153 Paglapit kay Kamatayan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lumapit ang mga tao nang makita nila si Shen Meng Qi, lumaki ang mga mata nila ng punong-puno ng selos habang tinitingnan si Shen Meng Qi. Pangasar na inanunsyo ng mga tao ang pagdating ni Shen Meng Qi sa entrance ng dormitoryo, "Andito na siya, Andito na siya! Si Sheng Meng Qi andito na!"

Nang papalapit sila Ye Wan Wan at Sheng Meng Qi, nakita nila ang malaking hugis puso na gawa sa kandila sa unang palapag ng dormitoryo. Sa gitna nito ay ang pangalan ni Shen Meng Qi na may mga roses na nakapaligid.

Nakatayo malapit dito ang matangkad at gwapong si Song Zi Hang. Buhat niya ang malaking bouquet ng roses na halos kalahating tao ang laki, at ang mga mata niya ay nakatutok lamang kay Shen Meng Qi.

Nakisama si Shen Meng Qi sa nangyayare at nagpakita ng gulat na emosyon sa ginawa ni Song Zi Hang. Madaling mahulog ang isang lalaki sa ang kaawa-awa at nahihiyang itsura ni Shen Meng Qi na parang puting kuneho.

Sa dami ng kanilang manunuod, Hawak ni Song Zi Hang ang mga bulaklak habang rinig ang kanyang malakas na mga hakbang, "Meng Qi, patawarin mo ako kung ako ay mapangahas ko sayo. Pero may mga nararamdaman ako na hindi ko na kayang itago pa!

Gusto kita! Simula pa noong una kitang nakita, nahulog ang aking puso ng sobra sayo!

Ang pagiging simple, mabait at inosente mong ugali at ang lahat ng meron ka ay gustong-gusto ko!

Alam ko sa sarili ko na ikaw ang gusto kong makasama, ang nakalaan para sa akin at po-protektahan ko ng aking buong buhay!"

Nagsigawan sa galak at kilig na may halong inggit ang mga tao dahil sa mga sinabi ni Song Zi Hang----

"Ahhh! Sobrang sweet at romantic naman!"

"Ang galing mo Captain Song! Masaya na ang buhay ko kapag may nanligaw sa akin ng ganyan!"

"Mag-Yes ka na!"

Umirap si Ye Wan Wan at hindi makapagsalita sa nakita niyang mga kandila at bulaklak. Makalumang paraan ito ng pag-amin kaya naman parang nobela ito sa makabagong henerasyon.

Tsk, hindi talaga ako binibigo ni Song Zi Hang-- mabilis pa rin siyang tumatako palapit sa kanyang kamatayan!

Paulit-ulit nang nagbabala ang Song family na suyuin niya si Jiang Yan Ran ngunit, sinuyaw niya pa din ang kanyang pamilya. Dahil pinahiya siya ni Jiang Yan Ran nung umagang iyon naramdaman niyang nawalan siya ng dignidad, kaya naman naisip niya na umamin kay Shen Meng Qi bilang paghihiganti.

Sa oras na iyon, Nakita ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran na nasa kumpol ng mga tao. Ang mga tao sa paligid niya ay nagpapahayag ng kanilang nararamdaman at marami sa kanila ang natutuwa at ng iba naman ay naaawa kay Jiang Yan Ran dahil sa nangyari sa kanila noon ni Song Zi Hang.

"Eh, malas si Jiang Yan Ran. Sa totoo lang, siya talaga ang unang nagkagusto kay Song Zi Hang!"

"Totoo yun, maayos naman namagkagusto siya kay Chu Feng kaso nga lang magulo ang pamilya ni Chu Feng at alam ko tapos na din ang reputasyon ng nila! Hindi tulad ng Song family na nasa Economics cover page parati!"

"Pero hindi natin masisisi si Song Zi Hang sa pagpili kay Shen Meng Qi; hindi lahat ng babae ay kasi simple at kasing bait ni Shen Meng Qi!"

...

Noong una, nagaalala pa si Ye Wan Wan sa reaksyon ni Jiang yan Ran pero hindi niya inaasahang maayos ang naging reaksyon ni Jiang Yan Ran. Tiningnyan niya lamang na parang walang pakialam ang pagpapabida ni Song Zi Hang at malamig na umakyat sa hagdan para iwan ang kanyang mga libro.

Nang katabi niya si Shen Meng Qi na namumula sa kilig habang tinitingnan siya ng mga taong naiinggit, nalulugod siya sa pagmamahal at pag-amin sa kaniya ni Song Zi Hang. Makikita sa mukha niya ang pagkahiya at gusto ni Song Zi Hang na yakapin at ipakita sa lahat ang pagmamahal niya kay Shen Meng Qi.

Habang nakikita ang nahihiyang maliit na mukha ni Shen Meg Qi nawala na ang pagkabalisa ni Song Zi hang dahil sa nangyari sa kanya kaninang umaga. Nang makita niya din na umalis si Jiang Yan Ran sa kumpol ng mga tao, akala niya siya ay na-heartbroken.

Tumigin muli si Song Zi Hang kay Shen Meng Qi at nagpatuloy na sabihin ang nararamdaman nia kay Shen Meng Qi, "Meng Qi, magsama tayo. Bigyan mo ako ng pagkakataong alagaan, protektahan at pasayahin ka!"

Obvious kay Sheng Meng Qi na ayaw niyang mawala ang oportunidad na makapag-amin din siya kay Song Zi Hang.

Gayunpaman, dahil matalas ang isip ni Sheng Meng Qi, ayaw niyang diretsahang tanggapin si Song Zi Hang. Pabebe niyang kinuha ang mga bulaklak pagtapos niyang magpahiwatig ng pagtanggi. Hindi pa din siya nagsalita at nagmadaling bumalik sa kanyang dormitoryo na kinikilig.

Sa ganitong reaksyon, akala ng mga tao at ni Song Zi Hang na girlfriend na niya si Shen Meng Qi. Gayunpaman, kakayaning tanggihan ni Shen Meng Qi si Song Zi Hang ng harapan at kaya niya ding makipaglandian sa mga ekstra niyang gulong, gagawin niya ang mga bagay na ito.

Natutuwang pinapanuod ni Ye Wan Wan si Song Zi Hang sa paglapit niya kay kamatayan. Binilang niya ang oras sa puso niya, sa mga oras na iyon handa na si tito Jiang at panahon na rin para siya ay maghanda...

avataravatar
Next chapter