677 Pagpapatunay na hindi siya bakla

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Naramdaman ni Tang Xing Huo na para bang kinidlatan ang buong katawan niya. "ANONG GINAGAWA MO, GONG XU! P*TA P*TA T**G*NA! G*GO KA GONG XU! NABABALIW KA NA TALAGA! Yung virginity ko! Masunog ka sana sa impiyerno!"

Pinunasan ng maigi ni Tan Xing Huo ang kanyang labi.

Mas malala ang naging reaksyon ni Gong Xu kaysa kay Tang Xing Huo. Tinulak niya ito palayo at muntikan pa siyang malaglag habang hinahampas ang tubig sa kanyang mukha. Makikita na siya ay nadudugyutan. "F*ck! Ang dugyot…"

Sumabog si Tang Xing Huo sa sobrang galit nang marinig niya iyon. "Punyeta! Ikaw pa ang nadudugyutan? Ako lang dapat ang nadudugyutan! Niloloko mo ba ako?!"

"S-h-i-t!" Nilakasan ni Gong Xu ang gripo at nilagay niya ang mukha niya sa ilalim nito kaya bumuhos sa kanyang mukha ang malamig na tubig.

Nakita ni Tang Xing Huo ang reaksyon ni Gong Xu. Napadura siya at nanghihina niyang sinabi, "Gong Xu, bakla ka na ba talaga?"

Inangat ni Gong Xu ang kanyang ulo. Tumulo ang tubig sa kanyang basang buhok habang seryoso niyang tiningnan si Tang Xing Huo, "Anong… sinabi mo? Bakla?"

"Uh, wala, wala akong sinabi! Wala akong sinabi! Wala! Mali lang ang pagkakarinig mo! Ayaw mo nga ang halik na iyon eh, paano ka magiging bakla, hahaha…" paulit-ulit na winagayway ni Tang Hing Xuo ang kanyang kamay kay Gong Xu. "Straight ka Gong Xu - ang tunay mong kasarian ay isang tunay na lalaki!"

Patay, patay na ako, nagkamali ako ng sinabi.

Hindi ko pwedeng ipaalam kay Gong Xu na alam ko na bakla siya, lalo na kung ganyang ang mood niya ngayon.

Mabuti na lang dahil kumalma na ang ekspresyon ni Gong Xu nang mapakinggan niya ang pagkukunwari ni Tang Xing Huo.

Hay, salamat sa diyos. Muntikan na ako...

Nagsalita si Gong Xu nang matapos ang katahimikan. "Ano naman siya?"

"Ah? Siya? Sinong siya?" Hindi ito naintindihan ni Tang Xing Huo.

Tiningnan ng masama ni Gong Xu si Tang Xi Huo dahil nairita siya sa sagot nito. "Si Ye Bai - lalaki ba o babae ang gusto niya?"

Dahan-dahan na sumagot si Tang Xing Huo nang marinig niya ang katanungan na ito, "Ah… paano ko malalaman, di ba…?"

Nagmaktol si Tang Xing Huo, "Sinabi ko naman sayo na tanungin mo si Ye Bai, 'di ba? Pero hindi ka nakinig sa akin at isinantabi mo lang ang payo ko. O ngayon, masaya ba ang kinahinatnan…"

Galit na tiningnan ni Gong Xu si Tang Xing Huo.

Bumaluktot sa sobrang takot si Tang Xing Huo at seryoso siyang sumagot kay Tang Xing Huo, "Hindi ba't may girlfriend si Ye Bai? Kaya siguro… babae ang gusto niya, tama ba?"

"Anong pala ang meron sa kanila ni Han Xian Yu?" Biglang naging blangko ang emosyon ni Gong Xu noong nabanggit niya ang pangalan ni Han Xian Yu dahil natandaan niya ang sagot ni Ye Wan Wan kanina. Tila naging yelo ang mga maliliit na tubig sa sakanyang mukha at makikita na nag-aapoy ang kanyang mga mata.

Hindi na siya sinubukang galitin ni Tang Xing Huo sa oras na iyon. Nagkusang loob si Tang Xing Huo na paamuhin si Gong Xu nang sinabi niya, "Oo naman, nagbibiro lang yun. Hindi mo ba napansin na intensyon ni Ye Bai piliin si Han Xian Yu? Ito ay para maiwasan nila ang tsismis! Makikita mo naman na ang mga taong dumalo ay ang staff ng Dazzling, lahat sila ay mga tauhan niya - pangit na imahe kapag lumabas ang mga iskandalo at mga sikreto!"

Unti-unting nawala ang pagiging iritable ni Gong Xu habang pinapakinggan niya ang paliwanag ni Tang Xing Huo tungkol kay Ye Bai na hindi daw nito gusto si Han Xian Yu. Bumalik ang init ng kanyang dugo noong sinabi ni Tang Xing Huo na may girlfriend si Ye Bai.

Leche...

Parang galit na leon si Gong Xu.

Nagtago sa gilid si Tang Xing Huo na para bang minaltratong manugang dahil natatakot siya na baka patunayan ni Gong Xu na hindi siya bakla at bigla na naman siyang hahalikan...

Putek, ang kalinisang loob ko. Anong klaseng tao ba ang lalaking ito?!

avataravatar
Next chapter