1006 Pagbanggit sa pangalan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang marinig ito, napaangat ng tingin si Ye Wan Wan mula sa kanyang talaan.

Hm, hindi ko lubos maisip na masasangkot ang ginawa ko sa leksyon ni Professor Li.

Isa itong kakabalaghan.

"Syempre alam ko! Ang laking gulo ng eskandalong ito noon! Siguro walang tao rito ang hindi nakakaalam, 'di ba?"

"Talagang maling naakusahan si Han Xian Yu! Buti na lang nalabas din ang katotohanan sa huli!"

Nag-umpisa nang mag-usap ang mga estudyante tungkol dito.

Tumango si Professor Li. "Sinong magsusuri ng kasong ito?"

Nagtaas ng kamay ang babaeng nagngangalang Yu Ya, sabik na sumubok.

Gayunpaman, napatigil si Professor Li sa entablado at napunta ang tingin niya sa direksyon ni Ye Wan Wan, malinaw na napansin niya ito.

Nang naganap ang birthday banquet, labis-labis siyang pinuri ni Li Yue at muntik ng magsimula ng gulo kay Zhou Qinggang, isang board member ng Imperial City University, habangpinag-aagawan siya.

Nang makita si Ye Wan Wan na dumalo sa kanyang seminar, natuwa si Li Yue. Kaya naman, sinabi niya na may ngiti sa kanyang labi, "Oh, mukhang nakita ko ang nangunguna na estudyanteng pumasok sa Imperial Media ngayong taon, si Student Ye Wan Wan!"

Ano? Ye Wan Wan!

Nang marinig ang pangalang ito, may sabik at paghanga ang mga itsura ng estudyanteng naroroon.

Si Ye Wan Wan ang may pinakamataas na marka sa entrance examination ng unibersidad para sa liberal arts sa kanyang taon sa Imperial City. Marahas na pinag-agawan siya ng Imperial Media Univerisity at Imperial City University, pero sa huli ang Imperial Media ang pinili ni Ye Wan Wan. Lahat ng Imperial Media University ay alam ito.

Sa kasawiang-palad, matapos na makapasok si Ye Wan Wan sa unibersidad, maski ulo o buntot niya ay hindi makita. Bukod sa pagpapakita sa bawat pagsusulit at sa ibang mahahalagang paksa, madalang lang siya makita.

Alam ng lahat na matapos niyang pumasok sa unibersidad, patuloy siyang tumanggap ng mga scholarship sa pangunguna sa kanyang paitang at humiling rin siya sa maagang pagtatapos sa pag-aaral.

"P*ta, dumating din 'yung alamat na top student?" bahagyang nasabik din ang lalaking nangharot kanina kay Ye Wan Wan, hindi na siya nagpahalata masyado dahil sa katabi niya ang kasintahan niya.

"Dinig ko sobrang galing niya! Hindi siya pumapasok sa klase pero nangunguna pa din siya sa bawat subject!"

"Sino ba iyon?"

Agad na sinundan ng tingin ng lahat ang tingin ni Li Yue.

Nang marinig ang pangalan niyang nabanggit ni Professor Li, mabilis na tumayo si Ye Wan Wan sa kanyang kinauupuan.

Ay, naisip kong tatawagin ako ni Professor Li ngayon. Buti na lang pumunta ako.

Agad na napansin ng lalaki ang pagtayo sa kanyang tabi. Ang magandang babae na hinarot niya kanina! Mabilis na nanigas ang kanyang mukha.

Siya… Siya 'yung...

Sa tabi niya, ang kanyang kasintahan, na matamis na nakakapit sa kanyang braso ay nagulat din.

Bakit tumayo ang babaeng ito?

"Professor Li!" bati ni Ye Wan Wan pagkatayo.

Mahaliling tumango si Professor Li. "Magaling, magaling. Ayon, Student Ye Wan Wan, bakit hindi mo suriin ito para sa amin!"

Nang marinig ang sinabi ni Professor Li, namutla ang mukha ng babae at napuno ito ng paghanga.

Ang… ang babaeng ito ay talagang si Ye Wan Wan!"

Humiyaw ng mga usapan ang buong silid.

"Sh*t! 'Yung gandang pumasok kanina ay 'yung alamat na top student sa eskwelahan natin, si Ye Wan Wan!"

"Ganito kaganda si Ye Wan Wan? Hindi 'to makatwiran…"

Si Ye Wan Wan mismo ang gumawa ng kaso, kaya walang sinuman ang mas makakaintindi nito bukod ang kanyang sarili.

Matapos na tumayo ni Ye Wan Wan, mahusay niyang sinuri ang kaso mula umpisa hanggang huli.

Naghihinala ang lahat sa una na may mali, pero matapos marinig ang kanyang sagot, nawala ang lahat ng duda...

avataravatar
Next chapter