737 Pagbuo ng pwersa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ng makita niya ang kanyang lalaki na tinatamad at nakatunga nga, hinawi siya ng ginang. "Lalaki ka ba? Binugbog ng taong iyon ang iyong asawa - bakit nakatayo ka pa din diyan?"

"P*ta ka!!" Bumalik sa katinuan ang ginoo at minura ang babae bago siya sapakin siya patungo sa lupa.

"Haha..." Nakatitig si Ma Bing sa ginoo. "Kaibigang Zhou, ang galing mo. Kaya mo pala gawin ang ganitong mga bagay bagay, huh? Ngayon, naglakas loob ka na bastusin ang mistress ng bahay, si Miss Ye. Sa hinaharap, ikaw ay aking magiging kuya. Ako'y magiging iyong masunuring nakababatang kapatid at hahayaang utos utusan mo ako - ano sa tingin mo dito? Hindi ba't ang ganda?"

Matapos marinig ito, ang ginoo ay nagsimulang magpawis ng todo. Hindi niya inaakalang ang babaeng ito ay totoo ngang mistress ng bahay ng pamilya Si!

Kung alam niya lang, hindi na siya nagtangka na bastusin siya kahit sa anong paraan kahit na mayroon siyang isang daang lakas ng loob!

"Binibining Ye! Binibining Ye, hindi ko alam… Binibining Ye, ikaw ay mapagbigay at mapagpatawad. Kung alam ko lang ang iyong pagkatao, hindi na ako nagtangkang gawin iyon kahit na bigyan mo ako ng 100,000 lakas ng loob..."

Naguguluhan, ang ginoo ay nalaglag sa lapag at lumuhod. Gumapang siya papunta kay Ye Wan Wan at nauutal.

"Umalis ka!"

Sinipa siya sa tabi ng isa sa mga guwardiya sa Dark Team.

"Ginamit mo ang pangalan ng pamilya Si at sinubukang sirain kaming lahat. Sobrang lakas ng loob mo na naglakas loob kang sipain ang pintuan ni Binibining Ye, huh?" isa pang guwardiya sa Dark Team ang suminghal sa ginoo.

"Bakit hindi na lang ganito gawin natin? Ako na ang bahala sa taong ito at sa grupo ng mga walang kwentang ito." Tinignan ni Ma Bing ang mga binatang mga gangster na parang mga tahimik na mga cicada sa tagsibol.

"Pasensya sa pagabala sa iyong muli." Tumango si Ye Wan Wan kaunti ngunit hindi alam kung tatawa ba o iiyak sa kanyang puso.

Hindi inaakala ni Ye Wan Wan na makakasalubong siya ng ganitong bagay sa H city, lalo na ang isang taong nagtratrabaho sa ilalalim ni Xu Yi...

"Binibining Ye, hayaan mo na. Ito ay aking kasalanan dahil sa hindi ko ito napansin kanina." Huminga ng malalim si Ma Bing at kumaway patungo sa pintuan.

Lagpas sampung lalaki na naka itim na damit ang pumasok sa kwarto kaagad at binitbit ang mga kabataan at ang magasawa palabas ng kwarto.

Ng mailabas na ang magasawa sa kwarto, umiiyak pa sila at nagmamakaawa na patawarin sila.

Ngunit ang mga boses na ito ay dahan dahang nawala habang sila ay hinahatak palayo ng palayo.

Matapos ang pangyayaring ito ng pares ng maniniil na papel na tigre [1], si Ma Bing ay madaling humingi ng bagong damit para kay Ye Wan Wan ay nagpadala ng babala sa hotel manager.

Kung sabagay, ang ginoo ay nagawang mahanap ang kwarto ni Ye Wan Wan, kaya nakatanggap siguro ng balita mula sa isang tao sa loob ng hotel. Kung ang hotel manager na ito ay nagpabaya pa, hindi ito nararapat.

Nang matapos ang lahat, ang insidenteng ito ay natapos na din.

Sa kanyang bagong kwarto, si Ye Wan Wan ay nakatingin sa itsura ng H city mula sa kanyang bintana.

Pagkatapos ng insidenteng ito, naintindihan ni Ye Wan Wan ang importansya ng pagkakaroon ng sariling pwersa; hindi siya dapat laging nakaasa sa reputasyon ng pamilya Si.

Ang kapangyarihan ay malakas na pamato.

Kung magkakaroon siya ng sarili niyang pwersa…

Biglaan, ang mga mata ni Ye Wan Wan ay nagningning at may naisip siya.

Naalala niya ng kaunti na sa dati niyang buhay dumating siya sa H city ng Myanmar, ngunit hindi siya lumalabas ng magisa madalas, narinig niya na may balita tungkol sa H city mula sa kanyang guwardiya ng Dark Team.

Sa kanyang dating buhay, sinasabing isang grupo ng mersenaryo ay may malaking away sa mga local na pwersa sa labas ng H city at lahat ay namatay pagkatapos.

Kung gusto niyang gumawa ng sarili niyang pwersa, mukhang magandang dito magsimula - kung maililigtas niya ang mga mersenaryong ito para sa kanyang pansariling gamit...

Nagningning ang mga mata ni Ye Wan Wan. Tumingin siya sa kanyang telepono at kaagad na may tinawagan.

avataravatar
Next chapter