270 Pagdiin sa kanya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kapitbahay: "Haha, yung artista gagahasain yung anak ng kapitbahay ko? Talagang ililipat niya yung bintang sa iba! 'Di lang sigurado kung sino ang may gawa ng mga 'to…"

Gao Feng: "Anong ibig mong sabihin?"

Kapitbahay: "Ay, bakit ba sobrang inosente niyong mga taga-syodad? Ibig sabihin nilalaro niya mismo ang sarili niyang anak!"

Gao Feng: "Yung kapitbahay mo mismo? Bakit mo nasabi yan? Na yung sarili niyang anak--paano niya nagawa ang ganoong bagay? May pruweba ka ba?"

Kapitbahay: Pruweba? Nakatira lang ako sa tabi niya. Paanong hindi mo mapapansin ang mga nangyayari dito? Yung mga ingay mula sa bahay niya gabi-gabi, tsk tsk tsk… hindi lang ako ang nakakarinig n'on. Kung ayaw mong maniwala sa 'kin, pwede ka pang magtanong sa ibang mga kapitbahay diyan!"

Gao Feng: "Paano naman po ang nanay ng bata, wala ba siyang pake?"

Kapitbahay: Panggabi sa trabaho yung asawa niya, kaya siya lang at yung anak niya sa nasa bahay gabi-gabi. Pero kahit na nasa bahay yung asawa niya, baka wala din 'tong pake dito! Parehong salot yung mag-asawang yun at ang dumi pa ng puso!"

...

Maya-maya, natapos din ang sampung minutong pakikipagpanayam. May iba kapitbahay na nagsabing madalas nilang naririnig ang iyak ng batang babae, kasama na din ang kahalayan at mga mura ni Zhao Da Yong.

Binigay lahat ng detalyo sa panayam-- talagang ito ay makabagbag-damdamin!

Walang sinuman ang inasahan na ang tatay na ito, na nagsabing hindi niya ipupwersa ang sarili at poprotektahan ang anak niya kahit anumang manyari, ay talagang isang nakakadiri at kasuklam-suklam na paedophile. Sa sobrang sira ng pag-iisip niya ay nagawa niyang gawin iyon sa kanyang sariling anak.

"Zhao Da Yong! Anong masasabi mo sa sarili mo?" malupit na sabi ni Gao Feng.

Halos mabaliw na si Zhao Da Yong matapos marinig ang paglaglag sa kanya ng mga kapitbahay niya at pagharap niya sa mga tanong ni Gao Feng, pati na din ang mga nakakasuklam na tingin ng mga tao sa kanya. "Anong klaseng ebidensya 'yan! Ebidensya ba yan! May sama ng loob sa 'kin 'yang asong si Zhao Qiang Bin! Halatang pinagbibintangan lang ako ng lalaking yan!"

"Mr. Zhao, walang usok kung walang apoy! Tsaka, higit pa sa isang kapitbahay mo ang nanlaglag sa 'yo!"

"Kasi… Kasi nagiging pasaway yung anak ko-- tinuturuan ko lang siya ng leksyon! Sabi nga, 'spare the rod, spoil the child', tama lang naman kung pagsasabihan at paparusahan ng magulang ang anak kapag naging pasaway ito!"

"Oh, so yung pagtuturo mo ng leksyon ay pagpataw ng parusa at gahasain siya, ganon?" pagdidiin ni Gao Feng.

Namumula na sa galit si Zhao Da Yong at malalim ang paghinga nito na parang isang ligaw na halimaw. "P*ta! Sinabi ko ng hindi! Hindi ako paedophile, at hindi ko ginahasa ang sarili kong anak!"

Mas lalong nanlamig ang mga tingin ni Gao Feng at mas kalakasan pang nagsalita, "Haha, may mga testigo at ebidensya na sa harap mo at tinatanggi mo pa din 'to ng parang wala ka man lang pagsisisi sa ginawa mo! Wala ka ng konsensya! Paghahawak sa maseselang bahagi ng katawan niya, at pagpwersa sa kanya ng oral sex-- yun yung mga bagay na IKAW mismo ang nagpagawa sa anak mo, tama ba?"

"G*go tatay mo, isa kang basurang reporter! 'Di ka pa ba tatahimik?!" Sa huli, hindi na nakapagpigil pa si Zhao Da Yong at itunumba ang upuan niya sa likod niya sabay din ng pagsuntok kay Gao Feng sa mukha.

"Ah——" agad namang namaga ang mukha ni Gao Feng sa malakas na suntok na natanggap.

Patuloy ang pagsuntok ni Zhao Da Yong kay Gao Feng, agad namang lumapit ang ilang mga reporter at security guard at hinatak papalayo ang nagwawalang si Zhao Da Yong.

Pinunasan ni Gao Feng ang dugo sa gilid ng labi niya at mapait niyang sinabi, "Naniniwala na ba ang lahat sa 'kin ngayon? Hindi lang siya isang manyak--- mapusok din ang pag-uugali niya, ngayon maiisip niyo kung anong klaseng pagtrato ang kailangan tiisin ng anak niya sa kanya!"

Nang marinig 'yon, mas lalong nagalit ang itsura ni Zhao Da Yong at parang baliw na sumigaw habang sinusubukan atakin si Gao Feng, "Papatayin kita! Papatayin kita! Antayin mo lang! Antayin mo——"

avataravatar
Next chapter