20 Pagpapatalsik

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Maya-maya'y nabalot ng bulung-bulungan ng mga estudyante sa loob ng silid.

"Ano! Nawala na ba sa sarili si Ye Wan Wan? Anong karapatan niyang bastusing si Si Xia!"

"Halata namang gusto niyang mapapalapit kay Si Xia! Malaking tsansa 'yun para sa kanya no!"

"Damn! Hindi niya ba nakikita sarili niya?! Anong karapatan ng hamak na katulad niya ang lalandi sa hunk natin?"

Lalong nandilim ang paningin ng guro nila at hindi na napigilan pang ilabas ang galit, "Ye Wan Wan! Ma-e-expell ka na, bakit ka pa rin gumagawa ng gulo, ha?! Sa tingin mo ba kahanga-hanga ang maging pinakahuli at mahina sa klase? Paano ako nakakapagturo sa walang hiyang estudyanteng katulad mo?!"

Agad na ikinatuwa ng mga babae nang marinig nila ang mga masasakit na salita ng guro.

"Haha, oo nga pala, muntik ko nang makalimutan na malapit nang mapaalis sa eskwelahang ito si Ye Wan Wan!"

"Ibigsabihin, totoo nga ang balita!"

"Magandang balita 'yan! Tingnan lang natin kung gaano kabastos ang gagawin niya pagkatapos niyang mapaalis."

Matagal nang nagtitimpi ang kanyang guro sa kanya hanggang sa sa sabihin na ang pormal na pagpapaalis sa kanya sa eskwelahan, pero hindi na siya nakapagpigil at sinigawan niya si Ye Wan Wan sa harap ng klase, "Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin at nang malaman mo kung gaano kasagwa ang hitsura mo, palaging nakabihis na parang multo at hindi normal na tao. Ang mga grado mo panay bagsak pa, tapos huli pang dumadating sa klase. Masisira ang reputasyon ng F class nang dahil sa hamak na katulad mo! Basura na idinamay pa ang buong klase na bumaba at parang wala ka pang pakialam na nangyari 'yun! Ikaw, umalis sa klase ko, ngayon na!"

Ikinasaya naman ng mga babae ang makita na pinapalabas ng klase si Ye Wan Wan.

Gusto lang ng basurang 'yan maakit ang aming Highness!

Magbabayad na siya sa ginawa niya!

"Labas, labas!"

"Bilisin mo at umalis ka na!"

Habang bakas ang panunukso ng mga kaklase sa kanya, nanatiling kalmado lamang sa kinauupuan si Ye Wan Wan at binigyan ng seryosong tingin ang kanyang guro, "Lumabas ng eskwelahan? Nakakapagtakas kung sino ang nagbigay kay Miss Liang ng karapatan para paalisin ako?"

Bakas sa mukha ni Ye Wan Wan ang pagkaseryoso at pagkwestyon niya kay Liang Li Hua. Bakas sa mukha ng guro ang pagngingitngit sa galit nito at mapait na nagsabi, "Sa pamamagitan ng unanimous na desisyon ng mga lider ng eskwelahan, expelled ka na, Ye Wan Wan!"

Habang pinapakinggan ni Ye Wan Wan ang mga sinabi ng guro, lalo siyang nagtaka.

Oh, ano kayang unanimous decision ng mga lider? Kahit na maraming panuntunan ng eskwelahan ang hindi ko sinunod, lahat 'yun ay maliliit na paglabag lang tulad ng pagme-makeup ko, hindi pagsuot ng uniform at pagliban sa klase. Base sa regulasyon ng eskwelahan, mapapatalsik ka lang kapag nakagawa ka ng tatlong malalaking paglabag.

Mapapaalis talaga siya lalo pa'y ipinahiya na siya ni Liang Li Hua sa harap ng mga lider ng eskwelahan.

Kadalasan, bilang isang guro, hindi kailangang pahirapan pa ang buhay ng isang estudyante. Gayunman, maswerte si Ye Wan Wan at aksidente niyang nadiskubre na may karelasyon siyang isang school lider na kasal na sa iba.

Natural lang na gagawin lahat ni Liang Li Hua ang lahat ng mga hadlang sa kanya!

Tulad lang din ng dati. Araw-araw niyang pinapahirapan si Ye Wan Wan, dyan sa ipahiya sa klase at gawing biro para lang sa mga estudyante.

"Bakit ka pa natutulala dyan, alis na!" Naghimutok bigla si Liang Li Hua at agad na itinuro ang pinto sa labas ng silid.

Malakas na tumawa si Ye Wan Wan, "Oh, mayroon palang notice of expulsion para sa akin at kailangan ko nang ma-expel base sa mga salita lang ni Miss Liang? Ikaw ba ang may kontrol sa eskwelahang ito?"

Lalong nagiba ang mukha ni Liang Li Hua. Hinampas ang podium at sumigaw, "Wala ka talagang respeto, Ye Wan Wan! Ganito ba dapat ang pakikipagusap mo sa titser mo? Paano ka pinalaki ng mga magulang mo, ha?!"

Kumunot ang noo ni Liang Li Hua at tiningnan niya si Ye Wan Wan ng pagkayamot, "Pero ito nga naman ang aasahan mo--kung anong siyang puno, ganun din ang bunga! Sa tatay niyang baon na sa utang, anong magandang asal ang makikita sa pamilya niya?"

Isiniwalat ni Liang Li Hua ang tungkol sa anumalyang nangyari sa pamilya ni Ye Wan Wan na may kasamang puno ng galit at pangiinsulto sa harap ng mga estudyante.

Agad na rinig sa buong silid ang mga bulong ng mga estudyante at tensyong nangyayari.

Nanatili pa rn sa Ye Wan Wan sa pwesto niya at nanahimik.

Tanging si Si Xia na siyang pinakamalapit sa kanya ang nakakita sa ekspresyon ng mukha matapos ang mga salitang sinabi ni Liang Li Hua tungkol sa tatay niya. Namanhid ang mga mata ni Ye Wan Wan at bakas ang kanyang pagkatakot sa narinig.

Napailing ang binata at iminulat ulit ang mga mata sa gulat, isa ba iyong ilusyon?

avataravatar
Next chapter