833 Pagbibigay ng mga pulang pakete

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos mag-usap ng apat sa kanila, sila ay umalis at pumunta na sa kani-kanilang lakad.

Sa may entrance ng bar, tinanong ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan, "talagang kailangan na nating umalis sa apartment matapos mag resign. Saan mo planong tumira?"

Laging mayroong sariling lugar si Gong Xu, habang si Luo Chen ay nakabili na ng isang lugar na lilipatan niya kahit anong oras.

Sumagot si Ye Mu Fan, "siguradong lilipat ako pabalik ng bahay - gusto ko na din lumipat para manatili kasama sila mama at papa at ngayon ang tamang oras. Nasabi ko na sa kanila at sila ay talagang masaya! Ikaw ba? Gusto mo bang sumama sa akin pabalik?"

"Gusto ko, pero masyado mahirap para sa akin na bumalik dahil sa aking pagkakakilanlan bilang Ye Bai. Nakabili na din ako ng courtyard sa labas ng lungsod ng Beijing sa mababang at kahit na ito ay medyo matanda na, hindi na masama kapag medyo nalinisan na. Sobrang tahimik doon!"

Sumimangot si Ye Mu Fan. "Paano kita hahayaang tumira magisa sa ganun kalayong lugar?"

Kaswal na sumagot si Ye Wan Wan, "Huwag ka mag-alala sa akin. Nagpasok ako ng ilang mga katulong at saka, madalas na dadalaw ang aking boyfriend para samahan ako."

Ang mga mercenary na kanyang tinulungan sa Myanmar ay nagpanggap na bilang mga katulong at kami ay nag-ayos para tumira sa courtyard.

Ye Mu Fan: "…"

Ang huling pangungusap ang susi!

Ay, mahirap mag alaga ng isang babae sa bahay...

May nakuha ng tao si Ye Wan Wan para ilagay ang kanyang gamit sa kanyang maleta mula sa kanyang apartment papunta sa bagong lugar habang siya ay nasa business trip. Kaya naman, matapos niyang mahiwalay kay Ye Mu Fan, dumiretso na siya sa labas ng lungsod.

Hininto ni Ye Wan Wan ang kotse sa labas ng entrance ng courtyard.

Nakakita siya ng isang maliit na dalawang palapag na gusali at may isang glass greenhouse sa courtyard. Kahit na ito ay medyo matanda na, mukha itong makabago. Mayroon itong mala bukid na kapaligiran at ito ay malayo mula sa gulo ng siyudad; ito ay nagbibigay ng pakiramdam ng isang paraiso.

Ito ay naging bahay ng isang architect kaya ito ay may magandang layout, pero simula ng lumipat ang mag-asawa sa abroad ng mga nakaraang taon, kaya ito ay napabayaan.

Habang naririnig ang tunog ng makina ng kotse, isang maliit na anyo ang kaagad na lumabas mula sa courtyard. "Master, bumalik ka! Ah…"

Habang ang munting Lolita na mercenary at nakasuot ng isang magandang damit pangkatulong, siya ay nagmadaling lumabas at nakita si Ye Wan Wan sa kanyang panlalaking damit, ang kanyang mata ay nahumaling sa kay Ye Wan Wan. "Ahhh! Ang gwapo ni master! Hihimatayin ako…"

Kahit na sinabi na sa kanila ng master na mayroon din siyang pagkakakilanlan bilang lalaki, hindi niya inakala na magiging sobrang hidi kapani-paniwalang kagwapuhan sa panlalaking damit!

Hindi nagtagal, lumabas sa courtyard ang apat sa kanila. Mayroong matabang lalaki sa naka suot ng damit ng chef, isang matandang lalaki na na damit bilang isang houskeeper na may swallow-tailed coat, isang mahabang buhok na lalaki na nakasuot ng bota habang hawak-hawak ang pares ng gunting para sa mga sanga at dahon, at isang balbas-saradong lalaki na nakadamit bilang isang security guard.

Silang lahat ay tumayo at sabay-sabay nan sinabi, "Master! Maligayang pagbabalik--"

Nang makita kung gaano sila kagalang, tumango si Ye Wan Wan sa kasiyahan. Hindi na masama, mas maayos kaysa sa MLM group of five…

"Master, naghanda na ng pagkain si Heidi. Sabihin mo lang sa akin kapag gusto mong kumain?" magalang na nagtanong ng matandang mercenary.

Sumagot si Ye Wan Wan: "Sa loob ng kalahating oras."

Umupo si Ye Wan Wan sa sopa sa may sala habang kinakalikot ang kanyang telepono, malalim ang iniisip.

Nagpadala siya ng isang text kay Nameless Nie, pero bakit wala siyang balita mula sa kanya ng madaming araw?

Para hindi mahirapan, sinama niya ang lima sa kanila sa WeChat at gumawa ng isang WeChat group.

Kaya naman, direktang nagpadala ng isang mensahe si Ye Wan Wan sa WeChat group:

[May tao ba diyan?]

Ngunit matapos ang paghihintay ng ilang oras, ang group ay tahimik pa din at walang sino man ang sumagot.

May ginagawa ba silang lahat?

Kinamot ni Ye Wan Wan ang kanyang baba at naghintay ng matagal. Wala pa din sagot, kaya pinindot niya ang kanyang telepono at pinadalahan ang group ng isang red pocket na naglalaman ng isang dolyar.

[Nameless Nie received your red pocket.]

[Spray of Flowers received your red pocket.]

[Devotee received your red pocket.]

[Little Sweetie Aisin Gioro received your red pocket.]

[Dead Man received your red pocket.]

Ye Wan Wan: "…"

avataravatar
Next chapter