159 Paghihiganti

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa sobrang desperado, nagtunog baliw si Mrs Song, "Hindi ko hahayaan ito, hindi ko sila tatantanan! Tsk, Jiang Hai Chao! Akala niya makakatago soya sa akin? Maghahanap siya ng mas maayos na asaw ng anak niya? Imposible! Tatanggalin ko sa hayup na yon ang kanyang reputasyon! Ipapaalam ko sa lahat na sakim ang mga Jiang at sinira nila ang kontrata! Tingnan nati kung sinong pupulot sa basuro nila!

"Ano pala ang plano mo mom?"

"Huwag kang mag-alala anak! Tutulungan kitang maghiganti sa kanila!"

"Saglit! Mom? Mom!"

Binaba na niya ang tawag.

Nag-aalalang lumapit si Shen Meng Qi sa kanya, "Zi Hang, anong nangyari? Sinong tumawag?"

"Nothing..." Song Zi Hang shook his head and felt uneasy. The Jiang family still hadn't relented yet?

"Wala yon…" Tinaas ni Song Zi Hang ang kanyang ulo kahit pa mabigat ang pakiramdam niya. Hindi pa din sumusuko ang Jiang family?

Iba ang atensyon ni Sheng Meng Qi. Patuloy na hinahabol niya lang si Song Zi Hang para hindi niya balikan si Jiang Yan Ran, kaya hindi niya masyadong inisip ang pangyayari. "Magpa-picture pala tayo! Marami nang tao sa pila kung hindi tayo mauuna doon!"

Naisip niya na lamang na dahil kay Jiang Yan Ran ang kakaibang paguugali ngayon ni Song Zi Hang.

Nagdadamit ng maayos at nagiging malapit na kay Chu Feng- hindi ba alam ni Jiang Yan Ran na alam ko ang intensyon niya?

Kung hindi lang naman nakipag-away si Jiang Yan Ran kay Song Zi Hang, hindi na dapat siya masyadong nagsisikap na mahalin pa siya ni Song Zi Hang. Naniniwala kasi siya na kung gusto ng isang tao ang isang bagay mas lalaki ang halaga nito at mapapasaya siya lalo ng bagay na ito.

Sa Qing He highschool:

Malapit na ang araw ng kanilang pag-perform. Halos lahat ng estudyante ay wala sa kanilang buhay tuwing weekends, dahil inaatupag nila ang dekorasyon sa awditoryum at nag-eensayo.

Maraming klase ang nakapila para mag-ensayo sa malaking awditoryum. May mga tao na nagmamadali at ang itsura ng buong lugar ay buhay na buhay.

Ang palabas na ipe-perform ng senior class A ay ballet; magkasama dito si Jiang Yan Ran at Shen Meng Qi.

"Class A! Susunod na ang "Swan Lake" ng class A, andirito na ba ang lahat?" Pasigaw na tinanong ng host.

"Saglit lang! May isa pang kulang! Papunta na rin daw siya. Malapit naman na siya!" sagot ng kapitan ng class A dance team.

"Pakibilisan kamo!"

"Eto na, eto na!"

"Sinong hinihintay galing sa klase natin? May nagtanong.

"Si Shen Meng Qi. May lakad kasi siya ngayon," sagot ng kapitan.

"May lakad? Saan naman siya pumunta? Ba't siya mahuhuli sa pag-eensayo?!"

"Nakita ko yata siya na papalabas ng gate ng eskwelahan kasama si Song Zi Hang kaninang umaga!" may sumagot ng mahina ang boses.

"Ah---" Sagot ng lahat na naliwanagan at nagsitinginan sila kay Jiang Yan Ran na naguunat sa gilid. Nagsimulang magbulungan at magtsismisan ang mga tao sa paligid.

"Sila na talaga ni Shen Meng Qi at Song Zi Hang 'di ba?"

"Mukha ngang sila na! Bagay na bagay pa! Hindi tulad ng iba diyan na peste sa buhay nila at gumagawa ng kwento na ikakasal dapat sila ni Song Zi Hang, per ang totoo, nasira lang talaga ang plano niya!"

"Totoo yan, siya talaga ang naninira sa magjowa tapos aakusahan niya pa na kabit si Shen Meng Qi!"

Si Jiang Yan Ran ay karaniwang arogante, mapagmataas at nakasakit ng mga tao. At saka, natural sa kanya ang pagiging mahusay na dancer, kaya naman kinuha nila ang tsansang ito para pahiyain at asar-asarin siya.

Magsisimula na sana na mag ensayo ang class A, biglang may nakipagsiksikan makalapit sa entablado ang may gulang na babae na nakasuot ng navy blue na cheongsam.

Lahat ng tao sa hall ay estudyante, kaya napatingin ang lahat sa biglang pagdating ng may gulang na babae.

Nakilala ng iba sa kanila na siya ang nanay ni Song Zi Hang.

Nakikita nilang lahat ang namumuong galit sa kanyang mukha. Dire-diretso siya papunta kay Jiang Yan Ran habang suot ang kanyang high heels at hindi nag-atubiling sinampal ang mukha ng dalaga----- "Walang hiyang g*ga ka!"

avataravatar
Next chapter