660 Pagkakamali

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang pagkamatay ni Qingqing ang naging katalista ng pagbabago ni Lin Luo Chen at malaking mansa sa kanyang puso.

Matapos sumali ni Lin Luo Chen sa evil cult, mayroon na siyang isang malaking pagbabago sa kanyang ugali, nawala ang lahat ng emosyon at tinanggihana ng pag-ibig.

Isang araw, sa kalagitnaan ng laban, hindi inaasahang mapansin ni Lin Luo Chen ang isang babaeng disipolo mula sa isang tiyak na sekta, Meng Xiao Rou, na talagang may pagkakahawig kay Qingqing.

Bilang si Meng Xiao Ruo at ang tao na kanyang mahal ay magkapareho, hindi pinatay ni Lin Luo Chen ang babae at dinala siya sa kulto upang pagalingin sa halip.

Habang ang dalawa ay napapalapit, dahan-dahang napagtanto ni Meng Xiao Ruo na ganap na kakaiba mula sa great devil na inaakala niyang siya. Matapos maglaan ng maraming oras magkasama, nagsimula siyang magkaroon ng nararamdaman para sa kanya.

Nahihirapan din si Lin Luo Chen - alam niya na hindi siya si Qingqing, ngunit hindi niya maiwasang hanapin ang anino ni Qingqing sa kanya at nagsimula na rin niya itong magustuhan…

Ang eksenang kinukuhanan nila ngayon ay ang eksena kung saan inamin ni Meng Xiao Rou ang kanyang nararamdaman kay Lin Luo Chen.

"3, 2, 1! Action!"

Nagsimula na ang shooting. Sa may kakahuyan:

Nakasuot ng isang berdeng dress ang babae. Mukha siyang mahinhin at kaibig-ibig habang ang lalaki ay nakasuot ng isang itim na damit pambata; ang kanyang malamig na itsura ay parang puting nyebe na nakatambak sa isang piraso ng yelo.

Tumitig ang babae sa lalaking nasa harap niya, kumikinang ang mata. Hindi niya maitago ang pagmamahal na mayroon siya para sa lalaki at namula ng siya ay magsalita, "ah… Ah-Chen....gusto kita…"

Nang harapin ang tao na isang great devil sa paningin ng lahat, walang itsura ng pag kagalit at kamuhian sa babae. Tanging pagsamba ang mayroon at makinang niyang nailarawan ang isang maliit na babae na sa pag-ibig.

Sumunod doon, nakapokus ang camera ka Luo Chen.

Sa sandaling ito, nilantad ni Luo Chen ang isang gulat na emosyon. Ang pinakamahalaga, kailangan niya ipakita ang isang pagkagambala sa pag-ibig at galit sa kaaragdagan sa walang kakayahan at pagkamahiyain ng isang binata na maaaring mayroon siya para bang babalik siya sa kanyang dating sarili.

Gayon pa man, sa sandaling ito, malamig pa din si Luo Chen. kumunot na lang ang kanyang kilay, ngunit nag kanyang itsura ay malinaw na matigas…

"CUT!"tinapon ang direktor ang script na nasa kanyang kamay. "Sa 17 beses! Ilang beses mo pa ba gustong kunan ang ganito kasimpleng scene? Luo Chen, makakaarte ka pa ba? Kung hindi, umalis kana ngayon!"

Hindi naging maayos ang scene nila Luo Chen at Meng Xiao Ruo ng mga nakaraang araw, ang ngayong araw patuloy ang sagot ng NG scenes sa buong araw, kaya sumabog nasa galit si Song Jin Lin.

Napaka mahinahon si Song Jin Lin at karaniwang matalino, ngunit kapag nagsimula ng mag film, siya ay nagiging seryoso at grabe sa kanyang pagsigaw.

Naging maputla ang mukha ni Luo Chen. "patawad, direktor…"

"Ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ko sayo. Mag-shoot muna tayo ng ibang scene habang inaayos mo ang iyong sarili; kapag ikaw ay na NG pa ulit, huwag kana babalik ngayon!!"

...

Balik sa resting area:

Ang aktor sa resting area ay nahahati sa malaking grupo sa pamamagitan Ling Shao Zhe ng Emperor Sky.

Nang makita si Luo Cheng na pinapagalitan at pinupuna ng direktor ng buong araw, ilan sa mga maliit na artista sa paligid ni Ling Shao Zhe ay nagsimula ng mag tsismisan.

"Tsk, isang bagong henerasyon ng mga idol? Sa acting na ito?! Talagang alam niya paano magyabang, huh!"

"Dati, akala ko ang pagartena ito ay maganda, ngunit ang kalabasan, alam lang niya paano umarte na para bang facial paralysis. Nasisira niya ang ganito ka simpleng eksena!"

"Talagang kinukumpara siya ng iba sa ating Shao Zhe. sa tingin ko bulag ang mga taga labas!"

"Tama 'yan… ang isa ay naging tiyak na - mas mabuting magtago na lang siya!"

...

"Hey, kayo…." ang assistant ni Luo Chen, Xiao Qing, ay magsasalita na sana, ngunit iniling ni Luo Chen ang kanyang ulo at pinigilan siya.

Sanay na siya sa ganitong pagtrato at hindi niya gustong magdulot ng gulo para kay Ye-ge. Gayunpaman, sarili niya itong problema.

avataravatar
Next chapter