849 Pagsabog na kasikatan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mga maiinit na topic sa Weibo sa mga nakaraang araw ay mayroong mg alibo-libong share, habang ang pagbunyag ng cover ng VIVI ay naibahagi na ng 100,000 na beses na may 400,000 likes. May walang katapusang mga komento din tungkol sa post.

Sa personal na Weibo ni Xiao Yu Tong, ang mga litrato na na-post na kama-kailn lang ay kumakalat din sa mga pagshare.

[P*ta p*ta p*ta! Anong nakita ko?! Nakakabaliw 'to! Nasa iisang frame sina Gong Xu at Luo Chen!]

[Masyadong maganda ang photo gallery, huh! Gusto ko silang nakikitang nagtatalo! Parang magkapares lang!]

[Diyos ko diyos ko diyos ko! Sumasabog ang Fujoshi na puso ko! Magpakasal na kayo, nagmamakaawa ako sa inyo!]

[Chen Xu CP for the win!]

[Sinong may sabi na kailangan magalang at mabait ang pagkakaibigan sa labas? Kahit na nag-aaway lagi sina Gong Xu at Luo Chen, mahirap ang pinagdaanan nilang magkasama at ito ang totoong ibig sabihin ng pagkakapatid, 'no! Mas mabuti pa sa mga plastik na relasyon sa entertainment industry!]

[VIVI pala 'to, ang lumang pangalan - dati akong bumibili ng bawat isyu ng magazine nila noong nasa high school pa ako…]

Sa isang office building:

Nagising si Gong Xu at kinakamot ang kanyang mga mata. Nakita niya ang nakakatakot na bilang ng mga shares at comments at gulat na gulat. "Uh, anong nangyari no'ng tulog ako? Ye-ge, bumili ka ba ng water army para sa amin?"

Nalilito din si Luo Chen.

Sumagot si Ye Wan Wan sa mga mensaheng pinupuno ang kanyang telepono at tumawa. "Wala akong pero para bumili ng mga bayad na tagahanga - ito ang natural na daluyan niyo ng tubig."

Mabilis na sinuri ni Ye Mu Fan ang mga magkaka-ugnay na mensahe at gulat na sinabi. "Paano sila magiging bayad na netizen? Hindi pwedeng mapeke ang benta ng magazine at naabot na ang mga pre-order ng 50,000 at patuloy pa ding tumataas…"

Ang ilan sa kanila ay nag-uusap nang biglang napatalon si Gong Xu na parang isang takot na kuting. "T*NGINA! Bakit ang young master ang siyang nasa 'baba'! Lahat kayo baba; lahat ng pamilya niyo 'baba'!!!"

Ang mga isyung pinatutuonan ng pansin ng lalaking ito… ay laging kakaiba talaga...

Sa sandaling ito, lahat ng tao sa VIVI magazine ay abala.

"Xiao Jian, dali, isara mo ang web page para sa mga pre-order. Hindi na tayo pwedeng magkaroon pa ng madaming order; hindi sapat na stock! Dali, dali, dali!"

"Qaioqiao, pumunta ka sa printing factory at taasan niyo ang bilang ng mga kopya! Ano? Hanggang 10,000 lang pwede itaas? Hindi sapat iyon! Kumuha ka ng sipi sa ibang pabrika pala! Maghanap ka kung ano makakaya mo!"

"Mick, naayos mo na ba ang ikatlong set ng mga litrato? At tsaka 'yung group photo ng apat na tao? Dalian mo!"

Sobrang abala si Xiao Yu Tong na wala na siyang oras para lunukin ang laway niya. Walang tigil ang pagtunog ng kanyang telepono at halos sasabog na; may ilang mga tao mula sa entertainment industry na tumatawag para batiin siya kahit na wala silang kontak ng matagal na panahon.

Tinignan ni Chai Yong Li ang mga abala niyang staff sa opisina at pakiramdam na sobrang tagal na ito...

Hindi niya inaasahan na magkakaroon ng malaking pagbabago sa VIVI sa issue na ito, sa paggamit lang ng shot ng dalawang kapalit sa cover, nagawang makabalik sa tuktok ang VIVI...

Kumapara sa nagsasayang VIVI, inaasahan na ang pansamantalang sitwasyon ng Beauty magazine.

"BANG--" hinampas ni Liang Chong ang lamesa, hindi makapaniwala ang kanyang itsura. "Imposible ito! Peke ito! Peke ang mga numerong 'to!"

Nanginig at nautal ang assistant. "Pero dinig ko na madaming nakontak na mga printing factory ang VIVI kaya hindi ito peke…"

At at mga nagbabagang topic na dumadagsa sa Internet ay hindi din peke...

"T*ngina!" bulong ni Liang Chong at agad na tinawagan si Cai Yongsheng, pero hindi ito sinagot.

Si Cai Yongsheng ang may pinakamalalang sakit ng ulo ngayon.

Nagising siya mula sa kama ni Lucy Yan at sumasabog na ang kanyang telepono.

avataravatar
Next chapter