217 Paglaban para sa atensyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kahit na hindi alam ni Ye Wan Wan kung bakit masama ang mood ni Si Ye Han, magaling naman ito sa paglalambing, kaya umakyat siya at nagtanong, "Ikaw ang namili ng laso ng Great White? Ang ganda!"

Xu Yi: "...!"

Kahit na ang master ang namili sa laso ng Great White, Ako naman yung nagtali; ako kaya! Ako yung nagbuwis ng buhay, bakit 'di mo ko purihin?!

"Tsaka nga pala, sariwa itong repolyo. Dalhin ko sa kusina para paghandaan ka at pandagdag na din sa kalusugan mo!" malambing na sabi ni Ye Wan Wan.

Dahil sa marahan na pag-aalaga ni Ye Wan Wan, nabawasan ng bahagya ang galit ni Si Ye Han.

Matapos, dinala na ni Ye Wan Wan ang mga gulay sa kusina.

Matapos ang hapunan, palihim na kumuha ng karne ng baka si Ye Wan Wan sa fridge at dumeretso sa bakuran para hanapin ang Great White.

Nakita niya ang pag-ugoy ng buntot ng Great White at ang pagpatrol nito sa bakuran. Nang malagpasan ang mga sisiw, binuksan nito ang bunganga at kinain ang isa sa mga sisiw, ng walang pumipigil.

Nagulat si Ye Wan Wan at dali-daling lumapit, "Great White! Iluwa mo 'yan! Mangingitlog pa ang mga manok; 'di mo yan pwedeng kainin!"

Gulat na tinignan naman siya ng puting tigre, at mabilis na iniluwa ang sisiw na balot na balot ng laway at mabilis na tumakbo.

Bakit ako kakain ng buhay na hayop na ganito kaliit? Naglalaro lang ako!

Nakahinga nga maluwag si Ye Wan Wan nang makita niya na buhay ang sisiw. Inilabas niya ang karne at patukso itong inuugoy, "Great White, Great White, ito na lang sa 'yo!"

Sobrang sariwa ang karne ng baka; na may kaunti pang dugo sa ibabaw nito.

Ang puting tigre, na kadalasan na walang pake sa kanya, ay bigla na lang kumikibot ang ilong.

Kuminang ang mga mata ni Ye Wan Wan at sabik na tinutukso and tigre, "Hindi 'to basta bastang mumurahing karne, nangunguna 'tong black Angus beef! Sobrang sarap nito!"

At… Sobrang mahal din...

Pinaghirapan ko 'tong nakawin!

Uh, pag kinuha ko ba yung karne ni Si Ye Han para pakinin ang puting tigre niya, hindi naman pagnanakaw 'yon, 'di ba? Tutal, kay Si Ye Han naman ang lahat ng 'to.

Alam ni Ye Wan Wan na hindi kakainin ni Si Lu Te ang mga pagkain galing sa mga di-kilalang tao, pero dalawang taon na siyang nakatira sa Jin garden--hindi siya kung sinu-sino lang!

"Ah~ Halika dito~ Kainin mo~ Sobrang sarap niya! Hindi ako magsisinungaling sa 'yo!" patiyaga ni Ye Wan Wan at patuloy pa din itong sinusuyo.

Pero matigas din ang malaking puting tigre; kinibot lang nito ang kanyang ilong at patuloy na hindi ito pinansin.

Grabe ang pagpigil sa sarili mo ah?

Nagkunwaring umiyak si Ye Wan Wan "Bakit mas mahirap ka pang suyuin kaysa sa amo mo?!"

Sa totoo lang, madali lang naman suyuin ang kanyang amo...

Wala ng nagawa si Ye Wan Wan. Inilapag niya na lang sa damo ang karne sa tabi ng tigre at naglakad na papalayo.

Halos sampung minuto siya nagtago sa dilim. Nakahiga lang ang Great White dun, inuugoy ang kanyang buntot habang nilalaro ang mga sisiw. Tapos, kinalikot nito ang karne gamit ang kanyang kuko at kinain na ito, at nilunok sa isang subo lang.

Kinain ng Great White!

Wow! Buo niyang kinain!

Sa sobrang saya ni Ye Wan Wan ay muntik na itong sumaludo; unang beses itong na naging masaya siyang tignan ang isang tao (o tigre) na kumain kaysa siya ang kumain.

Ang cute ng Great White kahit na kumakain siya~

Sa sandaling iyon, walang ideya si Ye Wan Wan na ang mga ginawa niya sa bakuran, maski ang mapagmahal na pagtingin nito sa Great White, ay napapanood siya ng isang demonyo at ng kanyang housekeeper.

Sumulyap si Xu Yi sa amo ng Great White at nangatog ang mga binti niya.

Bakit pakiramdam ko na ang ulam bukas ay nilagang tigre na may repolyo?

Ay, nagpumilit siyang ibalik ko si Si Lu Te. Ngayon kailangan niyang makipaglaban sa atensyon nito...

avataravatar
Next chapter