59 Paano siya nakatulog?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kilalang-kilala ng punong tagapamahalang si Zhong ang matandang babae at gayun din ang alam niya tungkol sa kakaibang sakit ng young master. Napuno ang mukha niya ng pagkagulat din sa nakita. "Madam, ito ay…"

Puno pa rin ng alinlangan at pagaalala ang matanda. Marahan siyang naglakad patungo sa dalawang nakaupong magkasintahan.

Ang makita ang matandang babae na naroon, gusto nang gisingin ni Ye Wan Wan si Si Ye Han pero hindi niya magawang makatayo. "Lola…"

Naguguluhan pa rin ang matanda at ang makita ang apo na wala pa rin reaksyon gayong papalapit na siya, nasabi niyang, "Wan Wan...si Littel 9th...siya'y…"

Kanina lamang ay takot si Ye Wan Wan na baka mainis niya ang binata kapag ginising kaya hindi na muna niya sinubukanng gisingin siya maliban nga lang ngayon. Gayong narito na ang kanyang lola, marahan niyang ginising ang binata, "Si Ye Han, gising…"

Ang mahimbing na natutulog na binata ay unti-unting nagising. Halata ang pagkayamot sa pagsalubong ng kanyang kilay matapos siyang itulak. Ang payapa at mahimbing niyang ekspresyon ay agad na nawala at dumilim na tila hindi natuwa sa nangyari.

Tumitig lamang ang matandang babae sa mahimbing na natutulog na apo at saka bumalik sa ulirat na puno ng emosyon. "'Wag… Wan Wan, huwag mo siyang gisingin. Hayaan mo lang muna siyang matulog! Kadalasan ang batang ito hirap matulog…"

Ang bahagyang simangot ng mukha ni Si Ye Han ang siyang nagpakaba sa puso ni Ye Wan Wan. Ayaw naman niyang magkamali sa harap ng demonyong katabi. Napakalma naman siya matapos marinig ang sinabi ng matanda at saka hinawi niya ang buhok ni Si Ye Han para aluin, "Mayroon po kayong kumot? Nagaalala kasi ako baka po magkasipon siya kapag natulog pa rin siya ng ganito."

"Meron, meron. Ginoong Zhong, pakuha naman," madaling sagot ng matanda.

"Sige po."

Madali namang bumalik ang tagapamahalang si Zhong dala-dala ang malambot na kulay abong kumot.

"Salamat po, Uncle Zhong!" kinuha ni Ye Wan Wan ang kumot at saka ibinalot kay Si Ye Han.

Matapos niyang kumutan, hindi na nakakunot pa ang kilay ni Si Ye Han at saka natulog ng mahimbing ulit.

Nagalala ang matandang babae na baka magising niya ang kanyang apo, kaya sumenyas na lamang siya kay Ye Wan Wan at saka umalis ng tahimik kasama ang punong tagapamahala.

Sa katunayan, hindi naman masyadong lumayo ang matanda. Minasdan niya ang dalawa, tinitingnang matulog ang apo, kasama ng mga namumula niyang mga mata.

"Ginoong Zhong, sunduin mo sina Xu Yi at Dr. Mo!"

"Opo, Madam.", agad na tumawag ang tagapamahalang Zhong sa dalawa.

Dumating na sa antigong bahay sina Mo Xuan at Xu Yi, matapos ipatawag, mabilis silang sumunod kay tagapamahalang Zhong patungong hardin.

"Madam, ipinatawag niyo po ako?" pagtataka ni Mo Xuan sa pagaakalang makikipagkita ang matanda sa kanyang magiging manugang na apo. Bakit kaya niya ako ipinatawag sa ganitong oras?

Nakatayo sa isang tabi si Xu Yi, hindi rin maintindihan kung bakit.

Mariin na tumitig ang matandang babae kay Mo Xuan, "Sinabi mo sa akin noon na malala na ang kondisyon ni Little 9th, lalo pa siyang nanghihina sa hipnotismo at hindi na siya makatulog pa ng sunud-sunod na mga araw, tama?"

Nang inungkat na naman ang malaking problemang ito, bahagyang tumango si Mo Xuan, "Opo."

Matapos marinig ng matanda ang sagot ng doktor, itinuro niya ang hindi kalayuan na distansya mula sa kinatatayuan nila, "Ngayon, sabihin mo sa akin, anong ibigsabihin nun?"

Sinundan ng nalilitong tingin ni Mo Xuan ang itinuro ng matandang babae. Saka niya nakitang mahimbing na natutulog si Si Ye Han sa balikat ni Ye Wan Wan.

Natahimik si Mo Xuan, "Ito…"

"Pumunta pa ako para kumpirmahin kung natutulog nga si Little 9th. At saka kanina ko pa siya pinapanood mula rito, mahimbing pa rin ang tulog niya kahit kalahating oras na ang nakalipas," sabi ng matanda.

Mas lalo pang ikinagulat ni Mo Xuan ang nakita. Nakatulog si Si Ye Han nang wala man lang gamit na hipnotismo ko?

Maging si Xu Yi ay nagulat din.

"Paano nakatulog si 9th master?" nagaalalang tanong ni Mo Xuan.

avataravatar
Next chapter