1143 Pagkatapos mong pag-isipan ng mabuti

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Malakas ang loob ni Ye Wan Wan dahil nakakuha sila ng nominasyon kahit na mahirap masabi kung mananalo ba sila sa Golden Orchid Awards.

Pinanood niya ang buong produksyon ng pelikulang ito kaya sigurado siya sa kalidad ng pelikula.

Ang huhusgahan ng mga hukom ay ang kalidad ng script at pelikula, hindi ang box office performance. Walang kinalaman sa desisyon ng mga hukom ang kalalabasan ng box office.

Natuwa rin si Luo Chen sa balitang ito. Ito ang pinakamagandang balita na nabalitaan niya. 

Nominasyon lamang ito, pero ito ay isang karangalan at takda na kinikilala nila ang kakayahan nila bilang artista.

Mapagmayabang na nag-pose si Gong Xu gamit ang kamay niya na nakalagay sa kanyang baywang. "Hahaha! Ano naman kung nomination ito? Umaaligid pa sila, hindi na lang nila sabihin na nanalo na ako ng Best Actor! Kaya, Brother Ye… gusto mo bang ipakita sa amin ang pag-cross dress mo?"

Inirapan siya ni Ye Wan Wan. Konting pagmamayabang lang tapos makukuha niya na ang Best Actor? Abnormal talaga ang utak nito!

Na-nomina sila pero malaking kaibahan ito sa pagpanalo ng award bilang Best Actor, tama?

Sasamahan lang nila ang nanalo sa paglalakad sa red carpet kung hindi nila nakuha ito. Matutulungan rin nila ang Golden Orchid Awards na makakuha ng nominasyon sa tagline na "Double Best Actor."

Malaking problema ang tagline na ito para kay Gong Xu. Aasarin siya ng lahag ng netizens sa buong internet kapag hindi siya nanalo.

Nagsalita si Luo Chen nang lumipas ang kanilang kasiyahan, "Sinuri at hinukay ko ang records. Nabasa ko na limang beses na na-nomina ang dalawang male leads sa iisang pelikula, ayon sa history ng Golden Orchid Awards. Gayunpaman, hindi nagkaroon ng pagkakataon na parehas na male leads ang nakakuha ng Best Actor. Parehas ang history nito sa Best Actress Awards.."

Sa madaling salita, hindi pa nangyayari sa Golden Orchid Awards na nagkaroon ito ng Dobleng Best Actor o Dobleng Best Actress Award.

Napaka-dakila ang prestihiyosong Golden Orchid Awards; kaya paano mangyayari na magkakaroon ng dalawang Best Actor o Best Actress?

Halos lahat ng nominasyon ay nandoon lamang upang makasama sa pakikipag-unahan, kahit na marami ang nominasyon. At tsaka, ang ibang pelikula na makakapasok sa huling round hindi dapat maliitin. Masyadong malakas ang lineup ng mga kumpanya, direktor, producer at mga artista.

Sila Gong Xu at Luo Chen lamang ang nasama sa kanila...

Sa pagkakataon na ito, naka-post na sa internet ang listahan ng mga na-nomina para sa Golden Orchid Awards.

Sinuri ni Ye Wan Wan ang mga komento. Tulad ng inaasahan, maraming na-intriga sa parehas na nominasyon nila Gong Xu at Luo Chen kaya naging bahagi sila ng ilang mga trending na usapan sa internet. Marami sa mga komento ay mga reklamo, at si Gong Xu ay lubhang ininsulto ng mga netizens.

[P*ta! Ano ang nakita ko? Huwag niyi munang pansinin ang nominasyon ni Luo Chen, kahit si Gong Xu ang na-nominate bilang Best Actor?!]

[Na-nomina bilang Best Actor si Gong Xu? Medisina niya siguro ang Golden Orchid Awards ng taong ito!]

[Punyeta! May kakaibang misteryosong mga pangyayari siguro na hindi natin alam! Ano ba ang ginagawa ng mga hukom ng Golden Orchid Awards ng taong ito?!]

Pinalibutan ng mga pagmumura at insulto ang internet. Pinupuntirya ng lahat ang evaluation committee na ulitin muli ang mga nominasyon. Paminsan-minsan, pinaglalaban ng mga fans nila Luo Chen at Gong Xu, na nakapanood na ng pelikula, ang angking kahusayan nila sa pelikula. Pero ang mga fans nila ay ininsulto rin hanggang sa wala nang natira sa kanila.

Ilang mga tao na hindi pa nakapanood ng pelikula nila ay agresibong nakikipag-away sa ibang netizens dahil sa pangalan na "Gong Xu."

Kumibo ang mga labi ni Ye Wan Wan. Nakakatakot pala ang kakayahan ni Gong Xu na maka-akit ng mga kalaban.

Kinamot ni Ye Wan Wan ang kanyang noo. "Bakit ang lakas mong maka-akit ng mga haters?"

Makikita ang pagmamayabang sa mukha ni Gong Xu. "Syempre! Wala kahit sino man sa entertainment industry ang maikukumpara sa abilidad ni master na makaakit ng haters!"

Sumagot si Ye Wan Wan, "Hindi kita pinupuri, Gong Xu!!!"

Nag-ring ang phone ni Ye Wan Wan. Tinawagan siya ni Ye Mu Fan.

Lumayo si Ye Wan Wan bago niya sinagot ang tawag. "Hello? Kuya?"

Tinanong siya ni Ye Mu Fan, "Lumabas na ang final list. Nakita mo ba?"

"Nakita ko."

avataravatar
Next chapter