267 Pagsampal sa sarili mong bibig

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang matagal na katahimikan, may mga pag-alala na naganap sa hall!

"Wa… P*ta! Paano… paano 'to nangyari?!"

"Hindi kay Han Xian Yu 'yang Weibo account kundi kay Zhao Da Yong?"

"Totoo ba 'to?! Na-photoshop ba yang litrato? Paano masasabi ni Mr. Zhao ang ganyang bagay?"

"Imposible yan! Baka peke yan!"

...

Ang kalmado at mapanatag na si Yan Zheng Yang ay napawi na ng tuluyan. Mabilis siyang tumayo at pagalit na sumigaw, "Gao Feng! Baliw ka ba?! Dati ikaw ang nangungunang correspondent sa China, ngayon kinaligtaan mo ang mga propesyonal mong etika at gumagawa pa ng pekeng kwento dahil lang wala kang makuhang storya?! Binababoy mo lang ang sarili mo!"

Malamig na tinignan si Gao Feng si Yan Zheng Yang, "Reporter Yan, parehas lang tayo ng propesyon. Hindi ka ba natatawa sa sinasabi mo? Anong okasyon ang meron ngayon? Madaming mga reporter ang kasama natin ngayon. Bakit naman ako magsisinungaling sa mga ganitong bagay?

Tsk, tutal pitong taon na ang lumipas sa post na galing sa Weibo, pati si Zhao Da Yong mmismo ay nakalimutan na may sinabi siyang ganyang bagay kaya hindi niya nasira ang ebidensya, huh?

Naibahagi ko na ang orihinal na post sa Weibo. Makikita na mismo ng lahat--yung pangatlong kumento sa ika-pitong pahina!"

Nang marinig ang sinabi ni Yan Zheng Yang, nag-umpisa muling nag-usap ang mga tao.

"Galing sa Mars Weekly ang balitang ito! Kahit hindi maayos ang kalagayan ng Mars Weekly ngayon, hindi sila naglalabas ng hindi totoong impormasyon! Kaya nga madaming nagalit na mga artista sa kanila at muntik pang bumagsak sa mga atake sa kanila!"

"Kahit ang maliit na pahayagan ay hindi magtatangka na gumamit ng pekeng litrato para lang linlangin ang lahat sa harap ng mga reporter!"

"P*ta! Nakita ko! Nakita ko na! Totoo nga… si Zhao Da Yong nga ang nagpost! Dali, tignan niyo!"

Madaling tinignan ng mga reporter at pati na din ang mga nanonood ng live telecast ang Weibo post na ikinalat ni Gao Feng, at nakita nga ang kumento ni Zhao Da Yong.

Sabay din nito, ang pagkabit ni Gao Feng ng kanyang phone sa projector gamit ang Bluetooth at pinakita ang kumento ni Gao Feng sa malaking screen at kung paano siya makipag-away sa ibang netizens.

[Sobrang landi, gusto ko siyang i-f***! Magkano ang isang gabi lang?]

[Para kay kuya sa taas, sobrang bastos mo huh! Paano mo nasasabi yan?]

[Hehe, anong ginawa ko? Ganyan yung suot ng malanding yan at ang sekswal pa kung makasayaw, 'di ba parang gusto niyang ikama siya ng mga tao?]

[I-f*** mo tatay mo. g*go!]

[Gusto ko i-f*** yung display picture mo, anak mo ba yan? Parang gusto niyang makama siya!]

[G*guhin ko mama mo! T*ngina mo! San ka nakatira, g*go ka?! Bigay mo address mo kung malakas loob! I XXX]

...

Tinignan ni Gao Feng ang namumutlang si Zhao Da Yong sa entablado, "Ano ho sa tingin niyo? Mr. Zhao, naalala niyo na po ba ang mga ginawa niyong kumento?"

Hawak ni Zhao Da Yong ang kanyang phone ng nanginginig ang mga kamay, ang malamig na pawis niya ay tumutulo din sa kanyang noo. Kabado siyang kinalukot ang kanyang phone.

Nagalit si Gao Feng, "Ngayon sinusubukan mong burahin ang Weibo mo? Huling-huli ka na!"

Napatigil si Zhao Da Yong sa ginagawa at napagtanto na wala din itong kwenta. May takot sa kanyang mukha, pero huminahon ito at tumayo para magsalita, "Yan… ilang taon na ang nakalipas nung nangyari yan... 'di ko talaga sinasadya yung mga sinabi ko noon… wala 'tong mapapatunayan…"

Mukhang inasahan ni Gao Feng ang sasabihin niya kaya sinabi niya, "Mr. Zhao, Hindi yan yung sinabi mo ngayon lang, 'di ba? Lahat dito narinig ang sinabi mo na isang paedophile lang ang makakapagsabi ng ganoong bagay! Ngayon sasabihin mo na wala 'tong mapapatunayan?"

'Di ba parang sinasampal mo ang sarili mo bibig!

avataravatar
Next chapter