1001 Pagsiklab ng magandang pag-arte

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ngumiti si Gong Xu at nilagay ang kanyang palad sa balikat ni Luo Chen. "Kapatid ko, kapag may swerte, dapat paghatian natin! Hindi mo kailangan magpasalamat sa akin!"

Tahimik na hinampas ni Luo Chen ang kamay na nasa balikat niya. "..."

Patutol na kinaway ni Ye Wan Wan ang kanyang kamay. "Huwag na kayong maglaro pa. Mag-ayos na kayo - magsisimula na kayo!"

Naghanda na ang dalawa at bumalik si Ye Wan Wan kung saan nakaupo si Han Xian Yu, nag-aantay na mag-umpisa na ang pagfilm.

Sa pelikula, gumaganap si Gong Xu bilang young master Xue Shao Yang, na mula sa mayaman na pamilya, habang gumaganap naman si Luo Chen bilang si Shen Yue, isang sniper mula sa isang special forces unit.

Nag-umpisa na ang pagfilm kung saan unang nakilala ni Xue Shao Yang ang kapatid na babae ni Shen Yu at patuloy ang pagdikit sa babae na parang isang stalker, na nagdulot ng masamang relasyon kay Shen Yue.

Matapos na mapansin ng pamilya ni Xue Shao Yang na hindi nakatuon sa pag-aaral at mas nagiging suwain, napagdesisyunan nila na ipadala siya para magtrain kasama ang unit ng mga sundalo sa kanilang pamilya.

Nang pumasok siya sa unit, nagtagpo muli ang landas nila Xue Shaon Yang at Shue Yue.

Kung susundan ng pelikula nila ang batang idilo na ruta, hindi na magiging masama ang box office sales nila base sa itsura ng mga artista...

Pero dahil sa ambisyon ni Ye Wan Wan, higit pa sa box office ang kanyang layunin.

Sa nakaraan niyang buhay, nagkaroon ng madaming mga cut si Tan Zhen Xin sa pelikula para sa box office, kaya ang natira sa pelikula na nailabas ay ang pagmamahalan sa pagitan nila Xue Shao Yang at sa kapatid ni Shen Yue.

Nag-iba ng ruta si Ye Wan Wan at sa halip, pinanatili ni Ye Wan Wan ang halos lahat ng orihinal na script kung saan ang pokus ay nasa dalawang bidang lalaki habang ang bidang babae naman ay naging supporting na karater.

Nakatuon ang kabuuan ng pelikula sa proseso ng pagpasok ni Xue Shao Yang sa unit at ang pagiging isang piling sundalo mula sa kanyang orihinal na mayamang babaero...

Ang eksena na ishoshoot ngayon ay kung saan na kasama ni Xue Shao Yang ang kanyang mga kaibigan at inaabala nila ang isang first year na estudyanteng babae. Hindi sinasadya,ang estudyanteng ito ay ang nakababatang kapatid ng karakter ni Luo Chen, na si Shun Yue.

Kakabalik lang ni Shun Yue sa kanila para bumisita at pumunta sa eskwelahan para kitain ang kanyang kapatid. Nakita niya ang paggulo nila Xue Shao Yang at ng kanyang mga kaibigan sa kanyang kapatid at nag-away ang dalawang partido.

Marahang tinulak ni Shun Ye ang kanyang kapatid sa kanyang likod at galit na sumulong para bugbugin ang iba.

Mahambog ang itsura ni Xue Shao Yang habang nangutya siya kay Shen Yue. "Hoy, kahit na kuya ka ni Shen Ying, hindi ka pwedeng mamagitan sa nararamdam niya! Paano kung gusto niya ako at may nararamdaman siya sa akin?! Kung sasapakin mo ako, hindi ba siya masasaktan?"

Nagiging katawa-tawa si Xue Shao Yang, na nagdulot na halos sumabog na ang mga ugat sa mukha ni Shen Yue mula sa galit.

Sa sandaling iyon, sumulyap si Xue Shao Yang kay Shen Ying at nagtanong na may pagngisi sa kanyang labi, "Ka-eskwela, sigurado ka bang… hindi mo ako gusto?"

Isang hangin ang nagdaan at ang ngisi ng lalaki sa ilalim ng puno ng cherry blossom ay talagang masintahin at parang nasa panaginip lang ito...

Anong klaseng babae ang tatanggi sa ganyang tukso? Hindi taliwas roon si Shen Ying.

Namumula ang dalawang pisngi ng dalaga at napayuko habang siya'y hinihila papalayo ng kanyang kuya.

Matapos ang saglit na paglalakad, hindi mapigilan ni Shen Ying na sumulyap sa kanyang likod.

Sa kanyang mata, malinaw na naiwan niya ang kanyang puso...

Ang mapaglarong Xue Shao Yang ay parang inasahang titingin siya sa kanyang likod at agad na napangiti...

Nagbigay-diin ang eksena sa personalidad ni Xue Shao Yang at ang pinakakamuhi-muhing anyo nito ay kung paano nailabas ni Gong Xu ang arogante, hambog, at mapang-api na ugali ni Xue Shao Yang.

Malinaw naman na mali siya at walang kabuluhan ang sinasabi niya, pero nagawa niyang itama ang kanyang mali sa pamamagitan ng kanyang mga salita. Ang linyang sinabi niya kay Shen Ying ay nagdulot sa pagbilis ng tibok ng puso ng lahat.

Sa kamara, mapang-api ang binata, pero sa kanyang preskong damit, gwapong itsura, at masiglang ugali, hindi malihis ng mga tao ang kanilang mga tingin.

Nasisiyahang tumatango si Ye Wan Wan habang inoobserbahan niya ang eksena. Hindi niya sinayang ang kanyang pagsisikap kay Gong Xu.

avataravatar
Next chapter