag-uugali, at sa komplikadong personal niyang buhay! Karapat-dapat ba ang taong ito ng simpatya mo? Masyado siyang tuso, uupo sa tabi ni Si Xia kahit na matapos siyang mangopya sa exam at ang pagpapatalsik niya kay Cheng Xue sa dapat niyang role sa show. Kaya niya na nga din makipaglandian sa boss ng Qing He!"

Lahat ng mga babaeng nakapalibot sa kanila ay sumang-ayon nalang at hinatulan siya.

avataravatar
Next chapter