85 Paggamit sa kanya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Umakto si Shen Meng Qi na para bang nadulas siya sa sinabi niya na tungkol sa pagsusugal ng kuya ni Ye Wan Wan, kaya naman tila bang tapat niyang tono ay may higit na kagalingan.

Sa pagkarinig nito, kumulo ang kanyang dugo, na nagresulta upang maglasang bakal sa kaniyang lalamunan.

Noong nakaraan, isa sa mga nagkakalesa si Shen Hong Bin sa tatay niya pero ngayon, ang kanyang maipagmamalaking kuya ay bumaba sa pagiging alipin ng pamilya ng Shen!

Akala niya na nagsasakripisyo siya para sa pag-ibig, at masipag siyang nagtatrabaho sa mga Shen, dagdag pa ang pagtulong nito sa pag gawa ng mga malalaking grupo ng mga sikat na artista.

Dahil sa mga nakuhang benepisyo ni Si Ye Han; ang A-list direktor, na si Jiang Yan Ran; at ang kanyang kapatid na mas kilala bilang "god of style" na nagkokonsulta ng estilo, ang nagpa-unlad sa kumpanya ng mga Shen. Napanatili pa nila ang kanilang estado sa mga Ye sa entertainment business pitong taon sa hinaharap.

Sa kuya naman ni Ye Wan Wan, upang makuha ang kamay ni Shen Meng Qi sa pagpapakasal, pinagod niya ang kanyang sarili at nagkaroon ng madaming sakit sa murang edad. Sa huli, bumigay din ang kanyang katawan. Matapos pigain ng husto ang kanyang halaga, pinalayas siya ng mga Shen. Ayaw mapahiya ng mga Shen, kaya naman may mga tao sila para sisihin siya sa pagsira ng isang unspoken entertainment business rule, na naging dahilan kaya nawala ang kanyang reputasyon, at naging blacklist ng lahat ng tao sa entertainment circle, na humantong sa pagkawalan niya ng pag-asa.

Nagawa niyang ipakita kay Jiang Yan Ran ang tunay na anyo ni Shen Meng Qi pero hindi magising sa katinuan ang kanyang kuya.

Noon, ang kuya niya ay kahanga-hanga din, kaya niyang dumaan sa milyong mga babae ng hindi natutukso. Madami din siya naging girlfriend pero, nahulog siya kay Shen Meng Qi. Espesyal ang pagtrato niya kay Shen Meng Qi, ini-spoil niya ito at mas maganda pa ang pagtatrato niya kaysa sa kapatid niya.

Ngayon sa sirang relasyon niya sa kanyang kuya, pag nagsalita siya ng masama tungkol kay Shen Meng Qi, hindi lang ito paniniwalaan, kundi mas lalo pang lalala ang pagkasira ng kanilang relasyon.

Hangga't hindi pa siya nakakahanap ng taong magbubunyag kay Shen Meng Qi at makita ng maigi ng kuya niya ang tunay na kulay ng mga Shen, dun lamang siya'y maliligtas.

Pero, dahan-dahan lang. Nag-uumpisa palang si Jiang Yan Ran.

Lumingon siya kay Shen Meng Qi, umakto na para bang gulat si Ye Wan Wan at sinabing, "'Yung kuya ko ay isang top style consultant at may titulo din na "god of style" sa industriya. Nung ang Global Entertainment, ang kalaban ng Imperial Sky, dumating para isuam siya, hindi siya pumayag. Sinong mag-aakala na sa mga simpleng salita mo ay makukumbinsi siyang lumipat sa kumpanya niyo?"

Bagama't ang Poly Star Entertainment ng mga Shen ay winasak ng Global Entertainment pitong taon sa hinaharap at naging partner ang Imperial Sky ng mga Ye, sa ngayon ang kumpanya ng mga Shen ay huling-huli na sa dalawang makapangyarihang kumpanya.

Nang nasabi na ang mga salitang iyon, ang mga babae na nakapaligid sa kanila ay sinundan ang pag-iisip ni Ye Wan Wan. Kung walang patutunguhan sa pagitan ni Shen Meng Qi at Ye Mu Fan, bakit sobrang masunurin si Ye Mu Fan sa mga sinabi niya, isinuko ang oportunidad sa nangungunang Global Entertainment para sa Poly Star?

At saka, halatang ipinapahiwatig ni Ye Wan Wan na ang mga Shen ay ginagamit lang siya habang nagpapanggap na ginagawan nila ito ng pabor.

Nagbago ng bahagya ang mukha ni Shen Meng Qi. Pwersahan siyang ngumiti at sinabing, "After all, matagal na panahon na kaming magkakilala ni Mu Fan kaya may tiwala siya sa mga sinasabi ko. Kahit na hindi kasing laki ng Poly Star ang Global Entertainment, may potensyal itong lumago. Talentado si Mu Fan, pero matapos ang nangyari sa tatay mo… hindi ganon kadali mag trabaho sa isang malaking kumpanya… Ay, Wan Wan, kausapin nalang kita ulit, Nag-aalala ako kay Yan Ran. Hahanapin ko lang siya!"

Hindi inakala ni Shen Meng Qi na mahihirapan siya kay Ye Wan Wan ngayon. Kahit na binigay niya ang lahat ng pagsisikap niya sa berbal na tugmaan ni Ye Wan Wan sa harap ng mga tao, muntik na siyang hindi makawala sa pag sisinungaling niya.

Para tumigil na si Ye Wan Wan sa pagsasalita, dali-daling naghanap ng dahilan si Shen Meng Qi at umalis na.

avataravatar
Next chapter