483 Pag-aralan kung paano lumandi

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mayroon silang tatlong tanong na mali, kaya wala nang pag-asa na makukuha pa ang premyo ngayon. Wala sa mood ang dalawa na maglaro pa at itinigail na ang laro.

Nang matapos ang laro, nag-umpisa ng magreklamo si Ye Wan Wan kay Si Ye Han, "Nanggigigil ako sa maliit na demonyo na 'to! Paano siya nagkakamali sa mga madadaling tanong?"

"Hindi ako nagkamali!" sumbat ni Si Xia.

"Nakuha mo ng mali ang tatlong tanong, pero tinatanggi mo pa din!" pagsabog ni Ye Wan Wan.

Hindi nagsalita si Si Ye Han. Hinaplos ng malaki niyang kamay ang ulo ni Ye Wan Wan at hindi mabasa ang itsura nito.

Habang nakikipag-away si Ye Wan Wan kay Si Xia, naging maigting ang atmospera.

Sa entablado, binuklod na ng host ang mga puntos. "Ngayon, ang may pinakamataas pong puntos ay ang pares sa table 23 na may walong puntos. Kung wala na pong kukuha ng hamon ngayong gabi, mapupunta na ang premyo sa kanila!"

Tumingin si Si Ye Han sa nangyayamot na babae sa tabi niya. "Hindi masaya?"

Nagising sa diwa si Ye Wan Wan at ngumiti. "Ayos lang ako!"

Hindi naman mahalaga na natalo sila - hindi naman naabala si Ye Wan Wan doon. Nainis siya sa ugali ni Si Xia. Halata naman na si Si Xia ang maling nanghuhula, pero pinapasa pa din nito ang sisi sa kanya.

Nilapag ni Si Ye Han ang inumin niya at tinanong si Ye Wan Wan, "Laro ka kasama ko?"

Lumingon si Ye Wan Wan sa kanya, gulat na gulat.

Ano? Maglaro kasama siya?

Bakit naman maglalaro si Si Ye Han ng ganitong laro...

Ibig sabihin… sadya niya 'yong sinabi… at ginagawa niya 'yon para sa 'kin?

Sa naisip, para bang tumalon ang puso ni Ye Wan Wan.

Oh dear…

Bakit parang nag-aaral kung paano lumandi si Si Ye Han?

Tinignan siya ni Si Ye Han. "Hm?"

Marahang umubo si Ye Wan Wan. "Syempre!"

Sumulyap si Si Xia kay Si Ye Han at lumihis ng tingin na matigas ang itsura.

"Pwede kaming maglaro?" agad na tumayo si Ye Wan Wan para magtanong.

Nakita ng host na si Ye Wan Wan 'yon na nakatatlong mali agad sa mga tanong at sabi, "Isang beses lang po sumali ang bawat grupo!"

"Hindi ko siya kakampi ngayon. Kakampi ko ngayon yung boyfriend ko, ayos lang ba 'yon?" tanong ni Ye Wan Wan.

Tumugon naman ang host, "Ayos lang po!"

Kaya naman, nagsimula na muli ang laro.

Kabadong hinawakan ni Ye Wan Wan ang remote control.

Sabay nito, ang unang grupo ng mga imahe ay lumitaw na sa malaking screen.

Sa kaliwa ay may imahe ng strawberry cake at sa kaliwa naman ay may almond cake.

"Almond…" bulong ni Si Xia.

Hindi nakinig si Ye Wan Wan sa kanya. Nanatili siya sa kanyang desisyon at pinili ang strawberry cake. Halata naman na mahilig ako kumain ng strawberries, 'di ba?

'Di natagal, sabi ni Si Ye Han, "Strawberry."

Kuminang ang mga mata ni Ye Wan Wan. Tama!

Hindi madali ang tanong; hindi na din nakakagulat na nakuha ng tama ito ni Si Ye Han.

Host: "Congratulations, tama po kayo. Tingin na lang po kayo sa susunod na mga imahe!"

Sunond n'on, lumabas na ang pangalawang set ng mga imahe.

Isang imahe ng puting palada sa kaliwa at isang itim na palda naman sa kanan ang lumabas.

Syemre mala-diwata ang puting palda. Tiyak na pinili ni Ye Wan Wan ang puting palda.

Si Ye Han: "Puti."

Tama ulit siya!

Sa sandaling ito, tinikom na din sa wakas ni Si Xia ang bibig niya.

Maya maya, ang pangatlong set ng mga imahe ang lumitaw.

Sa kaliwa ang may imahe ng isang bote ng wine at sa kanan naman ay may isang bote ng orange juice.

Pinili ni Ye Wan Wan ang orange juice.

Si Ye Han: "Juice."

Nasabik si Ye Wan Wan- nakatatlong sunod-sunod na tama na sila.

"Tulad ng inaasahan, kakaiba nga ang mga magkasintahan - may telepathy sila sa isa't isa at nakakatatlong tama na ang pares na din dito sa ngayon!" ngiti ng host.

Malapad ang ngiti ni Ye Wan Wan at biglang bumuti ang mood niya. Sigurado siya na mas may maganda siyang ugnayan kasama si Si Ye Han...

avataravatar
Next chapter